Wednesday, February 29, 2012

PAMAHIIN AT PANINIWALA


Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay naniniwala sa maraming mga pamahiin , kasabihan at iba pang mga  mga paniniwala. Ewan ko lang kung ang mga kabataan sa ngayon ay naniniwala parin sa mga popular na mga pamahiin. Matagal na akong umalis sa Pilipinas kaya ang aking hula at hindi na segurong naniniwala ang mga kabataan sa ngayon. Ang natatandaan ko ay sa mga probinsya ay marami pang mga matatandang mga tao na naniniwala sa mga mapakaraming pamahiin. Halos sa buong mundo naman yata ay may mga paniniwala ang mga pangkaraniwang mamamayan sa pang-araw araw na buhay. Ang isa sa pinaka-popular ay ang maitim na pusa sa daan o lansangan. Masama daw na makita ang isang maitim na pusa na lumakad o tumatakbo sa gitna ng lansangan kasi ay masama daw ang mangyayari at baka maging delikado at malasin ang sino mang makakita nito. Kaya ang dapat daw gawin ay bumalik sa bahay at duon muna magpalipas ng oras. Ewan ko lang kung ilang oras , hehehe. Kaya kapag nahuli ka sa trabaho ay iyun ang iyong excuse! Ok pala kung PUTI yung pusa...
OO nga pala, ang isang kasabihan pa na nabasa ko ay suwerte daw kung may mga maitim na langgam sa loob ng bahay. Ito ang kabaligtaran ng maitim na pusa! Ano kaya ang mangyayari kung may maitim na langgam sa likod ng maitim na pusa?
Kapag nasugatan ka daw sa Biyernes Santo, ito daw ay hindi gagaling!
Hindi daw dapat maligo kung Biyernes Santo at baka ka daw malasin! ( Wala ka dapat na katabi! )
Ang paggugupit o pagpuputol ng kuko kung Biyernes o sa gabi ay hindi daw dapat gawin dahil mag-aaway kayo ng isa't isa sa magulang mo.
Ang isang buntis na babae daw kapag kumain ng kambal na saging ay magkakaroon din ng kambal na anak.
Kapag nanaginip ng pambubunot ng ngipin, mayroon daw na kamag-anak na mamatay.
At kapag may namatay sa isa mong kamag-anak, hindi daw dapat na magwalis! Ito daw ay sa dahilang ang kaluluwa ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang. Hindi daw puedeng mawalis o maitaboy ang "kaluluwa" ng bagong namatay.
Kung ikaw daw ay maysakit, hindi dapat umupo sa unan kasi magtatagal daw bago ka gumaling!
Masama daw magsuklay ng buhok sa gabi kasi ang paniwala ay mamatay daw kagad ang iyong mga magulang ! Maraming mga matatandang tao na naniniwala dito.
Hindi daw mainam na maglagay ng perlas sa mga damit ng mga babae dahil masama at malungkot daw ang mangyayari sa buhay mo! Marami daw na " luha" ang papatak dahil sa iyak gawa ng kalungkutan!
Ang kaluluwa daw ng bagong kamamatay na tao ay bumabalik sa 3,5 at 7 na araw ng kamatayan.
Marami pang ibang mga pamahiin at paniniwala ang mga Pilipino. Ilan lamang ito na nabanggit ko. Sa susunod na kabanata naman seguro natin mababasa ...

No comments:

NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA

Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...