Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Thursday, January 19, 2012
KWENTONG PINOY
Napapansn ko palagi na ang karaniwan o halos yata lahat na mga Pilipino ay nabibighani sa mga kaakit-akit o madali't sabi ay magagandang tao, babe o lalaki. Halos lahat ay ang unang sasabihin kapag may nakitang bagong kakilala o kung sino mang bagong mukha ay ito: " Oy ang ganda nung babae ano, parang ARTISTA, o pag lalaki ay : " Ang POGI naman, parang si BRAD PITT, ang GWAPO-GWAPO". Di ba?
Assuming na totoo iyun syempre mayroon tayong idea kung ano o sino ang sa palagay natin ay classified na "MAGANDA" o "GWAPO". Ay, ito ang aking topic ngayon. Kaya nag-researched ako ng kunti..( isang oras lang naman, hehehe...) at ito ang aking nakita sa internet tungkol sa bagay na ito. Una nga pala ay naghirap ako ng kaunti na matandaan ang translation ng maraming mga salitang Tagalog na matagal ko ng hindi nagagamit o naaalala buti nga at itong Internet ay talagang malaking tulong sa akin.
ALAMAT NA TAGALOG ( MITOLOHIYANG PILIPINO )
SI MALAKAS AT SI MAGANDA
Nuong kauna-unahang panahon, si BATHALA ay katatapos lang na gawin ang mundo. Pagkaraan ng ilang araw ay napansin NIYA na napaka tahimik duon sa ibaba sa mundo. Ang naririnig lang NIYA ay mga ingay at awitan ng mga ibon at iba pang mga hayop sa kagubatan. Nagpadala siya ng isang higanteng ibon para maggala sa mundo. Lumipad ng paligid-ligid at paikot-ikot ang higanteng ibon . Habang umiikot siya ay biglang nakarinig ng mga tunog, ingay at mga katokan duon sa kagubatan. Bumaba ang ibon at hinanap ang pinagmumulan ng tunog at katok. Nanggagaling pala iyun sa isang higanteng punong kawayan. Kaya nag-umpisang butasin ng higanteng ibon ang kawayan sa pamamagitan ng kanyang tuka. ( Ok, hindi ito "X-rated"...kaya huwag kayong magsumbong, mahirap i-translate kasi eh..hehehe). Pagkaraan ng ilang minuto ay biglang nabiyak ang kawayan at isang gwapong lalaki ang lumabas mula duon sa loob ng higanteng kawayan. Ang kanyang pangalan ay si MALAKAS. Sinabi ni Malakas sa higanteng ibon: " Ang aking mahal na IROG ( Ewan ko kung medyo may dugong Hapones si Malakas, di nabanggit eh..) ay nasa loob din ng isang bahagi nung kawayan. Kaya pinagtulungan nilang dalawang biyakin ( once again hindi ito " X-rated", ano..) yung kalahati ng natitirang kawayan at hinila iyung babaeng nasa loob at sa wakas ay nakalabas siya. Ang kanyang pangalan ay si MAGANDA! Sumakay silang dalawa, Si MAGANDA at MALAKAS, sa likod ng higanteng ibon at naglibot sa buong mundo. Pagkaraan ng ilang oras ay bumaba sila sa isang lugar sa lupa. Ang kaso lang ay kasi nga ay dalawang higante sila kaya ang kombinasyon ng kanilang pinag-samang bigat ay nagkaumpisang maghiwalayan ang lupa sa dating isang buong Pilipinas at nagka-pirapiraso sa maraming mga isla (7,100+) . Si MALAKAS at si MAGANDA ay nabuhay ng matagal at pinagmulan ng milyon-milyon at taksan-taksang mga anak at tinawag ng PILIPINO. Ayun pala, kaya pala ang mga Pilipino ay mahilig at gustong-gusto ang mga POGI AT MAGAGANDANG BABAE....kahit pala ang ating mga ninuno ay mahilig sa mga 'gandang ( pangit) babae at lalaki. Ganun pala at ito ang pinag-mulan sa pagkakaakit at pagkakabighani ( Ang galing nung tagalog ano, hehehe) sa GWAPO AT MAGANDA.
*******
IBA PANG KWENTONG BAYAN AT ALAMAT
Halos nakalimutan ko na rin ang mga kinatatakutang kwento nuong ako ay bata pa. Ang problema nga lang ay hindi ako naniniwala kahit nuong bata pa ako kaya walang apekto sa akin ang mga alamat at kwentong bayan na babanggitin ko. Ang unang-una ay ASUWANG. Ewan ko kung bakit palaging BABAE ang suspect na ASUWANG. Ang karaniwang lugar nito ay sa malayong probinsya. Kalahating katawan lang naman hanggang bewang lang at may pakpak pa yun. Ang karaniwang naggagawa nitong ASUWANG ay magkakasakit ka galing sa kanya, o mas grabe ay puede kang matepok nun, sa mga kagubatan sa gabi ay siya ang pinag-mumulan ng misteryosong ingay o tunog. Kaya ang mga bata at maski yung mga " matatanda" ay malaki ang takot dun sa ASUWANG. Lalo na kung madilim at ang bahay mo ay isang kubo duon sa malapit sa gubat..UUUUUU, nakakatakot..hehehe!
Ang ikalawa ay ang KAPRE. Duon sa Batangas ko unang narinig ang alamat na ito. Ang aking mga Tiyuhin duon, Tiyahin, Lolo,Lola ay naniniwala sa KAPRE. Iyon ay parang demonyo na nakatira sa ituktok ng mataas na puno. Kung bakit ang description ay isang higanteng nagsisigarilyo ng isang malaking tabako ( tobacco pipe) pipa. Ewan ko kung Philipp Morris o Blue-Seal pero palagay ko'y local lang, walang pera syempre yung demonyo na yun, hehehe. Ang kainamam naman nitong KAPRE ay hindi siya nananakit o pumapatay ng tao. Ang hilig nitong gagong higante na ito ay manakot lang ng konti, takot-biro lang ang gagawin sa mga taong makukursunadahan o magugustuhan. Masiste naman pala ang demonyo na ito kaya pala mahilig sa pipa at tabako!
TIKBALANG...ang kakaibahan nito ay kalahati nung katawan niya ay kabayo at ang ulo at katawan hanggang bewang ay sa TAO. (E tiyak na mayaman ito kasi mahusay sya sa daily-double..) Dun sa talagang malayong lugar nakatira at nagtatago itong si TIKBALANG. Mahilig itong manakot sa mga naglalakbay na tao lalo na iyung bago lang dating sa lugar niya.( Balik-bayan , ingat ka lang) Ang gusto niya ay dahil sa takot ay mawala sa gubat iyung magiging biktima, lalo na nga at madilim sa gabi! At OO nga pala, pwede siyang maging parang TAO o maging invisible...matatakot ka nga kung biglang may lumitaw na ganun sa gitna ng daan sa gabi lalo na't walang tricycle o jeepney sa lugar na yun..INANG KO PO!!!! Hehehehe...kwentong bayan lang naman kaya maraming hindi naniniwala ma-pwera yung ilan na talagang paniwalang-paniwala sila sa TIKBALANG....
SIRENA....ito ay isang Alamat tungkol sa kalahating isda sa ibaba ng bewang at sa itaas ay katawan ng BABAE, ang karaniwang gusto nitong ma -hypnotize ay mga mangingisdang mga lalake. Ang karaniwan namang kasing mangingisda ay mga lalaki . Maganda daw ang boses ng mga SERENA ,( ewan ko lang kung sila ang naging inspirasyon ng KAREOKE, mag-reresearch ako para duon)..kaya ang nangyayari ay dahil nga nagagandahan sa boses nung SERENA ay ayun, nawawala yung mga pobreng mangingisda at iyung iba ay naliligaw sa ibang lugar na intsik yata ang mga salita o Hapones, kawawa naman..hehehe...
Ang dami rin nga palang mga ALAMAT, KWENTONG BAYAN at MITOLOHIYANG PILIPINO ano? Syempre tiyak na sa mga ibang probinsya sa atin ay may -ibang version at kwentong nakakatakot. OK, nasaan ba ang aking flashlight at balak kung pumunta sa duluhan...wooooooooo.....
****************
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
2 comments:
Itong mga kwento ng mga nakakatakot na mga aswang, kapre at tikbalang ay very effective sa mga kabataan noon, lalo na at walang electricity to light the streets, that they made sure they made it home before it got dark. Walang naglipana na mga kabataan sa kalye, pwera na lang yung mga
nanghaharana later in the evening.
Sabagay nga noon pero ang natatandaan ko ay mga kwentong panakot lang iyun kaya di ako gaanong naapektohan at natakot. Mas takot ako sa mga asong mangangngagat kasi totoo yun, hehehe! Kasi marami din noon na hindi nakatali at talagang pagnabanda ka kanyang teritoryo ay hahabulin ka, tatahol at mangangagat sa binti mo! Aray naman nuon at saka ineksyun kung sakaling may RABIES pa ang aso!
Post a Comment