Hmmmm, sino nga ba ang maniniwala na kumporme kung sino ang taong pagmumulaan ng anomalya, tungkol sa pagmumura sa harap ng publiko, ay mangyayari na may patnubay ng karamihan sa masa sa Pilipinas? Hahaha! Aba, basta may ibubuga pala ang isang tao, lalo na si Mayor Presidente Digong , ay OKAY NA OKAY na sa karamihang mamamayang Pilipino. Bakit? Kasi sawang -sawa na ang mga tao sa mga manloloko at mga DOROBONG magnanakaw at sinungaling mga Politiko sa PINAS! Totoo naman, di ba? Pagkatapos ng ilang dekadang kawalanghiyaan ng karamihan sa mga naupong opisyal sa Pinas, na magnanakaw at gusto lang magpayaman kapag nahalal na, ay sa wakas, nagsawa na si Juan De La Cruz at sipain na ang mga demonyong magnanakaw sa gubyerno! Hahaha! Ok lang, di naman ako, magmumura na kagaya ni Digong! Hahaha! Putris, magiging uso na yata ang mga-leleche sa PUBLIKO! @?<)#@@@, Hahaha! Kasi nga naman, punong-puno na sama ng loob at naubusan na ng pasensya ang publiko sa mga gagong opisyal ng pamahalaan ng Pinas! Di nga ako makapaniwala na TUNAY PALA si Mayor Presidente Digong sa mga pangako niya na gagawin para LINISIN ang katarantaduhan sa PILIPINAS! Eh siyempre, marami pa din mga hipokrito sa Pinas na galit sa pagmumura ni Digong pero esitlo lang naman niya iyon! Kasi nuong lumalaki pa ako at bata pa, marami din naman akong mga Tiyuhin na galing sa Batangas na mahilig magmura! Kasi nasanay sila duon at parang parte lang naman ng kanilang pang-araw na bukabularyo sa pagsasalita! Para bang estilo, kung baga! Eh syempre, kung nasanay na gamitin ang pagmumura ay magiging normal lang sa kanilang pang-araw araw na pakikipag-usap sa ibang tao. Di ba? Hahaha! Ok, ang malaking pagkakaiba nga lang ay PANGULO ng Pilipinas ay numero unong NAGMUMURA na tinatanggap na ng mga MASANG PILIPINO para nga lang maglinis na ang mga walanghiyang magnanakaw at mga sinungaling na POLITIKO sa PINAS! Gulat nga ako sa halos lahat na naupong opisyal ay magnanakaw at karamihan din ay mga BABAENG opisyal pa! Kung bakit kasi malaki pa din ang tiwala ko at respeto sa pangkaraniwang babae lalo na nga at mga opisya, e kaso nga ay marami ding palang MAGNANAKAW at SINUNGALING na BABAEN opisyal na nakaupo! Nakakawalang gana kasi na puro kurakot ang nasa isip pag nahalal na ang pangkaraniwang politiko sa Pinas! Para bang lisenya sa pagiging mayaman sa Pinas pag nag-iboto ang isang kandidato ! Yun naman ang totoo, walang makakatutol diyan! Ay naku! Natutuwa ako at sa wakas ay may malaking pag-asang maka-ahon na sa kahirapan ang mga Pinoy at Pinay! Wag lang sanang magiging eksperto sa pagmumura ang karamihang mamamayan sa Pinas! Hehehe! Very coloful kasi ang mga speeches ngayon ni Digong! Sabagay, ok pag sa bibig nya nanggagaling, kasi yun nga ang STYLE ni Mayor kaya, masanay na kayo diyan! AY PU-------NG INAHIN, hahaha! Ok, mag-aalmusal na nga ako, mga kabayan! Kain na kayo! Paki-greeting na lang para kay MAYOR DIGONG mula dito sa Vancouver Island, British Columbia! MABUHAY! YAAAY! Pasingit nga lang po,,taga-Baliuag po ako nuon at di Bisaya! Biro lang syempre ang picture ni Mayor dito! Hehehe. Sige po ang PAALAM for now!!!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment