Isipin natin mo na tayo ay isang foreigner na bagong dating sa Manila kasi ay may business connection ka gusto mong ma-areglo in person. Ok, kasi gusto mong mag-blend- in kaya after a day or two ay nag-decide kang mag-try ng jeepney ride for the first time. Mayron kang dalang Pinoy phrase book as your guide. Ang kaso eh wala sa phrase book itong maririnig mo sa loob ng jeepney. O, eto, isang pasahero ang gustong bumaba kaya sabi niya, "BABA!", kasi maingay sa loob ng jeep kaya ang jeepney driver ay tumingin sa pasahero at nagsabi: " BABABA BA?", yung pasahero ay kumindat , tumaas ang kilay , taas ulo at baba, at sumagot sa jeepney driver: "" BABABA ", ikaw naman ay at this moment is totally confused, " What in the LORD are they talking about?". OO nga ano, mahirap talaga kung minsan maintindihan kung papaano mag-communicate ang mga Pinoy. Kasi sanay tayo sa custom na yun, pakindat, turo ang lips up and down. Kaya halimbawang humingi ka ng direction, kung saan yung address, sa halip na ituro ng kamay ay gagamitin ang labi,duon po, turo ng labi sa direction o lugar! May kaibigan kasi akong ang asawa ay Pinay, Puti siya kaya maraming kuwento na pag-inisip mo nga ay kakaiba at pag-ikaw ay ibang Nasyon nga ay kung minsan ay sakit ulo o puedeng pag-umpisahan ng away! Ang karaniwang scenario lalo na ngayon ay sa internet dating service. Syempre, malimit at majority ng mga kaso ay mas me edad yung Puti at gusto syempre ay "mas batang asawa". Yung mga Pinay kasi ay balitang mainam na asawa for many reasons daw. Some are true, some are not so true, hehehe and some are just plain myth. Anyway, eto ang sabi niya sa akin. Resty eka akala ko'y may sunog sa kitchen niya isang hapon, kasi bagong kasal lang sila nun at "nagluluto" daw si bagong Mrs. niya eh biglang- biglang nag-alarm yung fire-alarm...ay sus, nag-iihaw pala ng daing sa stove at gusto nung Mrs. ay medyo sunog kaya ayun, ang daming aso...kaya syempre it set off the fire alarm...kaya yung kapit-bahay ay tumawag kaagad ng bumbero..malapit kasi sila sa Fire Department...And he continued telling his story, mahirap ekang espelengin yung bagong asawa kasi mahilig sumagot sa pamamagitan ng eyebrows at pointed lips at saka mga grunts at pssst. Eh ganun nga pala ang mga karaniwang mannerism ng mga Pilipino, ano? Tapos syempre, sanay sa regular na North American meals yung Puting asawa kaya he has to acquire his taste buds duon sa gusto nung bagong asawa niya ( his 3rd wife by the way). Bakit eka palaging sticky ang desserts at saka ang snacks ay palaging very salty?? Mahilig din yung bagong asawa niya ng prutas kaso lang ay sangkatutak na asin ang isinasabog duon sa ibabaw ng prutas lalo na kung mango fruit na hindi pa gaanong hinog! At syempre, bahong-baho siya sa amoy ng BAGOONG at PATIS, hehehe. Napapansin din niya na ang isa pang paborito nung asawa ay ketchup sa fried chicken eh iba ang LASA ng ketsup na galing sa atin kasi syempre gusto nung babae e sa Oriental Store bumili ng imported na ketsup from the Philippines. Ay naku nga naman! Saka hindi siya sanay sa asawa niya na mahilig mambarat sa Department store at palaging humihingi ng discount lalo na kung ang store clerk ay nakilalang Pinoy! Talaga nga namang totoo yun. Pag summer na, ay kasi kung minsan ay talagang mainit din dini sa aming lugar kaya gusto daw pumunta sa movies nung Mrs. niya e syempre, payag naman si lalaki eh kaso pala ay gusto lang pala ni babae yung air-con sa loob ng sine at hindi talaga yung palabas ang gusto! Hehehe, sa madali't sabi ay spoiled kaagad yung babae, hahaha! Okey, okey, hindi ako pumapanig sa kaibigan ko, I am just the messenger, so don't shoot me, ok? Ang talagang naiinis siya ay pag magpapasko na, ayun, iyung isang kapatid nung bagong asawa ay nagpapadala na isang mahabang listahan ng gift " suggestions" or pabilin o habilin ba tawag duon? Ang kaso eh mga dalawampu yata yung haba nung listahan, hehehe! OO nga pala ang favorite na hobby nung babae ay shopping, shopping , eating, mahilig sa fast food at syempre, siesta...ano nangyari dun sa internet description na mahilig sa cooking, house-cleaning .etc...hehehe...Syempre sooner or later ay dumalaw sa atin yung bagong mag-asawa, duon sa bandang Cebu somewhere, di pa dangkasi ako nakakapunta duon sa lupalop na yun kasi taga -Baliuag ako originally. Anyway, ayun, nalilito siya kasi taksan-taksan pala ang mga relatives nung asawa, alam na ninyo yun, ganun sa atin..libo-libo ang mga relasyon natin, walang magagawa at talagang ganuin eh! At halos magkaka-mukha ang mga babae, kung minsan nga ay hindi niya kaagad makilala kung sino ang talagang asawa niya kasi halos pareho ang mga hitsura nuong mga babae, pare-parehong mga maliit and the same heights kasi, hehe...lahat ay maiingay na magsalita, eh syempre GANUN sa atin! Syempre nga akala nila milyonaryo sila kasi nga ay PUTI siya at OO nga pala, kasi ang pangalan niya naging JOE! Lahat halos ng mga relatives dun ay JOE ang tawag sa kanya, hehehe. Eh Canadian naman at hindi KANO pero ganun ang term sa atin, JOE!!! Biglang naging Joe ang pobre! Ay pisteng utod nagka-bitog-bitog, hehehe! Ewan ko kung tama yun, sorry ano?? So ano, eto, mainam naman at sa huling balita ko ay magkasama pa rin yung dalawa, for how long ewan natin, isang kabanata uli iyon, ok lang sa aking BLOG, hehehe!!! Hmmm, nasaan ba yung MAFRAN sauce>> at saka yung PATIS, saan ko kaya naitago...???
********
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
2 comments:
i know of a caucasian guy in edmonton who married someone from roxas city, iloilo who right away set his pinay wife's relatives that he doesn't want to be called joe and he established right from the start that he doesn't want moochers.
Hehehe, that's great to hear! I always say that if you are upfront right from the start and open then you won't be an enabler ...moocher beware!
Post a Comment