So, ang ating topic ngayon ay ang magiging buhay ng bagong dating dito sa ibang bansa o abroad. Assuming na may mga relatives ka na o kaibigan at kakilala , iyan ang mas mainam at malaking tulong . If you're a contract worker or a hired help of some kind, ay mainam din kasi you will have an assured job and a place to stay. Ang medyo complicated ay sa independent landed immigrant na walang kakilala at no guaranteed job. Nasabi ko nga sa naunang posting ko, ay mangingiba syempre ang mga mata mo kasi nga ay puro iba ang mga tanawin, amoy, klima at itsura ng mga tao dito. I will choose Canada as an example because dito ako na-destino at nakatira since 1971! For the first 3 months ay nag-stay ako sa aking kapatid na nauna . Dalawa sila nuon, ang isa ay married and the oldest one was still single. After a couple of months ay lumipat na ako and lived on my own. Masarap syempre ang pakiramdam ng living on your own. Kasi naman ay na-experienced ko iyun nung nasa Pilipinas pa ako . Na-destino ako na mag-turo dun sa isang bundok at nagturo ako for one year in the jungle. Ako lang ang nag-iisang teacher. Anyway, I am going out of topic here, kaya bumalik tayo sa abroad. Eto, so adventure in a new land! One of the first things na syempre na mapapansin mo ay for the first few months ay automatically , you will convert your dollars into pesos! You will always think, naku po ang mahal naman ng isda dito samantalang sa Baliuag market ay ang mura! Tapos, makikita mo na mas mura ang mga karne dito, baboy, baka at manok? Ay bakit kaya kamo ganuon? Hmmm, kaya ang mangyayari ay bibili ka ng kung ilang kilong baboy, baka, manok, corned beef, isang dosenang itlog, bacon, etc. etc..at pupunuin mo ang maliit na freezer sa apartment fridge mo. Wow, kamo ang YAMAN ko dito, ang daming pagkain! Iyan ang gagawin mong tiyak for the first few WEEKS! You will stuff yourself with those rich, formerly unaffordable imported foods na sa SM mo lang nakikita nuong nasa Pilipinas ka pa! The funny thing though eh, at the same time ay everytime na bibili ka ng mga pagkain especially yung mga napapanaginip lang natin nuon sa ating bayan sa Pilipinas ay palagi mong maaalala yung mga naiwan mo sa atin. Talaga naman na totoo , you will feel guilty or something close to that feeling , kasi hindi masarap mag-enjoy sa buhay on your own. Nandito sana si Inang,Tatang,Mama,Papa,Tito,Tita,Diko,Diche,etc...Ganun ang magiging pakiramdam mo almost always,everyday or everytime na nasa labas ka na bumibili o kumakain ng kung ano man yun. Tapos, after a few weeks of indulging yourself, kasi kain dini, kain dito ng mga iba't ibang kakanin, ay all of a sudden, ay ma-mimiss mo ang dati nating pagkain na kung tawagin natin sa atin ay PANG-MAHIRAP lang, hahaha! Alam na ninyo iyun, hindi mo aakalain na yung tuyo at kamatis , o daing na ni hindi mo o ayaw pansinin nuong nasa sa Baliuag o San Rafael ka pa , ay all of a sudden, ay para kang naglilihi at I WANT TO have some tuyo at daing for supper or breakfast!!! Ayun, nagmamadali ka ngang nagpunta sa Oriental Market o T & T o kaya kung saan man nabibili yung mga daing at tuyo. Kung malaki ang city na you're happened to be living in, ay ok pero kung nasa malayo ka ay problema kasi more than likely walang Oriental Store duon. Ang kaso ay wala namang mabibiling tuyo at daing sa regular na supermarket sa maliliit na town sa Canada lalo't bihira ang mga nakatirang Asians or Oriental. Ang mangyayari ay magiging baligtad ang taste buds mo after a few months of eating the North American diet of meat, potatoes and local vegetables. Ang mainam naman ay you can buy all kinds of rice anywhere. Huwag mo lang ico-convert all the time kung magkano in PESOS, ay sus naman kamo, ang mahal-mahal! OO nga pala, kung palarin ka at nakakita ka ng Oriental Grocery Store, ayun, excited ka..DILIS, TUYO, DAING, BANGUS, BALIUAG/BAGUIO LONGGANISA, wow, salamat po, DIYOS KO, sa wakas...hahaha! Tapos, mapapansin mong bigla kung magkano...Inang ko po, kamo ang MAHAL NAMAN pag-naconvert ka naman sa PESOS!!! At ayun ,nakita ko mo pa, WOW, may BALUT din pala dito!!! Tapos nasa-price tag....$2.00/ea...isang BALUT!!! Sa San Jose kamo ay P10.00 lang , samantalang dito ay P90.00 o P100.00 ang ISA!!!! Hmmm, ok, bibili ka na seguro ng DALAWA ...para lang matikman uli! Ang mangyayari nga ay titingnan mo syempre ang wallet mo at you will compute uli, hmmm, ok bibili ako ng ilang daing, tuyo at isang bangus, 2 balut, a tama na yun kasi baka maubusan ka ng pambayad sa rent...e malapit na nga ang katapusan! Ayun, nagmamadali ka sa bus stop. Very careful kasi yung makakatabi mong PUTI ay very sensitive ang mga pang-amoy nila, hahaha, kala seguro ay may patay na daga sa ilalim ng seat mo sa bus, di niya alam na yung TUYO na binili mo ang NAAMOY niya! Syemrpe, you play it cool at nakatingin ka lang sa bintana nung bus and you try to pretend na EVERYTHING is ok!!! LA,la,la,la...hehehe...Ayun, after 45 minutes or so, sa wakas, nasa apartment ka na...takbo sa pinto....tanggal yung malaking winter coat mo, takbo sa kitchen, tago yung ilang tuyo,daing, 2 balut, longganisa sa fridge. Sa wakas kamo, makakatikim ka uli ng pagkaing PINOY, yuhooooo! Mainam at may tira ka pang kanin sa mangkok..hehehe. Kuha kaagad nung frying pan, kunting mantika, syempre garlic, palaging may garlic ka sa kitchen mo , parang rosaryo mo yun, palaging mayron ka nun sa kitchen! Kuha ka ng dalawang tuyo at dalawang Longganisang BALIUAG, WOW, ganun nga pala kamo kasarap ang AMOY , kahit sa AMOY pa lang ang SARAP na ng TUYO......tapos, all of a sudden .....TOK...TOK...TOK....sa pinto mo.....TOK>TOK>>TOK>>,, putris kamo,,sino yun? Wala ka namang expected visitors!!! Takbo ka sa PINTO mo.......yung next door mo na matandang PUTI, retired na matandang lalaki...."Can I help you,SIR?"....tapos yung matanda with a puzzled, disgusted look on his face asked you: " What the HELL IS THAT DISGUSTING SMELL? CAN YOU SMELL IT" tapos tingin siya from left to right, ikaw naman syempre is trying to play it dumb, so you say.." OH yeah, must be some GAS LEAK or something, I'll phone the GAS Company ,Sir and check it out for you, ok?""..hehehe, eh syempre, you don't want to admit that the wonderful, aroma of fried tuyo is coming from your kitchen...hehehe..tapos the moment na you close the door, takbo ka uli sa kitchen mo...kuha ka isang malaking plato, isang malaking dakot nung malamig na kanin na tira, you don't care at this point, kuha ng isang longganisang BALIUAG, dalawang pritong tuyo, naghiwa ka na isang malaking kamatis, ah munti ng makalimutan yung bawang at vinegar ( I forgot the Pinoy term for vinegar??) ...sa WAKAS, eto na po isang SUBONG gangga-ulong pusa yata sa laki, hahahahaha...WOW, ang SARAP talaga nga naman ng TUYO at LONGGANISA!!!!!
********
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
4 comments:
hahaha! make sure to open your windows even if it's wintertime when you're frying your dried fish tuyo.
The thing is you're too anxious to cook that darn tuyo in a hurry that you will forget to open the windows to let the fresh air in! Ibig mo ay matikman kaagad , hehehehe!
like
You liked the blog or the tuyo and longganisa, which one ? Hhahaha...thnx for liking whatever it was...!!!
Post a Comment