Sa palagay ko, ang isa sa pinaka-na-mimis na bagay ng isang isang Pilipino sa ibang bansa, ay ang kakaning Pilipino! Di ba? Syempre, ang pamilya ang nauuna at sa akin ang pangalawa ay ang mga pagkain at lalo na ang mga paboritong kakanin! Kasi nung bata pa ako, ang aking Lola ay mahusay gumawa ng mga kakanin. Siya ay nagtitinda ng kanyang nilutong kakanin na nilalako sa malapit na palengke! Natatandaan ko pag niluluto niya ito ay kaming magkakapatid ay di makatulog pag iidlip para sa aming siesta. Syempre, naamoy namin yung putong ginagawa at niluluto niya! Eh sino ba namang normal na bata ang hindi matatakam duon? Parang torture nga ang pakiramdam, hahaha! Pag naluto na ay may patikim sa amin bago ilako. Kahit konting piraso lang syempre para kami ay makatikim ng puto! Tapos, ay ilalako na niya ang iba! Kaya nga nang ako ay makarating sa Canada nuon pang 1971 ay nag-aral akong magluto ng mga kakanin. Natandaan ko pa nga ng itanong ko sa Mother ko ang recipe niya ng biko! Ang dali lang palang gawin at lutuin. Kasi naman, halos kahit sa anong panig na ng mundo ay meron ng Asian market. Kaya ang mga rekado at iba pang gamit sa pagluluto ng karamihan sa ating mga kakanin ay mabibili na. Ang kainaman sa ngayon ay may mga "YouTube" videos nga na nagpapalabas ng kung papaanong gawin or lutoin ang halos lahat na kakanin or recipe mula sa Pilipinas. Natutuwa ako kasi mahilig akong magluto, ulam , sabaw , kakanin at iba pang makakain. Marami akong paboritong kakanin. Palagay koy halos lahat naman ng mga Pilipino ay kagaya ko rin na mahilig sa kakanin..mapwera lang na may medical issues at bawal sa kanilang diet! Maswerte ako at even at my age of 68, ay ganado pa ako at walang food restrictions! Ang timbang ko lang ay mga 128 lbs. at 5'7. Di buntis ang tiyan kasi wala akong hilig sa beer o alak! Ayaw ko kasi ng bisyo lalo na ang sigarilyo! Ang bisyo ko lang ay tugisin ang Mrs. ko! Biro lang,,,hahaha! Ang kaso lang kasi taga-rito ang Mrs. ko, hindi siya mahilig kumain ng mga kakanin. Slim di siya at very conscious sa pagkain kaya hindi siya LOBOHIN. Kasi sa Pinas, halos epidemic na ang obesity. Kasi nga ang mga pagkain , street food stalls, malls, etc. ay taksan-taksan ang mga karinderya, Pizza stands, burger joints, restaurant, Grabe! Anyway, paminsan minsan nga, ay nagluluto at gumagawa ako ng aking paboritong kakanin. Very relaxing din kasi para sa akin ang magluto! Kaya sa bahay namin, ako ang cook sa weekend at si Mrs. naman sa weekdays. Dati kasi ay baligtad. I did the weekdays cooking and she did sa weekends. Mahilig nga kasi akong magluto. Nuong mag-retire kami at nag-roll reversal kami para naman may break ako. Ok naman sa akin. Pero gusto ko nga at mahilig ako sa cooking! Ang problema ng maraming OFW ay loneliness syempre, kaya ang pagkain ng mga kakanin ay magandang substitute para makalimutan ang kalungkutan sa buhay. At saka syempre parang moral support din ang pagkain ng kakanin lalo na nga at yung paborito nila ang kakainin lalo na sa weekend or araw ng break. Kaya kahit na lang sa retrato ay makita ninyo at maalala ang ating KAKANING PINOY! Yaaay, kain na tayo , mga KABAYAN!!!!
Photos by Marketman
Mamili na kayo at ako ang sagot! Hahahaha! Pa-order na lang ninyo yan kung may mga kaibigan kayong marunong gumawa. Magbayad kayo sa mga rekado at hati seguro kayo, para PATAS ano? O, sige, ENJOY!!! Putris, tulo laway na yata!!! Easy easy lang kayo!!! LOL!
No comments:
Post a Comment