Kaya mo nga pala mapapansin ang pagkakaiba ng kultura sa Pilipinas at sa ibang bansa ay kung ikaw ay mapunta o ma-destino sa isang malayong bansa at makatira duon ng maraming taon. Ang karaniwang napupunta sa ibang bansa ay magtratrabaho at magsisikap bago maka-ipon ng husto at saka magplalano kung ano ang mainam sa buhay nila. Kaya ang mangyayari ay sa haba ng panahon na nawala sa atin ay syempre, masasanay ka sa kultura at kalakaran ng bagong bansa mong pinagtratrabahuhan. Ang maraming mga umaalis sa Pilipinas ay karaniwang napupunta sa America, Canada , Europe, etc.as immigrants. Iba syempre ang OFW or other contract workers kasi hindi pa permanente kundi contract nga lang ma pwera masuertehan at maging permanente pagkaraan ng ilang taon. Ang mga bagay na naiiba nga sa atin vs. sa ibang bansa ay ito, base sa aking observation:
1. Ate o Kuya: Ang tawag sa iyo kapag mas matanda ka sa kumakausap sa iyo. Ibig sabihin ay ni-rerespeto ka at walang kinalaman kung may relasyon ka o wala. Kaya kahit hindi mo kamag-anak ay KUYA o ATe ang tawag sa iyo. Mainam na marinig yun kesa ' HOY", hehehe.
2. Pasalubong: E talagang ganuon ang expectation sa dumadalaw o balik-bayan dating sa atin. Kasi iyun ay naging parte na ng kaugalian sa Pilipinas. Ang kaso lang syempre ay sangkatutak ang mga kamag-anak ng pangkaraniwang Pinoy kaya imposibleng mabigyan mo ng pasalubong ang lahat na dadatnan mo sa iyong pupuntahan. Syempre may hinanakit o " masasaktan" ung iba na walang makukuhang pasalubong. Iba naman syempre kung pepe-rahin kasi naman iyung ibang mga kamag-anak ay "nagsasamantala" din kung minsan, Di ba? Hhahaha...Kaya nga mas mainam ay iwasan ang pagpasyal sa atin sa Christmas time, kasi baka ma-bankcrupt ka, hehehe!
3.Tanggalin ang sapatos , sandals o ano mang footwear: Yun nga pala ano? Kahit nga pala saan sa atin ay pagnapunta sa ibang bahay ay yun ang unang-unang gagawin. Ang kahirapan lang ay kung " mamahalin" yung sapatos o sandals mo ay nenerbyosin ka din syempre lalo't bago pa, syempre, more than likely, kapag nag-balikbayan ka sa atin ay medyo bago ang isusuot mo o dadalhing footwear sa atin, kung minsan ay may magnanakaw o masamang tao na baka makursunadahan yung suot mo!
4. Mano Po : Nabanggit ko itong custom na ito sa isang kong posting. Gusto ko ito kasi mainam na kaugalian lalo na kung Foreigner ang magmamano sa mga Elderly na Pinoy! Matutuwa talaga sila kasi hindi nila aakalain na yung mga Puti at matataas na taga-ibang bansa ay mamanuhan sila! Kahit nga kung minsan, lalo na sa maraming probinsya kahit hindi mo kamag-anak ay yung mga kabataan ay magmamano sa iyo lalo na at hapon na o medyo gabi na. Ibig sabihin ay they respect you!
5. Probinsya: Ang mga lugar na hindi centro kagaya ng Manila, Quezon City or major areas e ang tawag ay Probinsya. Sa bandang Mindanao, Cebu, etc..o " malalayong " lugar na hindi ciudad ay tinatawag na probinsya. Nuong bata pa ako ay kapag sinabing probinsya ay ibig sabihin ay hindi sophisticated at medyo " mababa" ang tingin nung taga-" Maynila", hahaha. di ba? Taga-probinsya lang eka kami, may connotation na "mahirap lang". Yun kasi ang nakasanayan sa atin nuong mga panahon na iyon. Syempre, medyo yata na-iiba na ngayon. Unang-una nga ay maganda na ang mga daan sa atin, halos lahat ay may-cell-phone, kaya nga ang tawag ko duon ay " The Great Equalizer" for good reasons. Yun nga eh, namimiss ko nga ang old-fashioned na Karinderya sa atin, kasi ang uso na ay junk food, MacDonald, Pizza, Burger joints nga kulob saan. Kaya slowly ay naiiba na ang connotation ng salitang PROBINSYA...hindi na halos second-rate di kagaya nuong bata pa ako. Somehow ay gusto ko na maging dati ang tradition sa Probinsya kasi nga ay maraming mga tradition lalo na sa mga pagkain ay nagiging Westernized...e masama naman sa katawan ang Western food, alam nyo na, Cholesterol etc.
6.Pagkain, handa, kakanin: Ang isang kaugalian na mga Pilipino syempre ay mahilig syempre sa kainan..maghati at magbigayan--Food Sharing...kaya kahit anong occasion ay may handaan, kainan...at yun nga , tradition sa atin na hindi mawawala! Ewan ko kung ganun parin pag -fiesta sa atin. Ang natatandaan ko ay iyung ibang mga tao ay mag-iipon ng isang taon at gagastusin yung na-ipon pagnag-fiesta na. Ewan ko kung ganun pa rin sa ibang lugar sa atin. Seguro ay naiba na ng kunti dahil nga sa kahirapan at kamahalan ng bilihin sa atin. Pero, generally, ay may " handa" pa rin syempre seguro lang ay sa "malalapit" na mga kamag-anak na lang.
7.Ang kumustahan at Paalaman: Ang unang-una syempre itatanong pagdating ng isang "bwisita" ,hehe,ay " kumain ka na ba?" At syempre kung aalis ka sa isang bahay na dinalaw ay kailangang "mag-paalam ka sa may-bahay. Kasi ibig sabihin ay "walang galang eka o mas grabe ay bastos" eka kung hindi ka magpapaalam sa dinatnan mo at sa iiwanan. Kaya syempre kahit maysakit yung iba ay mag-papalam kadin sa kanila as a sign of respect ...ganun ang expected at saka the right thing to do sa ating Pilipinas.
Naiiba na ng kunti ang tradisyon sa Pilipinas kasi nga ay ang mga karamihan sa ating mga kabataan dun ay nasasanay na sa movies, tv shows, video na galing sa America o abroad. Napapansin ko na nawawala na ang mga punto sa mga probinsya kasi ay halos lahat ng mga younger generation ay gustong maging Westernized, mga Kano or foreign accent...isang malaking pagbabago ang mangyayari sa mga dadaang panahon....Ano nga kaya ang mangyayari sa susunod na 20 years??? Salamat po at sa susunod na kabanata uli...BABAY! Ayun nagpaalam ako at hindi nalimutan....!!!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
2 comments:
Cell phone, internet, iphone are the great equalizers which is good. I think there are still young people in the Philippines who maintain/practise our tradition of using Po/Opo and Mano Po.
It's slowly fading away in the big cities because most young people find it " un-cool" and " old-fashioned"...too bad...
Post a Comment