Photo copyrighted by philstar.com
Regular din akong nagbabasa ng mga news mula sa 'Pinas. Mostly ay sa YouTube at iba pang online news centers at newspapers din. Kahit na ako syempre malayo at matagal ng umalis mula sa 'Pinas ay gusto ko paring malaman kung ano na ang nangyayari sa Pilipinas. Kaso lang, ibang-iba na nga ang buhay sa dati kong bansa pag ikinumpara ko nuong kapanahunan ko. Kasi ipinanganak ako nuon pang 1948! Wow, naging lolo nang talaga! Yun nga lang, iisa nga lang ang aking apong babae na malapit na ngang maging 5 taon sa isang buwan. Kaso nga lang ay ang layo ng bahay nila mula sa akin. Ay, sobrang layo, mga 4,400 na kilometro!!! Kaya syempre ang mabilis na paraan para magkita ay sa Skype na lang! Hehehe! Once a year lang kaming magkita sa tunay na buhay, eroplano nga para mabilis! Kung bakit pag tinawag na LoLo ay iba ang pakiramdam, ano? Well, duon sa mga kabataan syempre ay di ninyo pa alam ang damdamin ng nagiging LoLo o Lola! Kakaibang talaga! Nakakatuwa sa kalooban ! Yun nga lang, kapag tinawag akong Lolo ay sa umpisa syempre ay di pa sanay sa tawag! Hahaha! Kasi, parang MATANDANG MATANDA ka na pag natawagan kang LOLO o LOLA! Ok, mabalik tayo sa sinasabi kong malaking pagbabago ng lipunan at mga kaugalian ngayon ng mga kabataan sa Pinas. Sa aking palagay kasi ay sobrang bilib at inggit sa mga Amerikano at mga taga-ibang bayan ang pangkaraniwang mamayan sa atin. Natatawa ako sa sarili ko kasi Little Brown Americans nga ang dating tawag sa mga Pilipino nuong ako ay bata pa. Lahat ng Stateside na bagay ay gusto ng mga Pinoy! Pagkain, pagdadamit, pagsasalita, IDOL nga ang mga Kano ng mga Pinoy! Ang mga malls ngayon ay westernized syempre! Para na ding sa North America ang mga paninda at yun nga kahit yung ibang presyo ay halos mas mahal pa nga sa malls sa Pinas pag ikumpara sa Canada. Sa loob loob ko nga ay naitatanong ko? E sino ang nakaka-afford ng mga mahal na merchandise? Well, ang mga malls sa Pinas ay halos punong-puno ng mga tao, kaya kahit 5 % sa mga libo-libong shoppers ang bumibili ay ang dami nga parang perang kinikita ng mga tindahan sa malls! Kasi ang mga Pinoy ay ibang dumiskarte! Ang gaganda ng mga damit, mga suot! Sa unang tingin nga ay paano mong mahuhulaan ang tunay na may pera o " mayaman " sa atin!!! Hahaha! Ma pwera sundan mo kung saan sila nakatira. Yun pala sa ilalim ng Tulay Mansion! Biro lang syempre. Nasasabi ko lang naman, kasi nga maraming mga maluluho sa Pinas! Kahit maluob sa utang, basta maganda diskarte at ibig mapagkamalang mayaman at talagang COOL, ok lang! Sabagay, kung maganda sa kalooban nila at maganda ang nararamdaman ay sulit na seguro sa kanila ang magkungwari! Dito man kasi sa Canada ay maraming mga tao na mas malaki ang nagagastos kumpara sa kinikita. Yun nga lang, iba ang social safety net sa North America. Mas maraming mga sangay ng gubyerno na di ka pababayaang maguton! May maliit na sustento o tulong sa mga mamamayan . Yun ang malaking pagkakaiba ng Pinas at Canada! I bilib na din ako sa mga malalakas at matapang ng damdamin ng pangkaraniwang Pinoy. Kasi madaming mga kamag-anak na matatakbuhan sa Pinas! Kaya kahit isang kahig isang tuka sa atin ay nakakaraos kasi yung ang matatawag ng normal na kalagayan ng pamumuhay sa atin. Kasi ng matagal na akong wala sa atin. Pero sa mga nadidinig ko, nababasa at napapanuod sa social media, ay halos ganun pa din sa tulungan sa atin. Ang sinabi ko lang na malaking pagbabago ay ang modernization sa Pinas. Ang mga highrises, world class na restaurants, resorts, hotels, mga bagong kotse, condos, malalaking bahay, WOW! Ibang-iba na nga ang first impression ng mga bagong dating sa Pinas. Especially nga ang mga foreign tourists! Ang modern ng nga kasi ng Manila, Makati at suburbs! Kahit nga sa mga bayan ay may mga 7-11, Pizza Huts, etc. Nakakagulat talaga pag matagal ng hindi nakakapasyal sa atin! Pati mga kulay ng mga buhok sa atin ay may mga blonde na din, hahaha! Hmmmm, pagnakatalikod nga at maganda ang mga damit at blonde pa, eh akala ko nga ay ang sinusundan ko ay Amerikana o Canadian, yun pala ay isa lang na bading na nagpa-blonde ng buhok!!! Hehehe, sorry pero di ko mapigilang tumawa! Magalit na kayo sa akin, ok lang, kasi tutoo naman! Bakit ba pinipilit na magmukhang Blonde na Amerikana! Eh okay naman ang itsura ng mga Pinay. Ang karaniwan nga na mga Puti dito sa Canada ay naiinggit sa complexion ng mga Filipina tapos baligtad naman ang mga nararamdaman ng maraming mga tao sa atin lalo na yata ang mga kababaihan! Sorry ano!?? Di ko naman nilalahat syempre! AY, mahintuan ko nga ang blog ko bago ako murahin ng mga readers! LOL! Pasensya na po at ito ay pabiro lang na blog! Take it easy and don't be too serious naman! Ok? Mag-ingat kayo mga Kabayan! Goodbye for now!!!
Photo copyrighted by Philstar.com
No comments:
Post a Comment