Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Friday, January 27, 2012
OPINYON LANG NAMAN
Kung minsan ay hindi natin napapansin na napakabilis talaga ng pagdaan ng mga taon. Ano ang nangyari at ngayong umaga ay napansin nating: "Oy ano ba at mahirap bumangon at iyong hindi sumasakit na parte ng katawan ay di natin magamit? Hehehe, syempre biro ko lang ito, pero karamihan sa mga nag-kakaedad ay ito ang pangkaraniwang reklamo. May sakit sa bewang, rayuma, likod, tuhod.etc. Ay, naku, sorry , ito ang resulta ng TUMATANDA! Ay isa pang nakakagulat ay kapag tiningnan mo ang huling mga litrato ng iyong mga anak! Ay bakit kamo mukhang matanda na rin ang hitsura nila? Ano nangyari sa mga "cute" na mga baby pictures? Tapos , OO nga pala kamo, may mga anak na rin sila at iyong iba nga ay may anak na din...LOLO o LOLA na nga pala . Ako ay magiging Lolo sa darating na Abril kaya malapit na akong maging myembro ng LOLO-oban club? Hehehe...dapat seguro ay mag-umpisa ako ng LOLO CLUB...eh, iyon ang pumasok sa aking ulo..ewan ko kung bakit..sabagay maganda ang tunog ng LOLO -OBAN Club...hehehe...Kung minsan ay nagugulat ako kapag nakakakita ako ng isang " matandang babaeng" tumatawag sa akin sa labas, tingin ako sa kaliwa, tingin ako sa kanan o aking likuran, tawag ng tawag iyong " matandang babae", tapos bigla ko na lang maaalala , ay putris, ASAWA ko pala ko pala iyong tumatawag sa akin..hahaha!!! Eh tiyak na ganun din seguro ang tingin sa akin nung asawa ko kung minsan, hehehe, sino kaya eka yung matandang lalake na yun sa bakuran namin....Ay naku, e wala tayong magagawa, TUMATANDA NA TAYO! Ang kainaman lang ay ang aking mga ngipin ay original pa ang karamihan, malaking bonus yun, kasi mahilig pa din aking kumain ng inihaw at nilagang mais! Mainam talaga medyo malusog syempre, ang pakiramdam ay okey lang at puede pang maki-paglaro sa mga apo, hehehe. Ang panahon nga ay napakabilis! Medyo babaguhin ko naman ng kaunti ang aking topic, kasi nakaka-depress namang masyado ang ating pinag-uusapan tungkol sa pagtanda, sa mga susunod na lang na mga kabanata yun...ayoko namang mag-madali!
Noong isang araw ay nagbabasa ako ng articles tungkol sa mga nakakatawang mga pangalan na ewan natin kung bakit ipinangalan ng ibang mga magulang sa kanilang mga anak. 'Di ba nung tayo ay mga bata pa ay meron din tayong pinagtatawanang mga pangalan? Unang-una, di ko kursanada ang aking buong pangalan kaya ok lang ang nickname pero hindi yung kumpleto! Iyong aking Lolo ay plano palang ipangalan yung naging pangalan ko para sa aking TATANG pero hindi niya ma-pronounce kaya nuong ako ay ma-ipanganak ay sa akin ipinangalan iyung akin naging pangalan, mahaba kasi eh...Ok, balik tayo sa mga nakakatawa at naiibang mga pangalan. Ang natatandaan ko ay nung bata pa ako at nag-babakasyon kami sa Taysan, Batangas ..dun sa aming Lolo at Lola...ay may isang batang babae dun na ang pangalan o palayaw ay ...hehehe..." MONAY" , ewan ko ko ganun parin ang tawag sa kanya pag bwisit ang asawa, hahaha! Seguro naman sana at hindi na..hehehe! Ok, syempre, ayoko namang sabihin ang mga palayaw ko sa dati kong mga teachers at classmates, hahaha, ok, ok, isa lang sa HIGH SCHOOL, eh tiyak na maalala nung mga dati kong classmates, ready? """ BOKYA""", hahahaha...ok, ok, tama na at baka ako ay mabuntal na!
Economics teacher siya, palaging humihingal dahil sa taba..hehehe...ok, sobra naman ako...hahahahahaha!
Ok, naririto ang mga listahan ng nakakatawa at naiibang mga pangalan, apelyido at palayaw:
1. Dalisay
2. Ligaya
3. Luningning
4. Guinhawa
5. Bagsik
6. Catapang
7. Catacutan
8. Tatlong Hari
9. Dimagiba
10. Demakakibo
11. Achuelas
12. Palicpic
13. Carungcong
14. Oso
15. Luga
16. Bala
17. Mamaril ( Totoo ito, ikinasal siya kay Ms. Bala--kaya naging MAMARIL_BALA nuptial )
18. Pante ( Ewan ko kung mga connection sa ikinasal na MAMARIL-BALA itanong natin)
19. TEDDY BALA...( Ikinasal kay HASMIN BARIL ...)
20. SAUDI-IMPAKTO ( Apelyido )
21. Tuklao Mangahas ( Parang hindi namang romantic ano? )
22. Ilaw Liwanag
23. Tina Lupan ( Ewan ko kung ano ang naging trabaho niya? )
24. Dildo ( Sa EAT BULAGA )
Eto pa ang sangkatutak ng mga palayaw: Chukoy, Buknoy, Potpot, Tikang, Mering, Langga, Intoy, Loloy, Poknat, Bokbok, Kulasa, Pokwang, Turokmoy, Bolantoy, Betchay, Pipay, Pipoy, Basting, Abnoy, Quimpo, Bulunggoy, Pepot, Betwang, Tongkay, Bentong, Badidoy, Longkoy, Putol ( dati kong kapitbahay sa San Jose)
Bonus na Tsinoy names:
Andy Lim-----( ipinanganak sa gabi)
Kenneth Sy.....( ipinanganak na bulag)
Bob Uy.......( medyo mataba )
Kathy Ting...( medyo payat )
Malou Wang ...( maraming anak? )
Eva Yan.......( Naiiba talaga siya)
Bill Lee.......( Negosyante talaga)
Lino Co.......( Di ganong marunong)
Dinah Lily Go...( Huwag ninyong ligawan #1)
Tina Go............( Huwag ninyong ligawan #2)
Otto Tin............( Huwag ninyong lalapitan)
Ok, marami na akong nabwisit ngayon, kaya tama na yan, hahaha!!! Huwag mapipikon naman, BIRO LANG ITO!!! Babay!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment