O, ano akala ninyo kasi ay masarap ang winter abroad, haha, the real truth ay napakalamig talaga kung bagong dating kayo sa isang bansang maraming mga snow at ang hangin ay napakalamig talaga. It's hard to describe syempre kung ano ang tunay na pakiramdam sa unang winter. Paano nating ibabase or compare, hmmm. Umpisahan sa ito, imagine na nakapasok ka sa isang malaki at higanteng warehouse na puno ng yelo, at ikaw ay naka-underwear lang, hehehehe, ay naku po, ganun ang lamig na mabibigla ang iyong katawan, from head to toes, ay parang instant na ilado kaagad! Para kang nakakain ng isang baldeng halo-halo kung baga...hahahaha...sa madali't sabi ay uurong ang kung ano-anong parte ng katawan mo, lalo na dun sa mga lalake, hehehe, you know what I mean, GUYS!!! Hhahahaha....kaya kalimutan muna si Mrs..hehehe...mahirap kasing mag-urongan ang mga parte ng katawan eh dahil sa lamig..hehehe.
So how long would it take to get used to the cold?? Kung porme kasi sa mga tao, but generally, maniwala kayo, it's easier to adopt to the cold than the other way around. Kasi pag mainit ay 'di kanaman syempreng puedeng maghubo't hubad , lalo kung nasa trabaho, ma-pwera gusto mo nang promotion, but that's a different topic, huwag muna ngayon yun,ok??Hhehehehe..
Ok, balik tayo sa topic, sabi nga sa Inglis e, let's STAY FOCUSED, kaya balik sa ginaw uli. How many of you have been to Baguio City sa 'Pinas. Natatandaan ninyo nuong una kayong mapunta duon?? 'Hindi ba ang LAMIG ano?? Hhehehehe, putris, bali wala pala yung lamig na yun compared sa winter lalo na sa Northern CANADA..brrrrrrr...Inang, ang lamig, lamig po naman talaga. Eh tiyak na mauubusan ka ng mga Santong mahhihingan ng tulong sa ginaw, ewan ko lang kung talagang ang dasal ay makakatulong e bahala na kayo duon...Ang magiging hitsura mo sa unang winter ay parang higanteng mummy duon sa Pyramid sa Egypt na balot na balot ang buong katawan dahil sa GINAW. O kaya para kang isang higanteng SUMAN sa lihiya or sa IBOS, hahaha...pero, wala kang paki, kasi ibig mo syempreng makaramdam ng init sa katawan...kaya ang mangyayari ay sisihin mo ang iyong sarili kung bakit ka nagpunta dini in the first place> Eh , syempre, iisipin mo yung mga naiwan mo sa 'Pinas na aasa sa iyo, kasi't nasa ABROAD ka na, hehehe...kaya kahit parang iced-water ang pakiramdam mo sa buong katawan ay magtitiis ka talaga...hehehe. Kaya duon sa mga kababayan ko na nangangarap na makapunta sa ABROAD, ay ihanda ang sarili ninyo na maiilado talaga ang buong katawan ninyo at manginginig talaga kayo sa GINAW pag-winter time. Maganda ngang tingnan sa picture at lalo na pag-Christmas time, duon sa postcard, ano, pero..NAPAKALAMIG PO. TALAGA!!! Maniwala kayo...hahaha..ok, sa susunod na kabanatan uli...paalam, goodbye...sa LAHAT..Salamat po!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment