Seguro ay talagang nagkakaedad na ako kasi ay may-nag-email sa akin na dahil matagal na 'ko dito sa Canada ay pwede daw ba akong mahingan ng advice o payo?. ( Tama ba yun? ) Kasi nga ay ang aking Mrs. ay hindi marunong ng Tagalog and we've been married for almost 36 years now, e hindi ko syempre nagagamit ang Tagalog very regularly. Anyway, mainam na practice uli sa akin kaya pagbibigyan natin ng panahon yung Mrs. "Sekreta" from San Miguel,Bulacan...she got my email address from somewhere, thank you very much! Seguro eh sa isang Pinoy na nakakulong sa munisipyo sa Taysan,Batangas, anyway, basahin natin ang email ni Mrs. "Sekreta": Obviously, she wants to remain annonymous.
"Deer" Tito Resty ,
Ay beri suri pu, ay kasi pu ay itong aking Mister ay parang ayaw na sa akin ...masakit pu sa aking kaluuban pag hindi niya ako napapansin lately pu. Lalu na pu kung ako'y katatapos lang maglako ng ilang dusenang tuyo at daing sa palengke at dahil pu sa malayo kami sa ilog ay bihira pu akong nakakaligo. Ay talaga pu namang ibig na ibig ku pa siya, kahit pu tamad at walang trabahu ay, ang pogi talaga niya, ay parang artista!! Anu pu kaya ang dapat kung gawin, Tito?
Misis "Sekreta"
Ah, Misis " Sekreta", I'm very sorry sa iyong "problema", kawawa ka namang talaga, ano...parang na-iyak na halos ako sa iyong kalagayan. Unang-una ay napakasipag mo at ikalawa ay para kang "Santa", hindi Santa Claus, but Santo parang Santo. Mahirap kasing sabihin sa iyo na "gaga" ka kasi hindi naman, ang totoo ay ikaw ay isang dakilang asawa at babae, e hindi ba puedeng itapon mo na lang yung tarantado mong asawa? Bakit ka nagtitiis dyan, e ano kung gwapunggo yung lalaki mo e wala naman palang trabaho yung gago na yun? Nakakabwisit nga eh, ikaw pa ang may kasalanan? Ay bakit hindi mo iwanan yang gagong asawa mo? Ikaw naman ang bumubuhay sa kanya, di ba? Ok, ganito ang gagawin ko...mag-email ka sa isang kaibigan ko dito na byudong Canadian at dini na kana tumira pagkuwan, ok? Take care!!! Tutulungan ka namin makapunta dini...
******
E mainam sa kalooban ko ang makatulong naman, ano,readers? Ok, I have another reader na nag-email sa akin , this time ay isang teenager who wants to be called Mr. " Pinoy Dude" from Baliuag,Bulacan:
Hoy Tito 'musta?,
Eto problema ko Tito. Kasi marami kong bisyo, chicks, beer, pool, SM shopping, ti-par, barkada, etc...ay bakit kaya ang aking grade sa High skul ay below 75% at saka ang aking mga parents eh galit sa akin, yun nga ang bigay lang sa aking pambaon sa school ay 150 pesos lang, panung magkakasya yun ay pangtricyle lang ay 24 pesos na! E pano naman ang aking cell phone pa, Tito? Puede bang payuhan mo ko..
" Pinoy Dude"
(This is GOOD, hehehe). First, " Pinoy Dude", ang bastos mo naman, bakit mo ako tinatawag na Hoy Tito? Who gave you the right to address me in that manner? Ay hirap sa iyo ay wala kang galang sa nakakatanda sa iyo! Ang dapat ay tulungan mo 'yung sarili mo, iwasan ang sobrang good time sa buhay, e bata ka pa ! Anong kagaguhan ang binabatakan mo ngayon? Teenager ka pa lang e kailangang mag-aral ka at tulungan ang sarili mo at lalo na yung mga parents mo,OKEY??? Eto gagawin ko sa iyo, I'll send you an email address sa isa kong contact at tutulungan ka para ka tumino , take care!
***********
I fully understand na totoo na nangyayari sa buhay ngayon sa today's article. Syempre, in a joking manner at least ay na-discussed ko ang typical problems na nangyayari sa present time lalo na sa Pilipinas. Ang sana namang mangyari ay magsikap ang present generation na baguhin for the better ang ating pamumuhay, SALAMAT SA INYO, READERS!!! BABAY for now.....
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment