Ang kainaman ng retiro na ay tapos na hirap sa trabaho! Pagkaraan ng mahabang panahon sa pagkakayod ay nagka-edad na ako at retiro na! Marami pa din akong ginagawa sa bahay, mahilig akong magtanim ng gulay, mga prutas at berries at saka landscaping sa buong bakuran. Kaya para na ding regular na " trabaho " ang aking araw-araw na gawain. Kasi marami akong nakikita sa paligid na mga retirado na pero mga walang magawa sa bahay! Ang nangyayari ay pasunod-sunod sa kanilang mga asawa na parang Grade Schooler uli, hehehe! Wala kasing mga hobby kaya mga bored sa buhay! Tingnan mo nga naman, halos habang panahong nagtrabaho at matagal na hinintay ang pagkakataon mapag-retiro tapos biglang-bigla eto na, ganun lang ba ang pakiramdam ? O ano gagawin ko ngayon? Ay kalabaw! Kasi ang plano lang ng karaniwan ay makapag-ipon lang akala ay kapag maraming pera sa banko ay masaya na sila pag retirado! Kapag wala kang mga hobbies ay mahihirapan ka nga sa bahay lang!
Mahilig ako sa libot at ang number one kong hobby ay photography. Kaya mula pa nuong mas bata pa ako, mga 25 na anyos at hangga ngayon hobby kong photography ay enjoy na enjoy ko! Ang aking misis naman ay mahilig sa bird-watching kaya kapag namamasyal kami ay ako ang photographer siya naman ay busy sa bird identification. Syempre, masarap mag-travel pag- retiro na. Di kami nagmamadaling umuwi. Kahit madilim na ng konti ay ok lang, wala trabaho kinabukasan ! !Ang kainaman ng lugar namin ay maraming mga parke na malilibutan. Libre dito yun, walang bayad. Kasi sagot yun ng mga taxes na binabayad namin sa munisipyo at sa Gobyerno. Nakikita mo kung saan napupunta yung buwis! Kapag umaalis kami ng malayong lakbay, ay sa camperized van kami sumasakay. Medyo malaki yun kaya ako lang ang driver, si Misis ay nerbyosang magmaneho nun. Sanay lang sya sa Toyota Corolla namin. Kasi 1-ton ang Roadtrek namin, mabigat na V-8 kasi kumpleto yun. Lutuan, CR, Air-con, etc. Mahilig akong magluto kaya ako ang cook paghinto at parada namin sa gabi. Dito kasi ay kailangan mong huminto sa Campsite na pribado o publico. May bayad yun pero mas murang-mura kesa sa hotel o motel. Mahigit na kalahati o kaya 1/3 lang karaniwan ang bayad kung ikompara mo sa hotel.
Kagaya lang nuong isang buwan ay galing kami sa isang isla na Texada Island ang tawag. Ay, ang sarap nga kasi tabing dagat lang! Bumili ako ng fishing license para pang-dagat at kasama na duon ay ang puedeng manguha ng mga clams at oysters! Ay,naku ang dami pong mga oysters at malalaking clams sa dalampasigan! Talagang namumulot lang ako! Ang license para sa pensioner ay $12.00 lang pang-isang taon . Ay alam ninyo, may fridge din kasi sa van namin kahit maliit nga lang ay napuno iyon ng oyster meat at saka clam meat! Yun nga lang, si Misis ay di ganung mahilig sa ganung pagkain kasi taga-rito sya. Akong Pinoy syempre ay gustong-gusto yun..inihaw, adobo..hahaha! Meron ding tinatawag na clam chowder na luto , ayun nagluto ako at nakursunadan naman ni Misis! Ang karaniwan naming kinakain pag-camping sa van ay gulay, manok, itlog, kanin, cereal, gatas, etc. May maliit na kusina kasi kami sa van. Kaya ito ang BAHAY namin pag naggagala kami. Puedeng huminto kahit kelan at pag-jingle ang kailangan ay walang problema, may CR kasi. May tangke sa ilalim ng van pag napuno na ay punta lang sa SANI-DUMP ang tawag at duon nag-flu-flush nung dumi! Para ngang bahay! Kahit tag-ulan, mainit o kahit mag-snow ay ok kami sa loob. May heater kasi at OO nga pala, may shower din sa loob at sa labas ng van. Ay parang salesman ako ng van, hahaha! Ipinapaliwanag ko lang ito para maintindiahan ninyo kung paano maggamit.
O , sige na po kayo diyan, marami pa akong aasikasuhin sa garden ko, pipitas na ako ng kamatis at litsugas! Babay na po!!!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment