|
Sarap Naman!!! |
Palagay ko'y ang isa sa pinakapopular na hilig ng Pinoy ay ang kumain! Sabagay, seguro ay sa buong mundo ay malamang na ito din ay totoo. Ang pagkakaiba lang ay ang pangkaraniwang Pinoy ay kumakain ng halos 5 o 6 na beses araw-araw. Agahan, minandal, tanghalian, minandal, hapunan at minandal uli. Sabagay, ang mga kinakain ng pangkaraniwang tao ay maliliit na portion lang naman. Mahilig lang sa mga kakanin at sitserya. Ang problema nga lang ay ang pangkaraniwang mga nabibiling mga Street Food ay sobra ang tamis o alat. Masasarap kasi ang mga pagkain at kakanin ng mga Pinoy kaya mahirap ma-kontrol ang ordinaryong Pinoy/ Pinay sa pagkain ng mga " TUKSONG -KAKANIN", iyun ang itatawag ko para di gaanong " masakit" pakinggan,,hehehe! Halimbawa na lang, e sino ba naman ang hindi mangangasim sa LECHE FLAN?
|
Leche Flan |
Kasi lumaki tayo na ganun ang ating mga kalakaran kaya syempre, hindi natin basta-basta maalis ang hilig na yan. Sino ba naman nga ang aayaw sa pagkain ng masasarap na ulam at kakanin? Ang mangyayari nga lang ay pag hindi natin na-kontrol ang ugaling mahilig kumain na sobrang kakanin at pagkain sobrang matatamis, matataba at maalat, ay tiyak na iyung puesto natin dun kay SAN PEDRO ay baka hindi na maging BAKANTE. Ang dapat talagang turuan ay ang mga kabataan sa ngayon. Kung talagang mahal natin ang ating mga asawa, anak, kamag-anak at mga apo , eh talagang umpisahan ang kontrol sa mga JUNK FOOD. Hindi kasi dapat gayahin yung mga Kano at iba pang mga taga-ABROAD sa kanilang mga DIET kasi nga ay ang daming mga overweight sa ibang bansa. Ang isang nabasa ko ay 25% daw ng mga Pinoy sa Los Angeles ay overweight at ang average sa mga Pinoy sa America ay 20-25% ay overweight kaya parang mini-epidemic ang nangyayari..
|
Lechon Kawali |
Kasi nga kagaya nitong lechon kawali, masarap nga pero ang TABA naman nito at ang sodium ay grabe. Pero marami din namang masasarap na pagkain na lutong Pinoy na mga gulay at mga isda. Ang kahirapan din lang ay yung mga tuyo at daing din ay sobra naman ang asin. Ang mainam na lang ay isang piraso lang naman ang dapat na maging ulam, di ba? Syempre mas masarap kainin yung " MAY LASANG KARNE ", kasi iyon ang nasasaisip ng pangkaraniwang Pinoy/ Pinay, natural naman syempre yun. Sa madalit sabi ay kontrolin ang dami ng mga matataba at maalat na mga ulam. Para hindi gaanong ma-apektuhan ang ating katawan at di gaanong LOMOBO.
|
Tilapia |
Halimbawa, masarap din naman ang Tilapia. Inihaw, kahit pirito kung nagmamadali syempre mas mainam ang inihaw para walang mantika. Tapos may kamatis, kanin at paboritong sawsawan.
|
Talong |
Masarap din at masustansya ang talong. Putris kahit na nilaga o inihaw ay OK na yan. Nuong bata pa ako ay natatandaan ko ang tortang talong. Kahit dalawang binateng itlog lang na ihalo ay marami ng tortang talong yun na puede ng maging ulam.
|
Sinigang na Baboy |
|
|
Chicken Adobo |
|
|
Pinakbet |
|
|
|
|
|
Bibingka |
|
|
Kare-Kare |
|
Lumpia |
Ay nako! Tama na muna itong mga pagkain na ito at baka hindi na natin ma-kontrol ang ating pangangasim at lumusob na tayo sa FRIGIDAIRE at sa karinderya sa kanto! Ang kahirapan lang ay baka ang mga mapanaginip nating ngayong gabi ay ito:
Pancit Lomi, Misua, Pancit Luglug, Pancit Canton, Pancit Bihon Guisado, Pancit Malabon, Pancit Tuguegarao, Pancit Estacion ( Cavite ), Pancit Palabok, Filipino Spaghetti, Arroz caldo, Champorado, Paella, Longganisa, Siopao, Balut, Binalot, Chicharon, Isaw, Tokwa/ Baboy, Empanada, Palitaw, Pan de coco, pandesal, pastilyas, polvoron, Banana cue, Barquillos, Belekoy, Buko pie, Camote Cue, Coconut jam, tocino, Relleno, Tapa, Batchoy, Bicol Express, Mami, Menudo, Nilagang Baka, Pochero, Tinola, Afritada, Bistek Tagalog, Camaron rebosado, Carne Norte, Chicken Pastel, Crispy tadyang ng Baka, Embutido, Escabeche, Halabos na hipon, Inasal na manok, Inihaw na liempo, Kaldereta, Paksiw, Ginataan, Halo-Halo, Hopia, Kalamay, Maiz con Hielo, Maja Blanca, Maruya, Nata de Coco, Sapin-sapin, Taho, Ube Halaya.....
|
Masarap ma mapanaginip ito ngayong gabi, nasaan kaya ang salsa nito???????? |
|
Ok, muntik nang malimutan ang BUKO PIE!!!! |
O, SIGE NA AT TAPUSIN NA NATIN ANG ATING PINAG-UUSAPAN AT MASYADONG NAKAKAGUTOM ANG MGA PICTURES NA ITO, TORTURE ANO? HEHEHEHEHEHE....
No comments:
Post a Comment