Thursday, April 27, 2017

YEHEY! TALAGANG RETIRO NA BA AKO? ANO NGAYON GAGAWIN KO?

Sa totoo lang, kapag nag-retiro na ang isang  pangkaraniwang tao, ang ating nasa-isip na mangyayari ay easy-easy na lang ang magiging buhay, di ba? Ay maraming salamat at sa wakas ay makakapagpahinga na ako! Sa umpisa syempre ay maninibago ang pakiraramdam , ang isip at ang katawan mo. Ang unang-una segurong kapansin-pansin ay ang kasarapan ng damdamin na wala ka nang iintidihin kahit na matagalan ang tulog mo at magigising ng alas 10 ng umaga, hahaha! Wala ka ng takot na mahuli sa trabaho o maiwan ng bus o tren at iba pang sasakyan papuntang trabaho. O kung nagmamaneho ng sasakyan ay di kana nenerbyusin sa traffic at delikadong daan lalo na kung winter sa lugar mo kung ikaw ay nasa ibang bansa na malamig ang klima! Ay, talaga, ang hirap kapag mag snow sa daan at malalim pa! Blowing Snow at mas grabe kung ICY pa ang mga kalsada! Nakakatakot na pakiramdam yun  kasi pag-pababa na at ICY ang daan, nakakatakot talaga! Ang dami kasing aksidente sa winter time! Mabalik tayo sa pakiramdam ng bagong nag-retiro! ANG SARAP ng pakiramdam lalo na syempre kung maganda pa ang iyong kalusugan at di sakitin. Anong  sarap nga ba kung hingalin ka, may mga rayuma, masakit ang katawan at walang gana! Sa madalit sabi ay basta ang kalusugan ay mahusay pa, eh sarap ng pakiramdam kung retirado ka na! Basta dapat ay maging busy ka palagi at maraming magagawa sa bahay, sa garden, maraming hobbies, maraming magagawa! Ako ay saksakan ng daming nagagawa sa buhay. Mahilig akong magtanim ng halaman, bulaklak , prutas gaya ng ibat-ibang klase ng mga berries. Gaya halimbawa ng strawberries, rapsberries, cherries, plums, mansanas, ubas, blueberries at marami pang iba! Aba, ang kasarapan niyan ay talagang sariwa, organic at walang mga chemicals ang mga tanim ko! Masarap ang lasa at nakakatipid talaga sa budget. Ang problema kasi pag retirado ka na ay mas maliit syempre ang kinikita mo kasi wala ng sueldo at pension na lang. Basta naman di gaanong maluho ka ay ok naman ang natitirang pension at pera. Syempre, basta nakaipon ka na nuong medyo bata pa para sa pag-retiro ay makakaraos ka naman. Yun iba syempre ay sobrang maluho sa buhay at sobrang gastos kaliwa't kanan, kaya naghihikahos sa buhay. Marami akong paboritong hobbies. Photography at sumulat ng blog at Product Reviews sa Amazon. Magaling na hobby yung product review kasi linggo-linggo ay nakakapamili ako ng ibat'-9bang mga produkto sa Amazon. Ipinadadala sa akin at yun ay akin na. Basta lang syempre sumulat ako ng tunay sa loob na at totoo talaga ang Product Reviews para mabasa ng masa bago sila bumili ng mga produkto. Ang kainaman nito ay natututo talaga ako nga mga makapabagong kasangkapan lalo na syempre ang mga nauusong electronic gadgets! Sobra naman kasing kabilis ma-improve ng mga kagamitan natin. Sa Cell Phones, TV, gadget sa mga sasakyan at sa gamit bahay. Nuong dating kapanahunan pa ng mga magulang ko sa Pilipinas, ang may mga hobbies lang sa atin nuon ay iyong may KAYA sa buhay. Ang mayayaman ay marunong maglaro ng GOLF! Aba, pang-mayaman lang sa atin yun! Mga professional na tao lang ang puede at ang may kayang maglaro ng golf. Sabagay dito man sa Canada ay ang karaniwang nakakapglaro ng GOLF ay mga may kaya din pero di naman ganung kamahalan din ang bayad kaya ang regular na tao ay medyo kaya ding makapagyan ng Green Fees. Sa Pinas naman ay unti-unti na yatang nagbabago na din ang nagiging kultura lalo na ang mga kabataan na nasa kanilang  ika -30- or 40 edad. Kasi nga, na-aapektuhan din ng Social Media at ng mga nababasa nila mula sa North Amerika at sa Europa. Mahilig din kaming mag-asawa ng maglaro ng badminton linggo-linggo. Mahusay na exercise at mura na din ang bayad sa 2 oras na mga laro. Kabilang kami sa aming Badminton Club na ang mga miyembro ay ordinaryong mga tao din na kagaya naming mahilig sa laro para maging aktibo at panatilihin ang kalusugan sa pamamagitan ng larong Badminton. Palabiro kasi ako kaya habang naglalaro kami ay nagbibihan di kami. Di gaanong competitive ang mga laro , talagang katuwaan lang. Syempre naman, gusto ko ding nananalo, hehehe! Mahilig din akong mamaril o target shooting sa likod ng bakuran ko. May dalawa akong d--hangin na riple at may mga paper or cardboard targets ako na may bullseye. Pero ang pinaka-paborito kong hobby ay linisin at panatilihing malinis ang aking pam-bakasyong Roadtrek na Van Conversion. Iyun ang aking BABY na palagi kong nililinis para manatiling parang bago at makintab! Ganun yata ang pangkaraniwang lalake, mahilig maglinis at mag-shine ng kanilang kotse o Van. O, sige, mga Kabayan, medyo hapon na pala, ang isa ko pang  HOBBY ay magluto! Hmmm, ano nga ba ang masarap na hapunan?? Okey, ano, medyo maghahanap ako ng rekado sa fridge at makapagluto na nga!! Nagugutom na ko!! BABAY na!!


Monday, April 24, 2017

WANTED: KAKANIN! NASAAN KAYO, PENGE NAMAN!

Sa palagay ko, ang isa sa pinaka-na-mimis na bagay ng isang isang Pilipino sa ibang bansa, ay ang kakaning Pilipino! Di ba? Syempre, ang pamilya ang nauuna at sa akin ang pangalawa ay ang mga pagkain at lalo na ang mga paboritong kakanin! Kasi nung bata pa ako, ang aking Lola ay mahusay gumawa ng mga kakanin. Siya ay nagtitinda ng kanyang nilutong kakanin na nilalako sa malapit na palengke! Natatandaan ko pag niluluto niya ito ay kaming magkakapatid ay di makatulog pag iidlip para sa aming siesta. Syempre, naamoy namin yung putong ginagawa at niluluto niya! Eh sino ba namang normal na bata ang hindi matatakam duon? Parang torture nga ang pakiramdam, hahaha! Pag naluto na ay may patikim sa amin bago ilako. Kahit konting piraso lang syempre para kami ay makatikim ng puto! Tapos, ay ilalako na niya ang iba! Kaya nga nang ako ay makarating sa Canada nuon pang 1971 ay nag-aral akong magluto ng mga kakanin. Natandaan ko pa nga ng itanong ko sa Mother ko ang recipe niya ng biko! Ang dali lang palang gawin at lutuin. Kasi naman, halos kahit sa anong panig na ng mundo ay meron ng Asian market. Kaya ang mga rekado at iba pang gamit sa pagluluto ng karamihan sa ating mga kakanin ay mabibili na. Ang kainaman sa ngayon ay may mga "YouTube" videos nga na nagpapalabas ng kung papaanong gawin or lutoin ang halos lahat na kakanin or recipe mula sa Pilipinas. Natutuwa ako kasi mahilig akong magluto, ulam , sabaw , kakanin at iba pang makakain. Marami akong paboritong kakanin. Palagay koy halos lahat naman ng mga Pilipino ay kagaya ko rin na mahilig sa kakanin..mapwera lang na may medical issues at bawal sa kanilang diet! Maswerte ako at even at my age of 68, ay ganado pa ako at walang food restrictions! Ang timbang ko lang ay mga 128 lbs. at 5'7. Di buntis ang tiyan kasi wala akong hilig sa beer o alak! Ayaw ko kasi ng bisyo lalo na ang sigarilyo! Ang bisyo ko lang ay tugisin ang Mrs. ko! Biro lang,,,hahaha! Ang kaso lang kasi taga-rito ang Mrs. ko, hindi siya mahilig kumain ng mga kakanin. Slim di siya at very conscious sa pagkain kaya hindi siya LOBOHIN. Kasi sa Pinas, halos epidemic na ang obesity. Kasi nga ang mga pagkain , street food stalls, malls, etc. ay taksan-taksan ang mga karinderya, Pizza stands, burger joints, restaurant, Grabe! Anyway, paminsan minsan nga, ay nagluluto at gumagawa ako ng aking paboritong kakanin. Very relaxing din  kasi para sa akin ang magluto! Kaya sa bahay namin, ako ang cook sa weekend at si Mrs. naman sa weekdays. Dati kasi ay baligtad. I did the weekdays cooking and she did sa weekends. Mahilig nga kasi akong magluto. Nuong mag-retire kami at nag-roll reversal kami para naman may break ako. Ok naman sa akin. Pero gusto ko nga at mahilig ako sa cooking! Ang problema ng maraming OFW ay loneliness syempre, kaya ang pagkain ng mga kakanin ay magandang substitute para makalimutan ang kalungkutan sa buhay. At saka syempre parang moral support din ang pagkain ng kakanin lalo na nga at yung paborito nila ang kakainin lalo na sa weekend or araw ng break. Kaya kahit na lang sa retrato ay makita ninyo at maalala ang ating KAKANING PINOY! Yaaay, kain na tayo , mga KABAYAN!!!!









                                                             Photos by Marketman
Mamili na kayo at ako ang sagot! Hahahaha! Pa-order na lang ninyo yan kung may mga kaibigan kayong marunong gumawa. Magbayad kayo sa mga rekado at hati seguro kayo, para PATAS ano? O, sige, ENJOY!!! Putris, tulo laway na yata!!! Easy easy lang kayo!!! LOL!

Sunday, April 23, 2017

NAG-IIBA NA TALAGA ANG 'PINAS!

Photo copyrighted by philstar.com
Regular din akong nagbabasa ng mga news mula sa 'Pinas. Mostly ay sa YouTube at iba pang online news centers at newspapers din. Kahit na ako syempre malayo at matagal ng umalis mula sa 'Pinas ay gusto ko paring malaman kung ano na ang nangyayari sa Pilipinas. Kaso lang, ibang-iba na nga ang buhay sa dati kong bansa pag ikinumpara ko nuong kapanahunan ko. Kasi ipinanganak ako nuon pang 1948! Wow, naging lolo nang talaga! Yun nga lang, iisa nga lang ang aking apong babae na malapit na ngang maging 5 taon sa isang buwan. Kaso nga lang ay ang layo ng bahay nila mula sa akin. Ay, sobrang layo, mga 4,400 na kilometro!!! Kaya syempre ang mabilis na paraan para magkita ay sa Skype na lang! Hehehe! Once a year lang kaming magkita sa tunay na buhay, eroplano nga para mabilis! Kung bakit pag tinawag na LoLo ay iba ang pakiramdam, ano? Well, duon sa mga kabataan syempre ay di ninyo pa alam ang damdamin ng nagiging LoLo o Lola! Kakaibang talaga! Nakakatuwa sa kalooban ! Yun nga lang, kapag tinawag akong Lolo ay sa umpisa syempre ay di pa sanay sa tawag! Hahaha! Kasi, parang MATANDANG MATANDA ka na pag natawagan kang LOLO  o LOLA! Ok, mabalik tayo sa sinasabi kong malaking pagbabago ng lipunan at mga kaugalian ngayon ng mga kabataan sa Pinas. Sa aking palagay kasi ay sobrang bilib at inggit sa mga Amerikano  at mga taga-ibang bayan ang pangkaraniwang mamayan sa atin. Natatawa ako sa sarili ko kasi Little Brown Americans nga ang dating tawag sa mga Pilipino nuong ako ay bata pa. Lahat ng Stateside na bagay ay gusto ng mga Pinoy! Pagkain, pagdadamit, pagsasalita, IDOL nga ang mga Kano ng mga Pinoy! Ang mga malls ngayon ay westernized syempre! Para na ding sa North America ang mga paninda at yun nga kahit yung ibang presyo ay halos mas mahal pa nga sa malls sa Pinas pag ikumpara sa Canada. Sa loob loob ko nga ay naitatanong ko? E sino ang nakaka-afford ng mga mahal na merchandise? Well, ang mga malls sa Pinas ay halos punong-puno ng mga tao, kaya kahit 5 % sa mga libo-libong shoppers ang bumibili ay ang dami nga parang perang kinikita ng mga tindahan sa malls! Kasi ang mga Pinoy ay ibang dumiskarte! Ang gaganda ng mga damit, mga suot! Sa unang tingin nga ay paano mong mahuhulaan ang tunay na may pera o " mayaman " sa atin!!! Hahaha! Ma pwera sundan mo kung saan sila nakatira. Yun pala sa ilalim ng Tulay Mansion! Biro lang syempre. Nasasabi ko lang naman, kasi nga maraming mga maluluho sa Pinas! Kahit maluob sa utang, basta maganda diskarte at ibig mapagkamalang mayaman at talagang COOL, ok lang! Sabagay, kung maganda sa kalooban nila at maganda ang nararamdaman ay sulit na seguro sa kanila ang magkungwari! Dito man kasi sa Canada ay maraming mga tao na mas malaki ang nagagastos kumpara sa kinikita. Yun nga lang, iba ang social safety net sa North America. Mas maraming mga sangay ng gubyerno na di ka pababayaang maguton! May maliit na sustento o tulong sa mga mamamayan . Yun ang malaking pagkakaiba ng Pinas at Canada! I bilib na din ako sa mga malalakas at matapang ng damdamin ng pangkaraniwang Pinoy. Kasi madaming mga kamag-anak na matatakbuhan sa Pinas! Kaya kahit isang kahig isang tuka sa atin ay nakakaraos kasi yung ang matatawag ng normal na kalagayan ng pamumuhay sa atin. Kasi ng matagal na akong wala sa atin. Pero sa mga nadidinig ko, nababasa at napapanuod sa social media, ay halos ganun pa din sa tulungan sa atin. Ang sinabi ko lang na malaking pagbabago ay ang modernization sa Pinas. Ang mga highrises, world class na restaurants, resorts, hotels, mga bagong kotse, condos, malalaking bahay, WOW! Ibang-iba na nga ang first impression ng mga bagong dating sa Pinas. Especially nga ang mga foreign tourists! Ang modern ng nga kasi ng Manila, Makati at suburbs! Kahit nga sa mga bayan ay may mga 7-11, Pizza Huts, etc. Nakakagulat talaga pag matagal ng hindi nakakapasyal sa atin! Pati mga kulay ng mga buhok sa atin ay may mga blonde na din, hahaha! Hmmmm, pagnakatalikod nga at maganda ang mga damit at blonde pa, eh akala ko nga ay ang sinusundan ko ay Amerikana o Canadian, yun pala ay isa lang na bading na nagpa-blonde ng buhok!!! Hehehe, sorry pero di ko mapigilang tumawa! Magalit na kayo sa akin, ok lang, kasi tutoo naman! Bakit ba pinipilit na magmukhang Blonde na Amerikana! Eh okay naman ang itsura ng mga Pinay. Ang karaniwan nga na mga Puti dito sa Canada ay naiinggit sa complexion ng mga Filipina tapos baligtad naman ang mga nararamdaman ng maraming mga tao sa atin lalo na yata ang mga kababaihan! Sorry ano!?? Di ko naman nilalahat syempre! AY, mahintuan ko nga ang blog ko bago ako murahin ng mga readers! LOL! Pasensya na po at ito ay pabiro lang na blog! Take it easy and don't be too serious naman! Ok? Mag-ingat kayo mga Kabayan! Goodbye for now!!!

Photo copyrighted by Philstar.com


AY LECHE! OKAY NANG MAGMURA !

Hmmmm, sino nga ba ang maniniwala na kumporme kung sino ang taong pagmumulaan ng anomalya, tungkol sa pagmumura sa harap ng publiko, ay mangyayari na may patnubay ng karamihan sa masa sa Pilipinas? Hahaha! Aba, basta may ibubuga pala ang isang tao, lalo na si Mayor Presidente Digong , ay OKAY NA OKAY na sa karamihang mamamayang Pilipino. Bakit? Kasi sawang -sawa na ang mga tao sa mga manloloko at mga DOROBONG magnanakaw at sinungaling mga Politiko sa PINAS! Totoo naman, di ba? Pagkatapos ng ilang dekadang kawalanghiyaan ng karamihan sa mga naupong opisyal sa Pinas, na magnanakaw at gusto lang magpayaman kapag nahalal na, ay sa wakas, nagsawa na si Juan De La Cruz at sipain na ang mga demonyong magnanakaw sa gubyerno! Hahaha! Ok lang, di naman ako, magmumura na kagaya ni Digong! Hahaha! Putris, magiging uso na yata ang mga-leleche sa PUBLIKO! @?<)#@@@, Hahaha! Kasi nga naman, punong-puno na sama ng loob at naubusan na ng pasensya ang publiko sa mga gagong opisyal ng pamahalaan ng Pinas! Di nga ako makapaniwala na TUNAY PALA si Mayor Presidente Digong sa mga pangako niya na gagawin para LINISIN ang katarantaduhan sa PILIPINAS! Eh siyempre, marami pa din mga hipokrito sa Pinas na galit sa pagmumura ni Digong pero esitlo lang naman niya iyon! Kasi nuong lumalaki pa ako at bata pa, marami din naman akong mga Tiyuhin na galing sa Batangas na mahilig magmura! Kasi nasanay sila duon at parang parte lang naman ng kanilang pang-araw na bukabularyo sa pagsasalita! Para bang estilo, kung baga! Eh syempre, kung nasanay na gamitin ang pagmumura ay magiging normal lang sa kanilang pang-araw araw na pakikipag-usap sa ibang tao. Di ba? Hahaha! Ok, ang malaking pagkakaiba nga lang ay PANGULO ng Pilipinas ay numero unong NAGMUMURA na tinatanggap na ng mga MASANG PILIPINO para nga lang maglinis na ang mga walanghiyang magnanakaw at mga sinungaling na POLITIKO sa PINAS! Gulat nga ako sa halos lahat na naupong opisyal ay magnanakaw at karamihan din ay mga BABAENG opisyal pa! Kung bakit kasi malaki pa din ang tiwala ko at respeto sa pangkaraniwang babae lalo na nga at mga opisya, e kaso nga ay marami ding palang MAGNANAKAW at SINUNGALING na BABAEN opisyal na nakaupo! Nakakawalang gana kasi na puro kurakot ang nasa isip pag nahalal na ang pangkaraniwang politiko sa Pinas! Para bang lisenya sa pagiging mayaman sa Pinas pag nag-iboto ang isang kandidato ! Yun naman ang totoo, walang makakatutol diyan! Ay naku! Natutuwa ako at sa wakas ay may malaking pag-asang maka-ahon na sa kahirapan ang mga Pinoy at Pinay! Wag lang sanang magiging eksperto sa pagmumura ang karamihang mamamayan sa Pinas! Hehehe! Very coloful kasi ang mga speeches ngayon ni Digong! Sabagay, ok pag sa bibig nya nanggagaling, kasi yun nga ang STYLE ni Mayor kaya, masanay na kayo diyan! AY PU-------NG INAHIN, hahaha! Ok, mag-aalmusal na nga ako, mga kabayan! Kain na kayo! Paki-greeting na lang para kay MAYOR DIGONG mula dito sa Vancouver Island, British Columbia! MABUHAY! YAAAY! Pasingit nga lang po,,taga-Baliuag po ako nuon at di Bisaya! Biro lang syempre ang picture ni Mayor dito!   Hehehe. Sige po ang PAALAM for now!!!


Thursday, April 20, 2017

AY SA WAKAS , MAY PAG-ASA NA 'PINAS!

Sorry, mga kabayan, sobrang busy kasi ako in the past two years na pala nang huling mag-post ako dito. Senior Citizen na kasi kaya madaming inaasikaso sa buhay. Natutuwa ako kasi ang daming pagbabago sa 'Pinas ngayon! Kasi nuong 1971 pa ko ng umalis sa 'Pinas! Panahon pa ni Marcos! Wow, aba ay 46 years na pala ang nakakalipas! Putris, natatandaan ko pa ang mga usong kanta nuon at mga disco. Mga BeeGees, Monkees, Dave Clark Five, The Animals at marami pang ibang mga rock groups. Ang karamihan nga nuon ay taga-UK, kaya nga tinawag na British Invasion! Ang mga Pinoy naman syempre ay ang gagaling manggaya! Eh ang kainaman naman ay magagaling naman ngang kumanta ang manga Pinoy! Kasi di tayo mahiyain, kahit parang tilaok ng manok ang boses ay hindi tayo conscious kumanta! Bibirahin kahit anong tono, kahit di kaya kasi katuwaan lang naman! May isa nga akong pinsan na di ganung maganda ang boses pero she didn't care, kinakantahan nya ng lalabye yung anak niya kahit sintunado! Biro ko nga ay napipilitang makatulog yung anak nya kasi di na matiis makinig sa boses niya! Hehehe! Anyway, halos araw -araw ay pinapanuod ko ang mga YouTube videos galing sa Pinas. Aba, gulat at bilib ako sa bagong Presidente ninyo na si Digong! Unang-una pareho kami ng outlook sa buhay! Kasi mga 4 years lang kasi ang katandaan niya sa akin! Gusto ko ang style niya sa buhay! Simple, very honest, palabiro at talagang nasa Bansa ang kanyang kalooban. Ang karamihan kasi sa atin sa politika ay puro gahaman sa pera at power, di ba? Dapat kasi nga ay isang matapang at malinis na kunsyensa ng mga politiko sa atin lalo na nga kung Presidente pa! Dapat talagang haluan ng mga biro at katatawanan ang mga speeches ni Digong para maging normal na tao talaga ang tingin sa kanya! Kasi nga very grim naman talaga ang Pinas pag hindi nilinis! Ang huli kong dalaw sa Pinas ay nuon pang 2009. Ang balita ko ay malinis na ng konti ang Manila at mga katabing mga lugar. Ang malaki kong himutok nuon ay ang NAIA na parang palengke sa gulo at chaos. Nagbago na daw ng malaki at modern na at konting pila na lang. Sana nga ay maging normal naman ang kalagayan sa atin. Ang kainaman nga ay by nature, kahit anong mangyari sa atin, ay nakukuha pa din ng mga pangkaraniwang kabayan na ngumiti at piliting mamuhay ng normal! Dito kasi sa Canada o Amerika, ang mga tao ay spoiled na masyado! Dapat talaga sa karamihan dito ay mamasyal sa Pinas para matuto sa buhay! Dito ay maraming nagrereklamo sa gubyerno eh ok naman ang pangkaraniwang namumuhay. Aba, di sila magtatagal sa atin! Sa init na lang, marami ng mamatay pag duon sila tumira! Hahaha! Mas gusto ko pa nga ay pawid ang bubong ng bahay kung hindi lang delikado sa sunog! Kasi lalo na sa tag-araw lalo na kung yero lang ang bubong ng bahay, ay naku, laking init! Parang oven sa panaderya sa init!Ang mahal naman kasi ng bayad sa kuryente sa atin. Yung Air-Con ay sobrang kumain ng koryente, kaya pag may bentilador ay malaking bagay na din sa atin. Ay, iba kasi ang nagkaka-edad, ano? Kung ano-ano na lang ang nagiging paksa ko! Hahaha! Ok, marami kasi akong gagawin sa labas. Mahilig akong magtanim ng mga gulay sa likod bakuran. Gardening ang isa kong paboritong hobby. Aba, sayang din kasi pag bumibili ng mga gulay at prutas dini. Ang mahal din! Ang kainaman ng tubo ko ay organic at sariwa
at saka magandang exercise sa katawan! O , sige, mga kabayan, relax kayo, support Mayor Digong! Palagay ko'y aasenso ng malaki ang Pinas dahil sa kanya pero, suportahan ninyo siya! OK??? Sige at maghuhukay po ako sa likod bahay!  Babay!! Eto ang mga sample na tanim ko! Galing ano? LOL!





Tuesday, August 25, 2015

Tara na, Maggala Tayo!

Ang kainaman ng retiro na ay tapos na hirap sa trabaho! Pagkaraan ng mahabang panahon sa pagkakayod ay nagka-edad na ako at retiro na! Marami pa din akong ginagawa sa bahay, mahilig akong magtanim ng gulay, mga prutas at berries at saka landscaping sa buong bakuran. Kaya para na ding regular na " trabaho " ang aking araw-araw na gawain. Kasi marami akong nakikita sa paligid na mga retirado na pero mga walang magawa sa bahay! Ang nangyayari ay pasunod-sunod sa kanilang mga asawa na parang Grade Schooler uli, hehehe! Wala kasing mga hobby kaya mga bored sa buhay! Tingnan mo nga naman, halos habang panahong nagtrabaho at matagal na hinintay ang pagkakataon mapag-retiro tapos biglang-bigla eto na, ganun lang ba ang pakiramdam ? O ano gagawin ko ngayon? Ay kalabaw! Kasi ang plano lang ng karaniwan ay makapag-ipon lang akala ay kapag maraming pera sa banko ay masaya na sila pag retirado! Kapag wala kang mga hobbies ay mahihirapan ka nga sa bahay lang!
Mahilig ako sa libot at ang number one kong hobby ay photography. Kaya mula pa nuong mas bata pa ako, mga 25 na anyos at hangga ngayon hobby kong  photography ay enjoy na enjoy ko! Ang aking misis naman ay mahilig sa bird-watching kaya kapag namamasyal kami ay ako ang photographer siya naman ay busy sa bird identification. Syempre, masarap mag-travel pag- retiro na. Di kami nagmamadaling umuwi. Kahit madilim na ng konti ay ok lang, wala trabaho kinabukasan ! !Ang kainaman ng lugar namin ay maraming mga parke na malilibutan. Libre dito yun, walang bayad. Kasi sagot yun ng mga taxes na binabayad namin sa munisipyo at sa Gobyerno. Nakikita mo kung saan napupunta yung buwis! Kapag umaalis kami ng malayong lakbay, ay sa camperized van kami sumasakay. Medyo malaki yun kaya ako lang ang driver, si Misis ay nerbyosang magmaneho nun. Sanay lang sya sa Toyota Corolla namin. Kasi 1-ton ang Roadtrek namin, mabigat na V-8 kasi kumpleto yun. Lutuan, CR, Air-con, etc. Mahilig akong magluto kaya ako ang cook paghinto at parada namin sa gabi. Dito kasi ay kailangan mong huminto sa Campsite na pribado o publico. May bayad yun pero mas murang-mura kesa sa hotel o motel. Mahigit na kalahati o kaya 1/3 lang karaniwan ang bayad kung ikompara mo sa hotel.




Kagaya lang nuong isang buwan ay galing kami sa isang isla na Texada Island ang tawag. Ay, ang sarap nga kasi tabing dagat lang! Bumili ako ng fishing license para pang-dagat at kasama na duon ay ang puedeng manguha ng mga clams at oysters! Ay,naku ang dami pong mga oysters at malalaking clams sa dalampasigan! Talagang namumulot lang ako! Ang license para sa pensioner ay $12.00 lang pang-isang taon . Ay alam ninyo, may fridge din kasi sa van namin kahit maliit nga lang ay napuno iyon ng oyster meat at saka clam meat! Yun nga lang, si Misis ay di ganung mahilig sa ganung pagkain kasi taga-rito sya. Akong Pinoy syempre ay gustong-gusto yun..inihaw, adobo..hahaha! Meron ding tinatawag na clam chowder na luto , ayun nagluto ako at nakursunadan naman ni Misis! Ang karaniwan naming kinakain pag-camping sa van ay gulay, manok, itlog, kanin, cereal, gatas, etc. May maliit na kusina kasi kami sa van. Kaya ito ang BAHAY namin pag naggagala kami. Puedeng huminto kahit kelan at pag-jingle ang kailangan ay walang problema, may CR kasi. May tangke sa ilalim ng van pag napuno na ay punta lang sa SANI-DUMP ang tawag at duon nag-flu-flush nung dumi! Para ngang bahay! Kahit tag-ulan, mainit o kahit mag-snow ay ok kami sa loob. May heater kasi at OO nga pala, may shower din sa loob at sa labas ng van. Ay parang salesman ako ng van, hahaha! Ipinapaliwanag ko lang ito para maintindiahan ninyo kung paano maggamit.
O , sige na po kayo diyan, marami pa akong aasikasuhin sa garden ko, pipitas na ako ng kamatis at litsugas! Babay na po!!!


APO AT APSO

Tiyak na hindi lang ako ang may kasong ganito: Dalawa ang anak ko, parehong lalake. Ang panganay ay may anak na batang babae, una at nag-iisang apo pa lang. Ang bunso kung anak ay walang balak mag-anak. Syempre, medyo lungkot kami ni Misis ko kasi mas maganda at masaya kung mag-kakaanak sila. Kaso nga mas gusto ang kanilang alagang aso. Malayo ang bahay at tinitirhan ng panganay ko! Halos mahigit na 4,000 kilometro ang layo nila mula sa amin. Dalawang lipad ng eroplano bago makarating sa kanila. Sa halaga ng pamasahe e bihira lang kaming magkita! Halos nga taon-taon lang. We take turns naman para di ganung magastos sa aming dalawang pamilya. Ngayon, yung bunso ko naman ay mga 8 minuto lang ang layo ng bahay nila mula sa amin. Busy silang pareho nung mahal niya kaya di gaanong madalas din ang pasyal at bisita nila sa amin.
Di ba sa fridge natin may mga retrato ng mga mahal natin sa buhay na naka-dikit sa tulong ng magnet? Sa aming fridge ay naka-display ang dalawa kong APO AT APSO! Hehehe, yung apong babae at ang APSO mula sa bunso! Tinawag ko na lang na APSO ( ASO AT APO) para di ako malito. Hehehe! Ngayon, parehong cute syempre yung dalawa! Kaya nakakatuwa pag nandito silang pareho. Kaso nga ay taunin lang kung magkita yung dalawa! Ang kainaman nga ay regular na Skype kami para kunwari ay TOTOONG nag-uusap na kaharap talaga! Nag-iiSKYPE naman yata yung dalawang magkapatid at yung mga alaga nila ay nagkikita din, hehehehe! Nuong isang taon ay nagkita yung APSO at APO ko sa aming lugar. Nakakatawa kasiyung unang pakikita nung dalawa!
                                              APSO: LARO tayo!
                                              APO: Walang kagatan ano?

Kakatuwang panuorin yung dalawang " bata ", kasi yung APSO ay mahigit lang isang taon at yung APO ay 3-taon na! Laro sila na parang parehong " TAO", lol!


Sa madalit sabi ay DALAWA nga ang naging APO at APSO ko! Hehehe, parehong nakakaligaya sa buhay naming mag-asawa at lahat naming pamilya! Basta maligaya ang buhay at tahimik na namumuhay, wala na akong mahihingi pa! OK na yun sa akin! O , sige at maglalaro na kami ng APSO ko! Hahaha! Babay!!!






YEHEY! TALAGANG RETIRO NA BA AKO? ANO NGAYON GAGAWIN KO?

Sa totoo lang, kapag nag-retiro na ang isang  pangkaraniwang tao, ang ating nasa-isip na mangyayari ay easy-easy na lang ang magiging buhay,...