Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Thursday, April 27, 2017
YEHEY! TALAGANG RETIRO NA BA AKO? ANO NGAYON GAGAWIN KO?
Sa totoo lang, kapag nag-retiro na ang isang pangkaraniwang tao, ang ating nasa-isip na mangyayari ay easy-easy na lang ang magiging buhay, di ba? Ay maraming salamat at sa wakas ay makakapagpahinga na ako! Sa umpisa syempre ay maninibago ang pakiraramdam , ang isip at ang katawan mo. Ang unang-una segurong kapansin-pansin ay ang kasarapan ng damdamin na wala ka nang iintidihin kahit na matagalan ang tulog mo at magigising ng alas 10 ng umaga, hahaha! Wala ka ng takot na mahuli sa trabaho o maiwan ng bus o tren at iba pang sasakyan papuntang trabaho. O kung nagmamaneho ng sasakyan ay di kana nenerbyusin sa traffic at delikadong daan lalo na kung winter sa lugar mo kung ikaw ay nasa ibang bansa na malamig ang klima! Ay, talaga, ang hirap kapag mag snow sa daan at malalim pa! Blowing Snow at mas grabe kung ICY pa ang mga kalsada! Nakakatakot na pakiramdam yun kasi pag-pababa na at ICY ang daan, nakakatakot talaga! Ang dami kasing aksidente sa winter time! Mabalik tayo sa pakiramdam ng bagong nag-retiro! ANG SARAP ng pakiramdam lalo na syempre kung maganda pa ang iyong kalusugan at di sakitin. Anong sarap nga ba kung hingalin ka, may mga rayuma, masakit ang katawan at walang gana! Sa madalit sabi ay basta ang kalusugan ay mahusay pa, eh sarap ng pakiramdam kung retirado ka na! Basta dapat ay maging busy ka palagi at maraming magagawa sa bahay, sa garden, maraming hobbies, maraming magagawa! Ako ay saksakan ng daming nagagawa sa buhay. Mahilig akong magtanim ng halaman, bulaklak , prutas gaya ng ibat-ibang klase ng mga berries. Gaya halimbawa ng strawberries, rapsberries, cherries, plums, mansanas, ubas, blueberries at marami pang iba! Aba, ang kasarapan niyan ay talagang sariwa, organic at walang mga chemicals ang mga tanim ko! Masarap ang lasa at nakakatipid talaga sa budget. Ang problema kasi pag retirado ka na ay mas maliit syempre ang kinikita mo kasi wala ng sueldo at pension na lang. Basta naman di gaanong maluho ka ay ok naman ang natitirang pension at pera. Syempre, basta nakaipon ka na nuong medyo bata pa para sa pag-retiro ay makakaraos ka naman. Yun iba syempre ay sobrang maluho sa buhay at sobrang gastos kaliwa't kanan, kaya naghihikahos sa buhay. Marami akong paboritong hobbies. Photography at sumulat ng blog at Product Reviews sa Amazon. Magaling na hobby yung product review kasi linggo-linggo ay nakakapamili ako ng ibat'-9bang mga produkto sa Amazon. Ipinadadala sa akin at yun ay akin na. Basta lang syempre sumulat ako ng tunay sa loob na at totoo talaga ang Product Reviews para mabasa ng masa bago sila bumili ng mga produkto. Ang kainaman nito ay natututo talaga ako nga mga makapabagong kasangkapan lalo na syempre ang mga nauusong electronic gadgets! Sobra naman kasing kabilis ma-improve ng mga kagamitan natin. Sa Cell Phones, TV, gadget sa mga sasakyan at sa gamit bahay. Nuong dating kapanahunan pa ng mga magulang ko sa Pilipinas, ang may mga hobbies lang sa atin nuon ay iyong may KAYA sa buhay. Ang mayayaman ay marunong maglaro ng GOLF! Aba, pang-mayaman lang sa atin yun! Mga professional na tao lang ang puede at ang may kayang maglaro ng golf. Sabagay dito man sa Canada ay ang karaniwang nakakapglaro ng GOLF ay mga may kaya din pero di naman ganung kamahalan din ang bayad kaya ang regular na tao ay medyo kaya ding makapagyan ng Green Fees. Sa Pinas naman ay unti-unti na yatang nagbabago na din ang nagiging kultura lalo na ang mga kabataan na nasa kanilang ika -30- or 40 edad. Kasi nga, na-aapektuhan din ng Social Media at ng mga nababasa nila mula sa North Amerika at sa Europa. Mahilig din kaming mag-asawa ng maglaro ng badminton linggo-linggo. Mahusay na exercise at mura na din ang bayad sa 2 oras na mga laro. Kabilang kami sa aming Badminton Club na ang mga miyembro ay ordinaryong mga tao din na kagaya naming mahilig sa laro para maging aktibo at panatilihin ang kalusugan sa pamamagitan ng larong Badminton. Palabiro kasi ako kaya habang naglalaro kami ay nagbibihan di kami. Di gaanong competitive ang mga laro , talagang katuwaan lang. Syempre naman, gusto ko ding nananalo, hehehe! Mahilig din akong mamaril o target shooting sa likod ng bakuran ko. May dalawa akong d--hangin na riple at may mga paper or cardboard targets ako na may bullseye. Pero ang pinaka-paborito kong hobby ay linisin at panatilihing malinis ang aking pam-bakasyong Roadtrek na Van Conversion. Iyun ang aking BABY na palagi kong nililinis para manatiling parang bago at makintab! Ganun yata ang pangkaraniwang lalake, mahilig maglinis at mag-shine ng kanilang kotse o Van. O, sige, mga Kabayan, medyo hapon na pala, ang isa ko pang HOBBY ay magluto! Hmmm, ano nga ba ang masarap na hapunan?? Okey, ano, medyo maghahanap ako ng rekado sa fridge at makapagluto na nga!! Nagugutom na ko!! BABAY na!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment