Ay, ang bilis talaga ng panahon! Naging masyadong busy ang buhay ko mula ng maging retirado. Akala ko'y marami akong oras na magiging libre kaso, sandamukal na trabaho dini, trabaho dito ang nangyayari. Aba eh pagkagising ko syempre, ligo, magdadamit at mag-aalmusal. Mahilig ako sa gardening kaya ito ang aking naging hobby. Ang kainaman ay mahusay itong exercise sa isip at katawan. Wala naman kasi akong masamang bisyo tulad ng inom ng beer, mag-yosi at maggala sa mga shopping centers. Sa loob-loob ko lang ay nakakasawa naman kung puro gala lang ng gala ang magagawa ko. Lalaki lang ang tiyan ko sa kakain ng mga pagkain sa Food Court. Wala naman akong hilig sa mga panggarang mga shirts o pantalon. Me edad na ako kaya di ko na kailangan yung mga items na yun. Ang kainaman ng may garden ay mga sariwa at mas masarap ang lasa ng mga tinatanim ko. Putris, parang gusto ko nang kumanta ng classic na " BAHAY KUBO"!" Ang halaman duon ay sari-sari, sibuyas, kamatis, bawang at luya", hehehe! Ang kaso lang kasi sa Vancouver Island ako nakatira kaya mahirap magtanim ng pangkaraniwang gulay sa Pinas dito sa amin. Kasi nga mas malamig ang klima dine. Sabagay, parang Baguio City din pero walang kangkong, luya at iba pang mga gulay at halaman na madaling itanim sa Pilipinas. Pero puedeng magtanim sa loob ng bahay o sa basement kung may greenhouse ka. Gumawa ako ng maliit na greenhouse duon sa tabing pinto sa basement ko. May konting insulation at palagi kong naka-ON ang mga ilaw para uminit ng konti at tumaas ang temperature para sa mga halaman ko. Nagtanim nga ako ng saging para lang sa mga dahon na gamit ko sa paggawa ng kakanin. Halimbawa ay pambalot sa iba't ibang mga kakanin tulad ng mga iba't ibang klase ng suman. OO nga pala, puede din nga pala akong magkaron ng Boodle Fight pag natapos na ang pisteng COVID-19! Grabe talaga ano? Sobrang perwisyo ang ginawa sa mga tao sa buong mundo. Sana nga ay may madiskubre na very effective Covid vaccine para maging normal uli ang pamumuhay ng mga tao. Balita ko nga ay marami ng naghihirap at nagugutom sa Pilipinas. Buti naman ay di gaanong kaperwisyo dito di katulad sa Pilipinas. Pero marami ding nawalan ng trabaho dito sa Canada. Okey, balik tayo sa gardening! Kaya nga ayos na ayos ang gardening ko. Kasi, marami akong tanim na gulay. Mahal na din ang presyo dini at iba talaga ang lasa ng sariwang gulay na kapipitas lang. OO nga pala, marami akong tanim na strawberries, raspberries , blueberries, etc. Ang kainaman nito ay nagkakaron ako ng extra pocket money kasi nagbebenta ako ng mga halaman. Malaking tulong din syempre ito sa pension ko. Ang kainaman nga ay palagi akong busy kaya mainam sa katawan ko at sa kaisipan. Yung walang gaanong may ginagawa ay magkakasakit lang kasi tataba lang sila. Eh alam naman natin ang problema ng High blood pressure, diabetes, etc. Anyway, kailangan talaga ay maging masipag at busy tayo. Sa halip na maghimutok sa buhay ay magtrabaho tayo ng kahit ano para lang maging active ang ating mga pag-iisip at mahusay nga ito sa ating well-being. Sorry, parang naging PARI yata dating ko, hahaha! O sige, asan ang mga abuloy ninyo? Para kunwari ay nasa simbahan kayo at oras na collection, hehehe! Ay, oras ng tumakas at mag-merienda ng konti. Nagutom ako ng konti sa kasesermon, ah! Until next time! Bye!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Wednesday, May 20, 2020
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment