at saka magandang exercise sa katawan! O , sige, mga kabayan, relax kayo, support Mayor Digong! Palagay ko'y aasenso ng malaki ang Pinas dahil sa kanya pero, suportahan ninyo siya! OK??? Sige at maghuhukay po ako sa likod bahay! Babay!! Eto ang mga sample na tanim ko! Galing ano? LOL!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Thursday, April 20, 2017
AY SA WAKAS , MAY PAG-ASA NA 'PINAS!
Sorry, mga kabayan, sobrang busy kasi ako in the past two years na pala nang huling mag-post ako dito. Senior Citizen na kasi kaya madaming inaasikaso sa buhay. Natutuwa ako kasi ang daming pagbabago sa 'Pinas ngayon! Kasi nuong 1971 pa ko ng umalis sa 'Pinas! Panahon pa ni Marcos! Wow, aba ay 46 years na pala ang nakakalipas! Putris, natatandaan ko pa ang mga usong kanta nuon at mga disco. Mga BeeGees, Monkees, Dave Clark Five, The Animals at marami pang ibang mga rock groups. Ang karamihan nga nuon ay taga-UK, kaya nga tinawag na British Invasion! Ang mga Pinoy naman syempre ay ang gagaling manggaya! Eh ang kainaman naman ay magagaling naman ngang kumanta ang manga Pinoy! Kasi di tayo mahiyain, kahit parang tilaok ng manok ang boses ay hindi tayo conscious kumanta! Bibirahin kahit anong tono, kahit di kaya kasi katuwaan lang naman! May isa nga akong pinsan na di ganung maganda ang boses pero she didn't care, kinakantahan nya ng lalabye yung anak niya kahit sintunado! Biro ko nga ay napipilitang makatulog yung anak nya kasi di na matiis makinig sa boses niya! Hehehe! Anyway, halos araw -araw ay pinapanuod ko ang mga YouTube videos galing sa Pinas. Aba, gulat at bilib ako sa bagong Presidente ninyo na si Digong! Unang-una pareho kami ng outlook sa buhay! Kasi mga 4 years lang kasi ang katandaan niya sa akin! Gusto ko ang style niya sa buhay! Simple, very honest, palabiro at talagang nasa Bansa ang kanyang kalooban. Ang karamihan kasi sa atin sa politika ay puro gahaman sa pera at power, di ba? Dapat kasi nga ay isang matapang at malinis na kunsyensa ng mga politiko sa atin lalo na nga kung Presidente pa! Dapat talagang haluan ng mga biro at katatawanan ang mga speeches ni Digong para maging normal na tao talaga ang tingin sa kanya! Kasi nga very grim naman talaga ang Pinas pag hindi nilinis! Ang huli kong dalaw sa Pinas ay nuon pang 2009. Ang balita ko ay malinis na ng konti ang Manila at mga katabing mga lugar. Ang malaki kong himutok nuon ay ang NAIA na parang palengke sa gulo at chaos. Nagbago na daw ng malaki at modern na at konting pila na lang. Sana nga ay maging normal naman ang kalagayan sa atin. Ang kainaman nga ay by nature, kahit anong mangyari sa atin, ay nakukuha pa din ng mga pangkaraniwang kabayan na ngumiti at piliting mamuhay ng normal! Dito kasi sa Canada o Amerika, ang mga tao ay spoiled na masyado! Dapat talaga sa karamihan dito ay mamasyal sa Pinas para matuto sa buhay! Dito ay maraming nagrereklamo sa gubyerno eh ok naman ang pangkaraniwang namumuhay. Aba, di sila magtatagal sa atin! Sa init na lang, marami ng mamatay pag duon sila tumira! Hahaha! Mas gusto ko pa nga ay pawid ang bubong ng bahay kung hindi lang delikado sa sunog! Kasi lalo na sa tag-araw lalo na kung yero lang ang bubong ng bahay, ay naku, laking init! Parang oven sa panaderya sa init!Ang mahal naman kasi ng bayad sa kuryente sa atin. Yung Air-Con ay sobrang kumain ng koryente, kaya pag may bentilador ay malaking bagay na din sa atin. Ay, iba kasi ang nagkaka-edad, ano? Kung ano-ano na lang ang nagiging paksa ko! Hahaha! Ok, marami kasi akong gagawin sa labas. Mahilig akong magtanim ng mga gulay sa likod bakuran. Gardening ang isa kong paboritong hobby. Aba, sayang din kasi pag bumibili ng mga gulay at prutas dini. Ang mahal din! Ang kainaman ng tubo ko ay organic at sariwa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment