Monday, January 23, 2012

OK NA MGA BIRO



 1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi palaging may ginagawa sya at hindi nya ako kagaya na palaging may iniisip na kagaguhan at mga nakakatawang jokes, at least, sa aking palagay ay " nakakatawa". Ang kanyang trabaho ay manahi ng mga gamit ng kabayo na humihila sa mga kalesa o karitela noong mga panahon sa iyon sa 1950's. Ako ay katulong niyang manahi ( Weekends) ng mga gurnasyon na gamit nga sa mga kabayo. Mabalik tayo sa kanyang kwento. Kung bakit iyun ilang ang aking natatandaan kasi nga ay ako ang jokester sa bahay namin. Ganito ang kwento ni Tatang sa akin: " Mayron daw na isang bata na may ginawang masama e nahuli ng Tatay nya kaya nagalit sa anak at pinangaralan. Anak, hindi maganda yung ginawa mo, masama yun. Akala ko ay nakikinig ka sa iyung mga magulang. Kami ay nagsisikap at nagtratrabaho ng mahirap para likaw ay mapalaki at maging desente ang iyong kinabukasan. Tatandaan mo naman sana anak ang aking sinasabi kasi ay para ito sa iyo at hindi para sa iyong magulang" Siner-monan talaga nung Tatay ang kanyang anak na nakaupo sa isang silya at tahimik na tahimik na nakayuko at walang kibo. Ang kanyang mga labi ay bumubulong habang patuloy sa pag-sesermon ang kanyang ama. Pagkaraan ng mga 15 minuto ay huminto na ang kanyang Tatay at medyo naawa sa kanyang anak na napaka-tahimik nga at nakayuko at patuloy pa rin ang mahinang pagbulong. Ang kanyang Tatay ay halos maiyak sa awa sa anak." Anak, huwag mo naman gaanong damdamin ang aking sermon, iyon naman at talagang para sa iyo at gusto kitang turuan ng leksyon, naiintindahan mo naman ang aking sinasabi, di ba? ....pssssssst, sabi ng anak, 1,200, 1201, 1202....Tatay ang dami palang langgam dito !!! "( Nabigla ako sa punchline kasi nga ay hindi mahilig magbiro ang aking Tatang, palangiti sya at mabait . Sa aking palagay ay nakakatawa ang biro nya...hangga ngayon. Ang aking Tatang ay kinuha ng Diyos noong 1980...R.I.P. ).
                                                                   *******************
2. Ang ikalawang kwentong-biro ko ay nabasa ko lang at ibig kong mabasa ninyo. Sa loob ng simbahan sa Quiapo, isang batang pulubi ay mataimtim na nanalangin sa Diyos.
Pulubing bata: " Panginoon ko, maari po bang bigyan ninyo ako ng 20 pesos dahil gutom na gutom po akong talaga. Dalawang araw na po akong hindi kumakain at kayo na lang po ang aking huling mahihingan ng tulong". Narinig siya ng isang Manila Pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng 10 pesos at inabot sa bata at ito ang sinabi: " Totoy, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito na galing sa DIYOS at ibili mo ng pagkain ". Tumingala ang bata sa Manila Pulis, kinuha nya ang 10 pesos at muling yumuko para manalangin: " Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli huwag na ninyong paraanin pa sa Pulis, kasi malaki na ang bawas!".
                                                                ********************
3. Tindera: " Hoy, kahit nagtitinda lang ako ng buko juice dito ay may mga anak ako sa UP, UST, UC, Mapua at UC. Estudyanteng parokyano: " O, WOW naman, ano ho ang mga courses nila?". Tindera: " Walang courses, nagtitinda rin sila ng buko juice! "
                                                               ************************

Mr: " Kung hindi sa pera ko hindi ka makakatira sa ganitong kalaking bahay".
Mrs: " Kung hind rin dahil sa pera mo, wala rin ako dito!"
                                                               ************************
5. Bago mamatay si Mister Wong ay isa-isa nyang tinawag ang kanyang pamilya.
Mr. Wong: " Akyen junior anyan ba?
Junior: " Dito po! "
Mr. Wong: " Akyen panganay andyan ba?"
Panganay: "' Dito po!"
Mr. Wong: " Akyen anak babae, andyan ba?"
Anak na babae: " Dito po! "
Mr. Wong: " Akyen asawa, andyan ba?"
Asawa: " Dear, andito ako!"
Mr. Wong na galit: " Walanghiya kayo, dito kayo lahat? WALA TAO TINDAHAN!"
                                                            **************************
Mr: " Ako ay malapit nang mamatay. Ipagtapat mo na sa akin kung sino ang ama ng bunso natin dahil siya lang ang pangit sa siyam nating anak"
Mrs:" Huwag kang galit! Siya lang ang tunay mong ANAK! "
                                                             ***************************
Mrs, tuwang-tuwa: " Honey, mag-empake ka na, nanalo ako sa Lotto ng P50 milyon!"
Mr. na tambay: " Wow, galing ano ang dadalhin ko?"
Mrs,tuwang-tuwa pa rin syempre" " Wala akong pakialam, basta lumayas ka na! "
                                                             ****************************
Isang lalaki na dahil sa aksidente ay na-opera kaya walang mga kamay. Siya ay sinusundan ng isang lalaki din. Napansin ng sumusunod na lalaki na itong walang kamay ay malalakas ang mga hakbang at pakembot-kembot ang lakad, kembor dito, kembot dun! Kaya nagtaka ang sumusunod na lalaki kaya tinawag yung sinusundan niya" Hoy, bilib ako sa yo, kahit wala kang kamay ay nakakasayaw ka pa at parang bale wala sa yo yan! .Sumagot ang lalaking walang kamay" Hoy gago ka, kung ikaw ay may  puwit na nagkakati at wala kang kamay, ay ganito lang ang magagawa mo, kumenbot!".
                                                           ****************************
Iyan ang kainaman sa mga Pinoy. Kahit na may kahirapan sa buhay at maraming mga pang-araw araw na problema ay nakukuha pa ring mag-siste at makipagbiruan sa isa't-isa. Mapapansin kaagad ng mga nagbabaksyong mga taga-ibang bansa ang mga ngiti at tawa ng pangkaraniwang mamamayang Pinoy sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. Ang tawanan sa kabila ng tunay na kahirapan at paghihikahos ay tunay na tunay na hahangngaan na mga bagong dating sa Pilipinas.Ang ating kaugaliang mahilig sa tawanan at biruan ay isang katangngiang maipag-mamalaki ko! Salamat Po at sa susunod na kabanata uli, BABAY!!!
OO nga pala, narinig na ba ninyo yung kwento tungkol sa.......ay teka , magluluto na nga pala ako ng inihaw na tuyo at pusit...hmmm, kailangan nga pala ang toyo, bawang, sibuyas....
                                                                        




         

NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA

Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...