Sa mga bagong arrival sa ibang bansa, syempre mixed emotions ang nasasaloob at nararamdaman ninyo, the first thing na mapapansin ninyo ay ang klima at saka scenery. I happen to immigrate to Canada way back in 1971, kaya that was a long time ago. Most of my readers, I assume ay mga dwende pa at mga hubo pa seguro noon o kaya may mga sipon pang tumutulo sa mga ilong seguro o kaya hindi pa naipapanganak, hahaha! Anyway, I would advice sa mga mag-aabroad na huwag syempreng mag-schedule na dumating sa ibang bansa during wintertime for obvious reasons: unang-una ay sa lamig nga at ikalawa ay mahirap maghanap ng trabaho during wintertime. Unless, of course, na may guarantee na work waiting for you! So what to do upon your arrival??? What to expect??? ..Hmmm, assuming that you arrived during the spring or summertime in North America, for example, ang anticipation syempre ay EXCITEMENT, kasi bagong dating ka sa new environment, new culture, etc.,etc...so among the crowd of greeters at the airport, I'm assuming na airport, unless of course, na TNT arrival ka , naka-managed na magtago sa isang barko, hehehe..pero, that's another topic again...Pssst, tahimik tayo,ok....mahirap na, baka may mag-report, eh...hehehe! Ok, nasaan naba tayo, ah, ok, balik uli sa topic.Di, syempre, ang sarap ng pakiramdam pag nakita mo na ang sasalubong sa iyo, mostly syempre na mga relatives o kaibigan ng relatives mo ...tapos magugulat ka kasi, wow,kamo ang gaganda ng mga tao sa airport, mga PUTI, hahaha, halos gusto mo ng sila ang yakapin instead yung mga relatives mo, hahahaha!!! Gulat ka talaga, iisipin, wow, kahawig nuong isa si Angelina Jolie, tapos, oy, si Tom Cruise ba yun?? Hhhahahaha, halos nalimutan mo kagad yung sumasalubong sa iyo, hahahaha! Kasi hindi pa sanay yung mata mo sa mga taksan-taksang magagandang mukha eh...hahaha...Anyway, magugulat ka sa sumalubong sa iyo kasi iba na ang itsura nuong Tiya, Tiyo, Kuya,Diko (Biko?), etc..etc...more than likely eh LUMOBO na sila, ano nangyari TITA BABY, TITO JJ, Ninang POTPOT, LOLA BENGBENG, LOLO BONGBONG, DIKO PENGPENG, 'MARENG DENGDENG, e bakit ba't mahilig ang mga Pinoy na mag-nickname ng mga ganuong pangalan, eh ewan ko kung sino ang gagong nag-umpisa nung tradition na yun, hahaha! OOps, ok, ok, pasensya na kayo, kasi nakakatawa lang talaga kung bakit mahilig ang mga Pinoy sa mag-uulit ng mga letters or initials as NICKNAMES, hehehehehehe! Ay talaga naman...baka may bumuntal na akin eh, I better stop now...BIRO lang PO!!! OO nga pala, syempre, hindi mo nalimutan yung mga habilin sa iyo bago ka umalis dun sa Tondo o kung saan mang lugar ka nanggaling sa 'Pinas...halos kalahati nung dala mo ay mga PASALUBONG dun nga sa mga SASALUBONG sa iyo sa airport...hehehe! Di syempre hindi mo kilala o di na makilala yung mga mukha nung sumalubong sa iyo kasi nga ay mga nag-silobo na sila, hehehe...WOW, ang kikintab ng mga kotse nila, too much excitement talaga!!! Para bang panaginip talaga ang mararamdaman mo!!! So while you're on your way to your TITA BINGBING's house, syempre tingin ka sa mga tanawin from the airport to your destination, 'di mo syempre halos marinig ang mga kwento, sabay -sabay kasi ang mga tanong sa iyo , " O, BONGBONG, nasa labas na ba ng Mandaluyong yung gf, mo??" o kaya, " Oy BONGBONG, na-opera na ba si TITA TINGTING?", " BONGBONG, nakabili ka ba ng pabilin ko sa iyo?" ...syempre, sabay sabay ang mga tanong e, malilito ka talaga, lalo't pagod na pagod ka sa biyahe mo...binibiro mo namang, first time mo sa airplane, 16 hours na lipad, hilo ka pa nga , eh...hehehe! Ganon pala kamo ang pakiramdam sa loob ng eroplano after 16 hours!! Sawang-sawa ka non sa repeated movies pero nasasarapan ka sa mga in-flight meals, kasi masarap nga ang lasa nung meals sa international flight, lalo na ang Asian airlines kasi syempre, you like the Asian menu! Anyway, kasi pagod na pagod ka kaya pagdating mo sa bahay nung TITA TINGTING mo ay plastado ang katawan mo at gusto mo na lang na humiga at matulog for 2 days, hahahaha! Ok, magpahinga ka na at UNTIL NEXT time, uli, BABAY !!!!!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
3 comments:
hoy, mang resty, ganyan nga po ang naramdaman ko nung bagong dating ako, ang gaganda po ng mag canadians, pero bakit po napakatahimik at kakaunti lang ang mga tao sa airport, hindi po kagaya sa atin sa pinas pag po sumasalubong kami sa mga tita ko sa airport.
Ay Kasi naman ay nuon ay hindi pa gaanong puno ng tao ang mga erport sa Edmonton, kunti pa ang mga tao di kagaya ngayon..at saka wala ka pang mga relatives at mga bwisita dun,hehehe....
At saka nga pala, na syempre medyo dyahi ka pang gamitin yung praktis na Ingles natin sa 'Pinas..ang bibilis magsalita nung mga Kano, o hindi, mga Canadians nga pala..at saka dun ka tinapon sa bukid sa Alberta, hehehe...
Post a Comment