Monday, January 30, 2012

NGAYON LANG NARINIG


Ang una palang nagturo ng English sa mga ninuno nating Pinoy ay hindi mga Amerikano kundi mga British noong 1762-1764  nuong nilusob nila at nakuha sa mga Kastila ang ciudad ng Maynila.
Ang mga Kastila pala nuong 16th Century ay ginagamit ang kanilang mga IHI sa pagsesepilyo ng kanilang mga ngipin. Ay putris pala!
At noong mga  unang panahon ang mga British ay naniniwala na KASALANAN  daw ang MALIGO at ginagamit ang pabango sa halip na maligo. Ganun pala ang kanilang pinaniniwalaan noon! Mas magaling pa pala ang mga AETA at Mangyan sa atin..hehehe.
Ang ating katawan pala kapag tayo'y lumagpas sa 30 anyos ay nag-uumpisa ng umigsi ( sa halip na tumaas ) at ang ating mga tenga at ilong ay patuloy naman sa paglaki! Ay, bakit naman ganun? WaaaaaaHH! Teka, matingnan nga sa salamin kung totoo...
Ang TUTUBI pala ay nabubuhay lang ng 24 na oras! Kaya, magpasalamat talaga tayo!
Ang PUSA ay saksakan ng tamad, mahilig matulog hanggang 16 oras araw-araw!
E kaso lang nuong unang panahon sa EGYPT, trato sa mga PUSA ay dini-DIOS sila kaya kapag namatay ang mga PUSA , inaahit pala ng mga EGYPTIANS noon ang kanilang KILAY dahil sa laki ng LUNGKOT. Meooowwww!
Ang isa sa pinakamahal na pagkain sa buong mundo ay ang itlog ( Caviar) ng isdang BELUGA na galing sa IRAN, ang isang 1 kg. ay nagkakahalaga ng $ 34,000.00!( Black Gold ang palayaw). Ano bibilhin mo pag may pera kang ganyang kalaki? Bahay, kotse, lupa , hmmmm....isip-isipin...
Ang pangkaraniwang BABAE daw ay humaharap sa salamin - total na 2 TAON sa buong buhay nila! Ilang taon naman kaya sa tsismis, texting, TV ???? Sorry, walang nabanggit tungkol sa mga LALAKI...
Kailangan talaga ng Family Planning sa Pilipinas kasi 3 mga bata pala ang ipinapanganak sa Pilipinas bawat MINUTO ...WOW, ang daming bata naman. Ang estimate na population ng Pinas sa ngayon ay mga 98 milyon na, ooops saka 3 pa, 6, 9, wow,,,,ang bilis dumami!
Ang pinaka-popular na agahan ng Pinoy ay: KANKAMTUY:    kanin, kamatis at tuyo hindi TAPSILOG !
tapa, sinangag at itlog.
Ang inventor pala ng Kareoke ay si Roberto Del Rosario at hindi Japanese. Ang original na tawag ay " Sing-along System".
10 Milyon ng mga Pinoy ang nagtratrabaho sa ibang bansa. 8 Milyon dito ay mga OFW, 1.5 milyon ay mga contract workers. At ang naipadalang pera pabalik sa Pinas noong 2010 ay US$ 18.76 BILLION, halos 10% ng pondo ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ang number one cell phone texters sa buong mundo. Ang average na Pinoy ay nag-tetext 1 billion texts araw-araw. May 50 milyon cell phone users sa buong Pilipinas...50% ng Pinoy ay mga cell-phones!
Ang Philippine Air Force ay mayron lang 54 helicopters at 31 jet fighter planes ( luma pa ) .wawa naman!
Maraming manok sa buong Pilipinas...isang manok sa bawat isang PINOY, bata o matanda.
Ang  Olympic Games ay nag-umpisa noong 776 BC at ang mga naunang mga kasali ay hubo't hubad na mga lalaki, kaya pala napaka-popular nuon., ewan ko lang kung ilan sa mga nanunuod ay mga BAKLA...di nabanggit sa nabasa ko...
Ang babae na may pinakamaliit na bewang sa RECORD BOOK ay si Cathie Jung ng USA, ang bewang niya ay 21 inches sa diameter....LIIT naman....hindi tiyak mahilig KUMAIN ng marami!!! Hindi taga-Baliuag, hehehehe.
Ayon sa Philippine Census, 98 milyon na ang population ng Pinas, 33 milyon ay Visayan, 25 milyon ay Tagalog, 6 milyon ay Ilokano, 3 milyon ay Kapampangan, at iyung natitira ay mga iba't ibang tribo at grupo, Tingguian, Ifugao, Kalinga, Itawit, Igorot, Agta, Aeta ( ITA), Dumagat , Tadyawayan, Tabanwa, Palawano, Molbog, Kagayaman, Moro, Lumad, at marami pang iba.
Isa lang ibon ang may lason. Ito ay ang Pitohui at matatagpuan lang sa New Guinea. Ang lason ay nasa balahibo at balat.
Ang pinaka-popular na karne na kinakain ng pinakamaraming tao ay karne ng BABOY.
Ang bagong -panganak na GIRAFFE ay ibinabagsak ng kanyang ina sa taas na 6 feet pag ipinapanganak at hindi gaanong nasasaktan at nakakalakad kaagad pagkaraan ng ilang minuto. KABOOM!
Isang aso ang namatay matapos magbagsakan ng isang maliit na METEOR nuong 1911 sa Makhla, Egypt!
Eto ang isang tanong ng maraming Amerikanong beterano noong WW11: Bakit may helmet yung mga KAMIKAZE piloto nuong inaatake nila ang mga bapor de guera ng mga KANO???
21% ng  mga ASO at 7% ng mga PUSA ay naghihilik pag natutulog. Totoo ito, ang aking dating aso ay mahilig humilik kapag tulog na mahimbing at kung minsan pa nga ay tumatahol ng kunti..hehehe...NANAGINIP !!!
Ang ordinaryong LAMOK ay may 47 na maliliit na NGIPIN!!! Hehehehe....mahirap bilangin yun, ano??
Si Queen Elizabeth I ay nagmamalaki nuong kapanahunan niya ng NALILIGO daw siya ng isang BESES sa loob ng  TATLONG BUWAN , APAT NA BESES SA ISANG TAON ....hmmmm??? Kaya seguro malalaki ang mga PALDA noong unang araw..hehehe...
Ang GIRAFFE ay puede at kayang linisin ang kanyang TENGA dahil sa 21-inches niyang DILA!!! Galing!!!
Yan ang kainaman ng RETIRO, maraming ORAS sa buhay...hehehehe.....sa susunod uling kabanata..BABAY!!!!!!

Friday, January 27, 2012

OPINYON LANG NAMAN



Kung minsan ay hindi natin napapansin na napakabilis talaga ng pagdaan ng mga taon. Ano ang nangyari at ngayong umaga ay napansin nating: "Oy ano ba at mahirap bumangon at iyong hindi sumasakit na parte ng katawan ay di natin magamit? Hehehe, syempre biro ko lang ito, pero karamihan sa mga nag-kakaedad ay ito ang pangkaraniwang reklamo. May sakit sa bewang, rayuma, likod, tuhod.etc. Ay, naku, sorry , ito ang resulta ng TUMATANDA! Ay isa pang nakakagulat ay kapag tiningnan mo ang huling mga litrato ng iyong mga anak! Ay bakit kamo mukhang matanda na rin ang hitsura nila? Ano nangyari sa mga "cute" na mga baby pictures? Tapos , OO nga pala kamo, may mga anak na rin sila at iyong iba nga ay may anak na din...LOLO o LOLA na nga pala . Ako ay magiging Lolo sa darating na Abril kaya malapit na akong maging myembro ng LOLO-oban club? Hehehe...dapat seguro ay mag-umpisa ako ng LOLO CLUB...eh, iyon ang pumasok sa aking ulo..ewan ko kung bakit..sabagay  maganda ang tunog ng LOLO -OBAN Club...hehehe...Kung minsan ay nagugulat ako kapag nakakakita ako ng isang " matandang babaeng" tumatawag sa akin sa labas, tingin ako sa kaliwa, tingin ako sa kanan o aking likuran, tawag ng tawag iyong " matandang babae", tapos bigla ko na lang maaalala , ay putris, ASAWA ko pala ko pala iyong tumatawag sa akin..hahaha!!! Eh tiyak na ganun din seguro ang tingin sa akin nung asawa ko kung minsan, hehehe, sino kaya eka yung matandang lalake na yun sa bakuran namin....Ay naku, e wala tayong magagawa, TUMATANDA NA TAYO! Ang kainaman lang ay ang aking mga ngipin ay original pa ang karamihan, malaking bonus yun, kasi mahilig pa din aking kumain ng inihaw at nilagang mais! Mainam talaga medyo malusog syempre, ang pakiramdam ay okey lang at puede pang maki-paglaro sa mga apo, hehehe. Ang panahon nga ay napakabilis! Medyo babaguhin ko naman ng kaunti ang aking topic, kasi nakaka-depress namang masyado ang ating pinag-uusapan tungkol sa pagtanda, sa mga susunod na lang na mga kabanata yun...ayoko namang mag-madali!
Noong isang araw ay nagbabasa ako ng articles tungkol sa mga nakakatawang mga pangalan na ewan natin kung bakit ipinangalan ng ibang mga magulang sa kanilang mga anak. 'Di ba nung tayo ay mga bata pa ay meron din tayong pinagtatawanang mga pangalan? Unang-una, di ko kursanada ang aking buong pangalan kaya ok lang ang nickname pero hindi yung kumpleto! Iyong aking Lolo ay plano palang ipangalan yung naging pangalan ko para sa aking TATANG pero hindi niya ma-pronounce kaya nuong ako ay ma-ipanganak ay sa akin ipinangalan iyung akin naging pangalan, mahaba kasi eh...Ok, balik tayo sa mga nakakatawa at naiibang mga pangalan. Ang natatandaan ko ay nung bata pa ako at nag-babakasyon kami sa Taysan, Batangas ..dun sa aming Lolo at Lola...ay may isang batang babae dun na ang pangalan o palayaw ay ...hehehe..." MONAY" , ewan ko ko ganun parin ang tawag sa kanya pag bwisit ang asawa, hahaha! Seguro naman sana at hindi na..hehehe! Ok, syempre, ayoko namang sabihin ang mga palayaw ko sa dati kong mga teachers at classmates, hahaha, ok, ok, isa lang sa HIGH SCHOOL, eh tiyak na maalala nung mga dati kong classmates, ready? """ BOKYA""", hahahaha...ok, ok, tama na at baka ako ay mabuntal na!
Economics teacher siya, palaging humihingal dahil sa taba..hehehe...ok, sobra naman ako...hahahahahaha!
Ok, naririto ang mga listahan ng nakakatawa at naiibang mga pangalan, apelyido at palayaw:
1. Dalisay
2. Ligaya
3. Luningning
4. Guinhawa
5. Bagsik
6. Catapang
7. Catacutan
8. Tatlong Hari
9. Dimagiba
10. Demakakibo
11. Achuelas
12. Palicpic
13. Carungcong
14. Oso
15. Luga
16. Bala
17. Mamaril  ( Totoo ito, ikinasal siya kay Ms. Bala--kaya naging MAMARIL_BALA nuptial )
18. Pante    ( Ewan ko kung mga connection sa ikinasal na MAMARIL-BALA itanong natin)
19. TEDDY BALA...( Ikinasal kay HASMIN BARIL ...)
20. SAUDI-IMPAKTO   ( Apelyido )
21. Tuklao Mangahas     ( Parang hindi namang romantic ano? )
22. Ilaw Liwanag
23. Tina Lupan    ( Ewan ko kung ano ang naging trabaho niya? )
24. Dildo    ( Sa EAT BULAGA )
Eto pa ang sangkatutak ng mga palayaw: Chukoy, Buknoy, Potpot, Tikang, Mering, Langga, Intoy, Loloy, Poknat, Bokbok, Kulasa, Pokwang, Turokmoy, Bolantoy, Betchay, Pipay, Pipoy, Basting, Abnoy, Quimpo, Bulunggoy, Pepot, Betwang, Tongkay, Bentong, Badidoy, Longkoy, Putol ( dati kong kapitbahay sa San Jose)
Bonus na Tsinoy names:
Andy Lim-----( ipinanganak sa gabi)
Kenneth Sy.....( ipinanganak na bulag)
Bob Uy.......( medyo mataba )
Kathy Ting...( medyo payat )
Malou Wang ...( maraming anak? )
Eva Yan.......( Naiiba talaga siya)
Bill Lee.......( Negosyante talaga)
Lino Co.......( Di ganong marunong)
Dinah Lily Go...( Huwag ninyong ligawan #1)
Tina Go............( Huwag ninyong ligawan #2)
Otto Tin............( Huwag ninyong lalapitan)
Ok, marami na akong nabwisit ngayon, kaya tama na yan, hahaha!!! Huwag mapipikon naman, BIRO LANG ITO!!!    Babay!!!!

Monday, January 23, 2012

OK NA MGA BIRO



 1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi palaging may ginagawa sya at hindi nya ako kagaya na palaging may iniisip na kagaguhan at mga nakakatawang jokes, at least, sa aking palagay ay " nakakatawa". Ang kanyang trabaho ay manahi ng mga gamit ng kabayo na humihila sa mga kalesa o karitela noong mga panahon sa iyon sa 1950's. Ako ay katulong niyang manahi ( Weekends) ng mga gurnasyon na gamit nga sa mga kabayo. Mabalik tayo sa kanyang kwento. Kung bakit iyun ilang ang aking natatandaan kasi nga ay ako ang jokester sa bahay namin. Ganito ang kwento ni Tatang sa akin: " Mayron daw na isang bata na may ginawang masama e nahuli ng Tatay nya kaya nagalit sa anak at pinangaralan. Anak, hindi maganda yung ginawa mo, masama yun. Akala ko ay nakikinig ka sa iyung mga magulang. Kami ay nagsisikap at nagtratrabaho ng mahirap para likaw ay mapalaki at maging desente ang iyong kinabukasan. Tatandaan mo naman sana anak ang aking sinasabi kasi ay para ito sa iyo at hindi para sa iyong magulang" Siner-monan talaga nung Tatay ang kanyang anak na nakaupo sa isang silya at tahimik na tahimik na nakayuko at walang kibo. Ang kanyang mga labi ay bumubulong habang patuloy sa pag-sesermon ang kanyang ama. Pagkaraan ng mga 15 minuto ay huminto na ang kanyang Tatay at medyo naawa sa kanyang anak na napaka-tahimik nga at nakayuko at patuloy pa rin ang mahinang pagbulong. Ang kanyang Tatay ay halos maiyak sa awa sa anak." Anak, huwag mo naman gaanong damdamin ang aking sermon, iyon naman at talagang para sa iyo at gusto kitang turuan ng leksyon, naiintindahan mo naman ang aking sinasabi, di ba? ....pssssssst, sabi ng anak, 1,200, 1201, 1202....Tatay ang dami palang langgam dito !!! "( Nabigla ako sa punchline kasi nga ay hindi mahilig magbiro ang aking Tatang, palangiti sya at mabait . Sa aking palagay ay nakakatawa ang biro nya...hangga ngayon. Ang aking Tatang ay kinuha ng Diyos noong 1980...R.I.P. ).
                                                                   *******************
2. Ang ikalawang kwentong-biro ko ay nabasa ko lang at ibig kong mabasa ninyo. Sa loob ng simbahan sa Quiapo, isang batang pulubi ay mataimtim na nanalangin sa Diyos.
Pulubing bata: " Panginoon ko, maari po bang bigyan ninyo ako ng 20 pesos dahil gutom na gutom po akong talaga. Dalawang araw na po akong hindi kumakain at kayo na lang po ang aking huling mahihingan ng tulong". Narinig siya ng isang Manila Pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng 10 pesos at inabot sa bata at ito ang sinabi: " Totoy, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito na galing sa DIYOS at ibili mo ng pagkain ". Tumingala ang bata sa Manila Pulis, kinuha nya ang 10 pesos at muling yumuko para manalangin: " Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli huwag na ninyong paraanin pa sa Pulis, kasi malaki na ang bawas!".
                                                                ********************
3. Tindera: " Hoy, kahit nagtitinda lang ako ng buko juice dito ay may mga anak ako sa UP, UST, UC, Mapua at UC. Estudyanteng parokyano: " O, WOW naman, ano ho ang mga courses nila?". Tindera: " Walang courses, nagtitinda rin sila ng buko juice! "
                                                               ************************

Mr: " Kung hindi sa pera ko hindi ka makakatira sa ganitong kalaking bahay".
Mrs: " Kung hind rin dahil sa pera mo, wala rin ako dito!"
                                                               ************************
5. Bago mamatay si Mister Wong ay isa-isa nyang tinawag ang kanyang pamilya.
Mr. Wong: " Akyen junior anyan ba?
Junior: " Dito po! "
Mr. Wong: " Akyen panganay andyan ba?"
Panganay: "' Dito po!"
Mr. Wong: " Akyen anak babae, andyan ba?"
Anak na babae: " Dito po! "
Mr. Wong: " Akyen asawa, andyan ba?"
Asawa: " Dear, andito ako!"
Mr. Wong na galit: " Walanghiya kayo, dito kayo lahat? WALA TAO TINDAHAN!"
                                                            **************************
Mr: " Ako ay malapit nang mamatay. Ipagtapat mo na sa akin kung sino ang ama ng bunso natin dahil siya lang ang pangit sa siyam nating anak"
Mrs:" Huwag kang galit! Siya lang ang tunay mong ANAK! "
                                                             ***************************
Mrs, tuwang-tuwa: " Honey, mag-empake ka na, nanalo ako sa Lotto ng P50 milyon!"
Mr. na tambay: " Wow, galing ano ang dadalhin ko?"
Mrs,tuwang-tuwa pa rin syempre" " Wala akong pakialam, basta lumayas ka na! "
                                                             ****************************
Isang lalaki na dahil sa aksidente ay na-opera kaya walang mga kamay. Siya ay sinusundan ng isang lalaki din. Napansin ng sumusunod na lalaki na itong walang kamay ay malalakas ang mga hakbang at pakembot-kembot ang lakad, kembor dito, kembot dun! Kaya nagtaka ang sumusunod na lalaki kaya tinawag yung sinusundan niya" Hoy, bilib ako sa yo, kahit wala kang kamay ay nakakasayaw ka pa at parang bale wala sa yo yan! .Sumagot ang lalaking walang kamay" Hoy gago ka, kung ikaw ay may  puwit na nagkakati at wala kang kamay, ay ganito lang ang magagawa mo, kumenbot!".
                                                           ****************************
Iyan ang kainaman sa mga Pinoy. Kahit na may kahirapan sa buhay at maraming mga pang-araw araw na problema ay nakukuha pa ring mag-siste at makipagbiruan sa isa't-isa. Mapapansin kaagad ng mga nagbabaksyong mga taga-ibang bansa ang mga ngiti at tawa ng pangkaraniwang mamamayang Pinoy sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. Ang tawanan sa kabila ng tunay na kahirapan at paghihikahos ay tunay na tunay na hahangngaan na mga bagong dating sa Pilipinas.Ang ating kaugaliang mahilig sa tawanan at biruan ay isang katangngiang maipag-mamalaki ko! Salamat Po at sa susunod na kabanata uli, BABAY!!!
OO nga pala, narinig na ba ninyo yung kwento tungkol sa.......ay teka , magluluto na nga pala ako ng inihaw na tuyo at pusit...hmmm, kailangan nga pala ang toyo, bawang, sibuyas....
                                                                        




         

Friday, January 20, 2012

20 NAKAKABWISIT


Ay sa wakas , masasabi ko ang unang 20 bagay na kinabubuwisitan ko, Eh mainam na yun para alam ninyo. Seguro naman ay yung iba ay maiintidahan ang aking reklamo! Eto mag-umpisa na tayo.
1. Yung mga may-anak na maiingay at walang kontrol yung mga " magulang" lalo pag nasa restaurant. Ano ba akala ninyo, bahay ninyo yun? Komo ba nagbabayad kayo ay pababayaan ninyong mag-ingay, magmaktol, magtakbuhan yung mga tsonggong anak o apo ninyo? Cute daw ang mga gonggong na mga bata, e dapat e batukan yung mga " magulang o nagkukunsinteng mga Lolo at Lola"...paano naman yung ibang nagbabayad din at ibig kumain ng tahimik sa kanilang mga upuan? 
2. Yung mga maiingay at mahilig mag-usap sa loob ng cine/movie theatres! Bakit ba duon kayo magpupunta at maghuhuntahan habang may show? Mag-rent kayo ng video kung iyun ang balak ninyo, mga gagong tao! Hhahaha...putris ..nakakabwisit talaga yun!
3. Yung mga kinumbida mo ay isang oras o mahigit pa huli sa oras e ni hindi tumawag  sa iyo para malaman mo kung na-aksidente sila ( Sana nga , hahaha! ) o ano man ang nangyari. E kapag ganun ang ginawa ninyo sa akin na walang tawag o explanation e sorry na lang,  wala ng ulitan ang kumbida sa inyo, hahaha!
4. Mga mayayabang na tao kasi ay " Mayaman at Maraming Pera". Alam na ninyo kung sino sila. No need to explain this.
5. Mga mayayabang na "WALA NAMANG PERA", ewan ko kung sino ang mas grabe, kayo na ang bahalang magpasya,
6. Mga taong mahilig magsasalita at tatawa habang kumakain at punong-puno ang bibig ng kanilang kinakain, ano ba mga biik o kulig ba ang mga katabi ninyo?
7. Mga taong kinumbida mo at RSVP, binigyan mo ng reasonable na panahon para sumagot e di man lang nakaisip na sagutin ka , tapos bigla na lang dadating sa party mo e wala namang space. Ano gagawin mo? "E , pare/mare eka e nalimutan ko eh."..ayun...problema na di dapat maging problema kasi walang consideration, hahaha...parang ikaw pa ang may kasalanan sa huli...
8. Mga taong may amoy at grabelalo na kung anghit pa! Ewan ko, seguro hindi naamoy yung sarili o kaya yung asawa ay sanay na sa amoy o mas grabe ay parehong may anghit yung mag-asawa, ano gagawin mo pagkausap mo? Magwari-warian na mabango sila?? Hhehehe, mahirap namang magkunwari ng matagal kasi kailangan mo ring huminga pagkaraan ng ilang minuto, di ba?             9. Maiingay at palaging nag-aaway na mga kapitbahay. Ay problema talaga at tunay na bwisit sa buhay iyan. Mahirap ang solution ano?
10. Mga sinungaling na tao. Ay naku, nakakainis talaga ang mga sinungaling na tao...wala na akong idadagdag dito..
11. Mga taong ang palaging sinisisi sa kanilang problema ay ang ibang tao, yung asawa nila, mga kapatid, kamag-anak, yung gubyerno, lahat halos basta hindi SILA...
12. Mga drivers na mahilig sa maingay na stereo sa kanilang radio lalo na kung mainit at bukas lahat ang kanilang bintana sa kotse...
13. Mga bastos na tao, lalo na yung ang akala ay SILA lang ang may karapatan sa highway, mahilig lumusot sa ibang driver na walang signal...mahilig pa sa tailgate...
14. Mga TAMAD na LALAKe. Ang karaniwan ang mga tambay lang at umaasa sa kanilang mga asawang maghikahos at mag-trabaho ...ibig kung batukan yung mga tamad na mga taong ganun kung minsan..
15. Yung mga taong sila lang ang palaging TAMA , mali yung iba palagi. Palaging expert sa ano mang topic wala kang panalo..
16. Mga taong walang consideration sa mga PUBLIC WASHROOMS, pagkagamit e ayaw o kinalilimutang mag-FLUSH, saksakan ng katamaran  e paano naman yung susunod na gagamit! Seguro ay taga kung  saang lupalop nanggaling yun at ganun kaya sila sa kanilang BAHAY???
17. Mga taong palaging may problema sa buhay na mas grabe sa lahat. Lahat naman tayo ay may problema sa buhay , di ba? Yung iba ay palaging dumadaing na ang kanilang PROBLEMA ang pinaka mabigat sa lahat..kaya kaawaan mo sila ng husto kasi SILA lang ang may ganuong kalaking problema...yun ang gustong marinig...
18.  Mga taong mahilig palaging " humingi" ng tulong o favor. Parang bang may "sign" ka sa labas ng bahay mo na " TUTULONG AKO PALAGI KAYA PASOK KA NA SA LOOB"..kahit ano na lang ay sa iyo ang takbuhan...e wala namang balikan para sa iyo...puro lang sa kanila..
19.  Mga taong mahilig lang na mag-uutos sa iba lalo na sa kanilang mga ASAWA, parang mga hari o prinsipe ..akala kasi ay maraming oras na walang ginagawa yung pobreng mga asawa nila...
20. Ay bwisit na talaga ako, buti't ito na lang ang kahuli-hulihan, hahaha, marami pa nga eh , sa susunod uli...ok, ito ang kahuli-hulihang kinabubuwisitan ko : Mga LASENGGONG walang trabaho at walang balak na magtrabaho , mahilig pang mag-sigarilyo, gumawa ng maraming anak , basag-ulero pa...BWISIT TALAGA AKO....
Tama na nga yan, ano, baka magka-alta presyon lang ako....HEHEHE, BIRO LANG PO, lahat ito, BIRONG_TOTOO..sana naman ay yung ibang GUILTY sa mga sinabi ko ay magbago ng konti, kahit konti, pakonti-konti lang muna....O , SIGE na, at BAKA MABWISIT PA AKONG LALO. hahahaha....BABAY NA LANG!!! Sa susunod uli!!



Thursday, January 19, 2012

KWENTONG PINOY



Napapansn ko palagi na ang karaniwan o halos yata lahat na mga Pilipino ay nabibighani sa mga kaakit-akit o madali't sabi ay magagandang tao, babe o lalaki. Halos lahat ay  ang unang sasabihin kapag may nakitang bagong kakilala o kung sino mang bagong mukha ay ito: " Oy ang ganda nung babae ano, parang ARTISTA, o pag lalaki ay : " Ang POGI naman, parang si BRAD PITT, ang GWAPO-GWAPO". Di ba?
Assuming na totoo iyun syempre mayroon tayong idea kung ano o sino ang  sa palagay natin ay classified na "MAGANDA" o "GWAPO". Ay, ito ang aking topic ngayon. Kaya nag-researched ako ng kunti..( isang oras lang naman, hehehe...) at ito ang aking nakita sa internet tungkol  sa bagay na ito. Una nga pala ay naghirap ako ng kaunti na matandaan ang translation ng maraming mga salitang Tagalog na matagal ko ng hindi nagagamit o naaalala buti nga at itong Internet ay talagang malaking tulong sa akin.
                          ALAMAT NA TAGALOG  ( MITOLOHIYANG PILIPINO )
                                                      SI MALAKAS AT SI MAGANDA

Nuong kauna-unahang panahon, si BATHALA ay katatapos lang na gawin ang mundo. Pagkaraan ng ilang araw ay napansin NIYA na napaka tahimik duon sa ibaba  sa mundo. Ang naririnig lang NIYA ay mga ingay at awitan ng mga ibon at iba pang mga hayop sa kagubatan. Nagpadala siya ng isang higanteng ibon para maggala sa mundo. Lumipad ng paligid-ligid at paikot-ikot ang higanteng ibon . Habang umiikot siya ay biglang nakarinig ng mga tunog, ingay at mga katokan duon sa kagubatan. Bumaba ang ibon at hinanap ang pinagmumulan ng tunog at katok. Nanggagaling pala iyun sa isang higanteng punong kawayan. Kaya nag-umpisang butasin ng higanteng ibon ang kawayan sa pamamagitan ng kanyang tuka. ( Ok, hindi ito "X-rated"...kaya huwag kayong magsumbong, mahirap i-translate kasi eh..hehehe). Pagkaraan ng ilang minuto ay biglang nabiyak ang kawayan at isang gwapong lalaki ang lumabas mula duon sa loob ng higanteng kawayan. Ang kanyang pangalan ay si MALAKAS. Sinabi ni Malakas sa higanteng ibon: " Ang aking mahal na IROG ( Ewan ko kung medyo  may dugong Hapones si Malakas, di nabanggit eh..) ay nasa loob din ng isang bahagi nung kawayan. Kaya pinagtulungan nilang dalawang biyakin ( once again hindi ito " X-rated", ano..) yung kalahati ng natitirang kawayan at hinila iyung babaeng nasa loob at sa wakas ay nakalabas siya. Ang kanyang pangalan ay si MAGANDA! Sumakay silang dalawa, Si MAGANDA at MALAKAS, sa likod ng higanteng ibon at naglibot sa buong mundo. Pagkaraan ng ilang oras ay bumaba sila sa isang lugar sa lupa. Ang kaso lang ay kasi nga ay dalawang higante sila kaya ang kombinasyon ng kanilang pinag-samang bigat ay nagkaumpisang maghiwalayan ang lupa sa dating isang buong Pilipinas at nagka-pirapiraso sa maraming mga isla (7,100+) . Si MALAKAS at si MAGANDA ay nabuhay ng matagal at pinagmulan ng milyon-milyon at taksan-taksang mga anak at tinawag ng PILIPINO. Ayun pala, kaya pala ang mga Pilipino ay mahilig at gustong-gusto ang mga POGI AT MAGAGANDANG BABAE....kahit pala ang ating mga ninuno ay mahilig sa mga 'gandang ( pangit) babae at lalaki. Ganun pala at ito ang pinag-mulan sa pagkakaakit at pagkakabighani ( Ang galing nung tagalog ano, hehehe) sa GWAPO AT MAGANDA.
                                                                            *******
                                           IBA PANG KWENTONG BAYAN AT ALAMAT

Halos nakalimutan ko na rin ang mga kinatatakutang kwento nuong ako ay bata pa. Ang problema nga lang ay hindi ako naniniwala kahit nuong bata pa ako kaya walang apekto sa akin ang mga alamat at kwentong bayan na babanggitin ko. Ang unang-una ay ASUWANG. Ewan ko kung bakit palaging BABAE ang suspect na ASUWANG. Ang karaniwang lugar nito ay sa malayong probinsya. Kalahating katawan lang naman hanggang bewang lang at may pakpak pa yun. Ang karaniwang naggagawa nitong ASUWANG ay magkakasakit ka galing sa kanya, o mas grabe ay puede kang matepok nun, sa mga kagubatan sa gabi ay siya ang pinag-mumulan ng misteryosong ingay o tunog. Kaya ang mga bata at maski yung mga " matatanda" ay malaki ang takot dun sa ASUWANG. Lalo na kung madilim at ang bahay mo ay isang kubo duon sa malapit sa gubat..UUUUUU, nakakatakot..hehehe!
Ang ikalawa ay ang KAPRE. Duon sa Batangas ko unang narinig ang alamat na ito. Ang aking mga Tiyuhin duon, Tiyahin, Lolo,Lola ay naniniwala sa KAPRE. Iyon ay parang demonyo na nakatira sa ituktok ng mataas na puno. Kung bakit ang description ay isang higanteng nagsisigarilyo ng isang malaking tabako ( tobacco pipe) pipa. Ewan ko kung Philipp Morris o Blue-Seal pero palagay ko'y local lang, walang pera syempre yung demonyo na yun, hehehe. Ang kainamam naman nitong KAPRE ay hindi siya nananakit o pumapatay ng tao. Ang hilig nitong gagong higante na ito ay manakot lang ng konti, takot-biro lang ang gagawin sa mga taong makukursunadahan o magugustuhan. Masiste naman pala ang demonyo na ito kaya pala mahilig sa pipa at tabako!
TIKBALANG...ang kakaibahan nito ay kalahati nung katawan niya ay kabayo at ang ulo at katawan hanggang bewang ay sa TAO. (E tiyak na mayaman ito kasi mahusay sya sa daily-double..) Dun sa talagang malayong lugar nakatira at nagtatago itong si TIKBALANG. Mahilig itong manakot sa mga naglalakbay na tao lalo na iyung bago lang dating sa lugar niya.( Balik-bayan , ingat ka lang) Ang gusto niya ay dahil sa takot ay mawala sa gubat iyung magiging biktima, lalo na nga at madilim sa gabi! At OO nga pala, pwede siyang maging parang TAO o maging invisible...matatakot ka nga kung biglang may lumitaw na ganun sa gitna ng daan sa gabi lalo na't walang tricycle o jeepney sa lugar na yun..INANG KO PO!!!! Hehehehe...kwentong bayan lang naman kaya maraming hindi naniniwala ma-pwera yung ilan na talagang paniwalang-paniwala sila sa TIKBALANG....
SIRENA....ito ay isang Alamat tungkol sa kalahating isda sa ibaba ng bewang at sa itaas ay katawan ng BABAE, ang karaniwang gusto nitong ma -hypnotize ay mga mangingisdang mga lalake. Ang karaniwan namang kasing mangingisda ay mga lalaki . Maganda daw ang boses ng mga SERENA ,( ewan ko lang kung sila ang naging inspirasyon ng KAREOKE, mag-reresearch ako para duon)..kaya ang nangyayari ay dahil nga nagagandahan sa boses nung SERENA ay ayun, nawawala yung mga pobreng mangingisda at iyung iba ay naliligaw sa ibang lugar na intsik yata ang mga salita o Hapones, kawawa naman..hehehe...
Ang dami rin nga palang mga ALAMAT, KWENTONG BAYAN at MITOLOHIYANG PILIPINO ano? Syempre tiyak na sa mga ibang probinsya sa atin ay may -ibang version at kwentong nakakatakot. OK, nasaan ba ang aking flashlight at balak kung pumunta sa duluhan...wooooooooo.....
                                                            ****************




Wednesday, January 18, 2012

UGALING PINOY

Kaya mo nga pala mapapansin ang pagkakaiba ng kultura sa Pilipinas at sa ibang bansa ay kung ikaw ay mapunta o ma-destino sa isang malayong bansa  at makatira duon ng maraming taon. Ang karaniwang napupunta sa ibang bansa ay magtratrabaho at magsisikap bago maka-ipon ng husto at saka magplalano kung ano ang mainam sa buhay nila. Kaya ang mangyayari ay sa haba ng panahon na nawala sa atin ay syempre, masasanay ka sa kultura at kalakaran ng bagong bansa mong pinagtratrabahuhan. Ang maraming mga umaalis sa Pilipinas ay karaniwang napupunta sa America, Canada , Europe, etc.as immigrants. Iba syempre ang OFW or other contract workers kasi hindi pa permanente  kundi contract nga lang ma pwera masuertehan at maging permanente pagkaraan ng ilang taon. Ang mga bagay na naiiba nga sa atin vs. sa ibang bansa ay ito, base sa aking observation:
1. Ate o Kuya: Ang tawag sa iyo kapag mas matanda ka sa kumakausap sa iyo. Ibig sabihin ay ni-rerespeto ka at walang kinalaman kung may relasyon ka o wala. Kaya kahit hindi mo kamag-anak ay KUYA o ATe ang tawag sa iyo. Mainam na marinig yun kesa ' HOY", hehehe.
2. Pasalubong: E talagang ganuon ang expectation sa dumadalaw o balik-bayan dating sa atin. Kasi iyun ay naging parte na ng kaugalian sa Pilipinas. Ang kaso lang syempre ay sangkatutak ang mga kamag-anak ng pangkaraniwang Pinoy kaya imposibleng mabigyan mo ng pasalubong ang lahat na dadatnan mo sa iyong pupuntahan. Syempre may hinanakit o " masasaktan" ung iba na walang makukuhang pasalubong. Iba naman syempre kung pepe-rahin kasi naman iyung ibang mga kamag-anak ay "nagsasamantala" din kung minsan, Di ba? Hhahaha...Kaya nga mas mainam ay iwasan ang pagpasyal sa atin sa Christmas time, kasi baka ma-bankcrupt ka, hehehe!
3.Tanggalin ang sapatos , sandals o ano mang footwear: Yun nga pala ano? Kahit nga pala saan sa atin ay pagnapunta sa ibang bahay ay yun ang unang-unang gagawin. Ang kahirapan lang ay kung " mamahalin" yung sapatos o sandals mo ay nenerbyosin ka din syempre lalo't bago pa, syempre, more than likely, kapag nag-balikbayan ka sa atin ay medyo bago ang isusuot mo o dadalhing footwear sa atin, kung minsan ay may magnanakaw o masamang tao na baka makursunadahan yung suot mo!
4. Mano Po : Nabanggit ko itong custom na ito sa isang kong posting. Gusto ko ito kasi mainam na kaugalian lalo na kung Foreigner ang magmamano sa mga Elderly na Pinoy! Matutuwa talaga sila kasi hindi nila aakalain na yung mga Puti at matataas na taga-ibang bansa ay mamanuhan sila! Kahit nga kung minsan, lalo na sa maraming probinsya kahit hindi mo kamag-anak ay yung mga kabataan ay magmamano sa iyo lalo na at hapon na o medyo gabi na. Ibig sabihin ay they respect you!
5. Probinsya: Ang mga lugar na hindi centro kagaya ng Manila, Quezon City or major areas e ang tawag ay Probinsya. Sa bandang Mindanao, Cebu, etc..o " malalayong " lugar na hindi ciudad ay tinatawag na probinsya. Nuong bata pa ako ay kapag sinabing probinsya ay ibig sabihin ay hindi sophisticated at medyo " mababa" ang tingin nung taga-" Maynila", hahaha. di ba? Taga-probinsya lang eka kami, may connotation na "mahirap lang". Yun kasi ang nakasanayan sa atin nuong mga panahon na iyon. Syempre, medyo yata na-iiba na ngayon. Unang-una nga ay maganda na ang mga daan sa atin, halos lahat ay may-cell-phone, kaya nga ang tawag ko duon ay " The Great Equalizer" for good reasons. Yun nga eh, namimiss ko nga ang old-fashioned na Karinderya sa atin, kasi ang uso na ay junk food, MacDonald, Pizza, Burger joints nga kulob saan. Kaya slowly ay naiiba na ang connotation ng salitang PROBINSYA...hindi na halos second-rate di kagaya nuong bata pa ako. Somehow ay gusto ko na maging dati ang tradition sa Probinsya kasi nga ay maraming mga tradition lalo na sa mga pagkain ay nagiging Westernized...e masama naman sa katawan ang Western food, alam nyo na, Cholesterol etc.
6.Pagkain, handa, kakanin: Ang isang kaugalian na mga Pilipino syempre ay mahilig syempre sa kainan..maghati at magbigayan--Food Sharing...kaya kahit anong occasion ay may handaan, kainan...at yun nga , tradition sa atin na hindi mawawala! Ewan ko kung ganun parin pag -fiesta sa atin. Ang natatandaan ko ay iyung ibang mga tao ay mag-iipon ng isang taon at gagastusin yung na-ipon pagnag-fiesta na. Ewan ko kung ganun pa rin sa ibang lugar sa atin. Seguro ay naiba na ng kunti dahil nga sa kahirapan at kamahalan ng bilihin sa atin. Pero, generally, ay may " handa" pa rin syempre seguro lang ay sa "malalapit" na mga kamag-anak na lang.
7.Ang kumustahan at Paalaman: Ang unang-una syempre itatanong pagdating ng isang "bwisita" ,hehe,ay " kumain ka na ba?" At syempre kung aalis ka sa isang bahay na dinalaw ay kailangang "mag-paalam ka sa may-bahay. Kasi ibig sabihin ay "walang galang eka o mas grabe ay bastos" eka kung hindi ka magpapaalam sa dinatnan mo at sa iiwanan. Kaya syempre kahit maysakit yung iba ay mag-papalam kadin sa kanila as a sign of respect ...ganun ang expected at saka the right thing to do sa ating Pilipinas.
Naiiba na ng kunti ang tradisyon sa Pilipinas kasi nga ay ang mga karamihan sa ating mga kabataan dun ay nasasanay na sa movies, tv shows, video na galing sa America o abroad. Napapansin ko na nawawala na ang mga punto sa mga probinsya kasi ay halos lahat ng mga younger generation ay gustong maging Westernized, mga Kano or foreign accent...isang malaking pagbabago ang mangyayari sa mga dadaang panahon....Ano nga kaya ang mangyayari sa susunod na 20 years???  Salamat po at sa susunod na kabanata uli...BABAY! Ayun nagpaalam ako at hindi nalimutan....!!!

Tuesday, January 17, 2012

HIGH SCHOOL REUNION

Wow, ang tagal na nga pala nuong 1965! Putris, naging teen-ager din nga pala ako ...matagal ng kasing nangyari  at saka parang pangarap na nga lang yung mga panahon na iyon. Ang palaki kasi sa akin ay puro aral kasi kaya hindi naman talaga ako -nag-enjoy sa aking high school days! Bihira lang ang aking mga naging tunay na kaibigan nun. Syempre mga kunting kakilala lang. Palagay ko'y mga tatlo lang ang aking talagang mga naging kaibigan. Eh alam naman nila kung sino SILA, ang aking iniisip na TUNAY NA KAIBIGAN, hehehe! Nuon kasi ay ni wala akong kaibigang babae kasi ay bilin syempre at hatol sa aming magkakapatid ay walang ligawan, o usapan sa mga chicks,hehehe o manliligaw dun sa aking apat na kapatid na babae. Ano magagawa mo e talagang ganuon ang palaki sa amin. Ok lang yun, kasi ay Totoy lang naman ako noon, at least ay hindi naman tumutulo ang aking ilong nuon, hehehe! Ang kaso sa High School ko nuon ay ang basehan ng pagiging " marunong" ay mataas ang GRADE, iyon ang akala ng mga magulang at saka school administrators and Educators. E hindi naman ganuon ang real world. Porke ba mataas ang Grade or marks mo ay ibig sabihin ay "MARUNONG" ka na?? Hhehehe, sa aking palagay ay very narrow-minded yun kaya hindi ko nagustuhan ang sistema na iyon sa High School or even sa elementary din. Nakakalungkot kasi marami akong alam na may-ulo (at may -kaya sa ulodin yung marami kong classmates) pero somehow ang mga Grades ay hindi gusto na mga teachers, " mababa daw", kaya hindi " marurunong", anong kagaguhan iyun?, hahaha! Kaya ang ginawa ay may nalipat  section A, B, etc...Eh syempre , ang competition ay grabe kaya that's one reason na hindi ko nagustuhan ang method. Overall nga ay ang masasabi ko ay iyong pwedeng makapunta sa Reunion ay pumunta at iyong ayaw, for whatever reason, ay pabayaan sila. Ako ay hindi balak mag-attend. Unang-una ay nagpapasalamat ako sa Facebook at nagka-reconnected uli ako sa ilang mga dating classmates sa high school ko. Alam ko kung ano ang naging buhay nila , more or less, may mga apo na, asawa, iyung iba ay nailibing na at wala na dito sa mundo...sana ay sa medyo huwag sa mainit na lugar naman napunta yung iba, biro lang po, huwag pikon!!! Hheh...Syempre ang mangyayari ay balitaan sa lipunan ( tama ba yun?) pag nasa -Reunion na. Ang gusto ko talagang marinig kung ako ay nanduon ay ito: " Ay pare/mare ko, putris , kumusta ka na? Ang tagal na tayong di nagkita, putris ano nangyari sa iyo, ang healthy mo, ang taba-taba mo ngayon!!! Hhehehe..kumusta yung panganay mo? Nakakulong pa ba sa Munting-lupa? Ang huling balita ko ay addict si JoJo at drug-dealer ang lintek na yun? Eh ano, nakalabas na ba?...Yung kumpare niya sumagot: " Eh di pa nakakalabas pare, yung gago na yun eh sobra talaga kalokohan ewan ko ba kung saan sya nagmana! Ay putris sakit ulo nga eh? O, ikaw naman kumusta ba buhay mo sa States ka ba o Canada, di ko na matandaan eh?   ...sagot sa kanya.." Ok, lang, e -eto nga at sampu na aking mga apo at awa naman ng Diyos ay walang nakakulong..sana ay maging successful lahat ang aking mga apo ...marurunong nga silang lahat eh, magna cum laude at naging mga doktor, engineer, nurse, etc. etc. etc.., " hehehehe....Eh syempre lahat halos naman ay very proud sa accomplishment sa buhay...ang ayoko lang syempreng marinig ay ang sobrang emphasis sa kayamanan at materyalismo kasi di naman natin madadala  yun kayaman pag-natepok na tayo  duon sa ating final destination. Ang gusto kong marinig ay kung papaano tayo tumutulong at makakatulong sa less-fortunate..Amen!...Putris dapat talaga ay payagan na ng Papa na puede ng mag-asawa ang mga PARI eh di baka pumasok ako duon..syempre,,palalabasin kaagad ako bigla...hehehe. ...REJECT...babay , Waaaaah! Medyo syempre mahirap gawin itong "BULAG" na ito, very touchy pero, in all honesty, ito talaga ang aking nasasaloob at ako ay very honest at direct! Syempre, maraming maiinis sa akin dahil masyadong diretso ako pero AKO ito at hindi ako mahilig sa paikot-ikot. Ang alam ko ay very fair ako, matulungin sa kapwa tao at gusto ko lang ang simpleng buhay...parang tunog kandidato sa politika ang tunog ano? Hhehehe..ay tama na nga ang mga sistehan sa "Bulag" na ito...o sige at ..kailangan ko nang magluto ng hapunan??? Hhmmm, ano kaya ang puede kong lutuin ngayon????
                                                                  ********

Monday, January 16, 2012

10 WISHES BAGO MAMATAY

Ay nako, sino ba naman ay may gusto nito, hmmmm...pero pag-inisip mo nga ay sa gusto natin at sa hindi, sooner or later ay matetepok na tayo kaya habang may panahon pa ay pag-isipan ito, hehehe. Saan tayo mag-uumpisa? Kailangan talagang mag-isip tayo dito. Ang kaso lang ay ang isa kong kapatid e masyadong nerbyosa kaya puera siya dito. Yung iba rin na medyo takot mag-plano ng 10 wishes bago matepok e huwag na kayong sumali dito, ok? Ayoko namang sisihin ako dahil hindi kayo makakatulog sa nerbyos. Ok lang sa akin kasi may connection yata ako kahit sa ibaba at sa itaas, hahaha! Ito'y katuwaan lang naman kaya please don't email me some nasty comments! Don't read this "bulag" if you find it offensive, after all , I warned you in advance, hahaha! Natatandaan ko nga ang isang joke tungkol kay Satanas na ganito: Mayroon daw na natepok na Engineer at napunta dun sa impyerno. E nung na-interview ni Satanas sa office nya ay nag-suggest si Engineer na maglalagay sya ng mga air-con at jacussi sa office ni Satanas para di gaanong mainit. "Wow, OO nga ano", sabi ni SATA...( yun yata ang nickname ni Satanas, hehehe). Sa madali't sabi ay madaling natapos ang project kasi nga ay maraming mga trabahador dun si SATA. Ang foremen yata ay si Bin Ladin at Hitler kaya maraming takot na trabahador dun sa dalawang demonyo na yun. Eh ayun nga, ang laki ng ngiti ni SATA, kasi ang lamig na ng kanyang opisina at ang sarap ng pakiramdam sa jacussi, sa loob -loob nga ni SATA ay " seguro eka e ganito ang LANGIT, hahaha...oooops, napansin pala ito ng DIYOS dun sa itaas, kaya dumalaw siya sa pinto ng IMPYERNO: " HEY SATA, kumusta ka na ba? Putris, matagal ka ng nasa-loob, may-sakit ka ba? Eh syempre, very thoughful yung DIYOS kahit kay SATANAS ay worried sya, galing talaga ng DIYOS, bilib ako! Anyway, si SATA ay medyo nagmamalaki at syempre, nagyabang sa DIYOS, Hoy, ang lamig na dini sa loob kasi ay may magaling na Engineer na na-destino dini eh ayun naglagay ng mga AIRCON at JACUSSI! Eh sport naman si Sata kaya kinumbida niya yung DIYOS: "Kung gusto MO you can try it, subukan mo,DIYOS! Ay, medyo biglang NABWISIT yung DIYOS, " Ah hindi tama iyan, e kaya nga IMPYERNO ang tawag  e dapat nga ay MAINIT dyan, IDEDEMANDA KITA AT KUKUHA AKO NG MARAMING MAGAGALING NA ABOGADO!!!!   Ang lakas ng tawa ni SATANAS, hehehe," E PARENG DIYOS, , AY PROBLEMA YAN , KASI , DINI NA-DESTINO YUNG LAHAT NA NATEPOK NA ABOGADO, HAHAHAHAHA".....Anyway, e bakit ba dyan sa impyerno napunta yung aking topic? Pasensya na po. Balik tayo sa 10 last wishes bago matepok, ang galing ano, very educational at halos timely ang topic natin, hehe! Here is the list of the 10 Wishes ( Not necessarily in that order ) :
  1. Patawarin ang may atraso sa atin. Kung sino man yung may-atraso ay kalimutan na kasi para naman "malinis" na ang ating kalooban, total matetepok na tayo, let it go!
  2. Kainin na yung kahuli-hulihang pagkain na talagang gusto mong kainin for your last supper! Eh syempre, assuming na may lakas ka pang natitira at saka yung panlasa mo e medyo ok pa rin! Kaya yung mga exotic o hindi mo ma-pronounce na pagkain ay orderin mo na!
  3. Murahin mo na ang iyong pinaka-iinisan mong tao! Syempre, in reference to WISH NO. 1, pinatawad mo na naman e puede paring murahin kasi kung talagang walanghiya yun e he or she deserves it..halimbawa e bwisit ka ki IMELDA MARCOS , kasi maraming ninakaw yun sa Pinas, e this is your last and only chance to let her know how you really feel about her...hehehe..
  4. Mag-sky dive ka! Putris bakit ka matatakot ay matetepok ka naman, di ba? So why not go in STYLE? Yun pa nga, mag -dress to kill ka pa nga..hehehe..wippppeeeee....12,000 feet high...
  5. Kung talagang mahina ka na at you're hours from death, ibigay mo na lang yung other wish mo sa isa mong paboritong tao, seguro ay malapit na kaibigan, kamag-anak, o kung sino man ang talagang deserving nuon wish mo tutal naman matetepok ka na so let someone you really admire or love get the wish...by proxy!
  6. Isama mo yung loved one na pinili mo sa isang lugar na may special na meaning sa iyo, pilgrimage sa Jerusalem, Mecca, Rome, Sistine Chapel, etc...bago ka matepok special trip!
  7. Umakyat ka ng isang bundok...kung hindi kaya ay syempre puede ka namang samahan ng isang malakas ng tao or ride a wheelchair or even ride a gondola or hire a helicopter duon sa top of the mountain....enjoy the view, after all that would be your last!
  8. Mag-kareoke ka o mag-memorize or recite a favorite poem in front of your friends, relatives or a big crowd of strangers, e bakit ka mahihiya , this is your last chance! Wow, pretend na you're a Superstar! Hhehe..
  9. Prove to yourself na ang mundo ay talagang bilog! Go and travel sa North of Arctic Circle around the summer solstice, spend the night in a hot tub, medyo regulate the heat para di ka gaanong mainitan (save that heat dun sa impyerno sakaling dun ka ma-destino,,hehehe..biro lang.) and watch the sun circle above the horizon...
Ano ba ang last wish? Think of a really very special one that we have missed or omitted but this is another suggestion for the last wish: Pumunta ka sa isang very special na lugar na napanood mo sa video o movie na very special sa iyo. Suggestion : Bali-Hai, Dun sa setting nung Sound of Music sa Austria, Switzerland, African Safari, etc. Ok, kaya we will leave this BLANK until you decide...Thank you uli, kaya mag-umpisa na kayong mag-lista ng last 10 wishes, tumatanda na tayo, hehehe!!!  Babay for now!!!!!


Sunday, January 15, 2012

ANG BILIS NG PANAHON

Nakakagulat nga kung minsan kapag napapansin natin kung gaano kabilis dumaan ang mga oras, araw at mga taon! Ang lalong nakaka-shock nga eh sa umaga kapag nasa harap tayo ng salamin sa washroom, medyo mapipikit ka ng kunti at titingin ng kung ilang beses sa harap mo, pahid ang mga mata at titingin uli sa isang " matandang mukha" na nakatingin sa iyo. Kung minsan nga ay ibig mong batiin ng umaga po at ibig mo pa ngang mag-mano, e tapos, IKAW pala yung " matandang" tao na nasa harap mo!! Tapos, itatanong mo sa sarili mo, e talaga kayang ito ang mukha mo? Eh syempre, di mo naman masisi yung mga magulang mo kung bakit ganun ang hitsura mo! Ay naku, ano nga kaya kamo ang nangyari at nagkaganito ang mukha mo??? Okey lang sa mga babae kasi, alam  naman ninyo na ang mga kababaihan ay mga secret weapons against anti-aging! Eh samantalang ang majority ng mga lalaki ay very accepting sa ibinibigay ng Diyos or nature. Mapuera syempre yung ibang mga syoke, bakla at mga lalaking maseselan at daig pa ang mga babae kung minsan sa ka-artehan. Mahirap kasing isipin kung minsan, na tayo pala ay biglang tatanda at magkakaron ng rayuma, sakit sa likod, sakit sa tuhod, sakit sa halos lahat ng parte ng katawan at pinag-babawalan ng ating doctor na bawasan ang sobrang pagkain ng maraming asukal at sodium. E syempre, sanay syempre ang ating panlasa sa mga kakanin na maalat at matatamis. Ey, kamo, hindi masarap ang lasa nuong mga pagkaing very bland e pero syempre kailangang sundin ang payo at utos ng doktor para humaba pa ang ating buhay para iyong ating mga tamad na mga pamangkin at ibang kamag-anak ay makautang na walang bayaran..hehehe. Iyun nga ba ang tunay na dahilan?? Birong-totoo lang naman ito.. Ang kainaman naman ay after all these years, malusog pa din ako. Unang-una ay hindi naman kasi ako marunong uminom ng alak o beer. Paminsan-minsan lang seguro once every two years or so at hati pa kami nung Mrs. ko pag talagang mainit sa Summer. Kung minsan kasi ay nakukumbida kami dini sa lugar namin at kung isang beer lang na malamig at hati pa kami ay di naman gaanong "masama" yun, hehehe. At least e hindi kagaya ng marami sa atin sa Pilipinas , lalo na yung mga istambay na wala na ngang mga trabaho at naka-asa pa sa mga kawawang asawa at magulang nila. E ang mga paborito ngang mga Santo e si San Miguel nga lang... ( Ginebra at beer..San Miguel). Okey, okey ewan ko kung bakit ako napunta sa mga Santo, nasaan ba ko dati??? Nag-uulyanin na yata eh, another sign of Old Age, ay naku talaga. Sa aking palagay ay mas- apektado ang mga kababaihan sa kinatatakutan nila...PAGTANDA ...mas grabe ang nagiging pakiramdam nila kasi galon-galon ang mga nabibiling cream, cleansers, make-up , etc...na ipapahid sa mga pisngi , baba, mukha, ilong, sa batok man nga e walang ligtas, sa tuhod din, syempre yung mga kamay, daliri, sa madali't sabi ay ok lang sa mga asawa kasi syempre, gusto  naman namin yun. Kasi sino ba ang gustong makakita ng katabing mukha na kahawig ni Dracula, vampira, asuwang o kaya parang lukaret na bagong takas sa Mandaluyong?? Di ba? Kaya kahit kami mag-antay ng isang oras dun sa labas ng bathroom ay ok lang sa mga lalaki kasi nga e para din sa aming sanity yung ginagawa nung mga asawa, hahaha...kaya lang syempre e parang hindi magandang pakinggan, !! Pero pag- inisip mo rin nga ang mga nagagastos ng mga babae sa make-up at facial cream e nenerbyosin nga ang mga asawa lalo na kung sila ang magbabayad nuon, hehehe!!! But it's WORTH it nga, syempre kailangan naman nating maging DESENTE sa harap ng ibang mga tao, hahahaha!!! Eh, biro lang syempre ito, kaya huwag kayong magiging pikon, mahirap syempreng aminin kung minsan na tayo nga ay para ng prunes at mga natuyong gulay kasi TUMATANDA na nga tayo. That's why we coin the term AGING GRACEFULLY, hehehe..Somehow I don't have that problem of worrying how I look kasi iyun ang result ng natural aging and I am very accepting, wala sa aking hinanakit, e. I have enough self-confidence kasi ever since I can remember. Nagpapasalamat syempre ako at after all these years e, nakakapag-biro pa ako, nakakapasyal, nakakatakbo, ride a mountain bike, hike a  mountain, drive for hours, play badminton, etc. Wow, OO nga ano, it's a nice feeling na para paring bata ang aking pakiramdam so I can cope as to how I look. Forget the wrinkles , age spots and other signs of natural aging! Di ba? Natatandaan ko nga , way back in about 1957, there was a Japanese Sci-fi movie called " Tokyo 1960", napanood naming buong pamilya kasi  at that time our family went to the movies together. Sa lumang Gloria movie theatre  sa Baliaug. Anyway, sabi ko  sa sarili ko nuon , " Ay nako, ano nga kaya ang mangyayari sa 1960?" Para bang ang layo nuon pa from 1957 onward. And now here we are in 2012. May mga anak na grown-up at finally, magiging LOLO na ako this coming April, long time coming but it's finally COMING, kaya I'm very grateful na nga, retired at age 63, yun parin ang asawa after almost 36 years of marriage, hehehe, mabuti nga at hindi pa ako tinatapon sa Mandaluyong ( or similar Institution), SALAMAT PO NG MARAMI!!! I can't and have no reason to complain...hindi ba that's what life is supposed to be??? Iyun lang naman ang aking opinion, mag-pasalamat tayo sa ating Blessing, be nice to others, lubayan ang pagiging GREEDY at forget about materialism, putris dapat pala ay nag-PARI ako ( na may mistress, hahaha), ok, babay for now , until next time uli!!!!!

Friday, January 13, 2012

NAIIBA TALAGA ANG PINOY

Isipin  natin mo na  tayo ay isang foreigner na bagong dating sa Manila kasi ay may business connection ka gusto mong ma-areglo in person. Ok, kasi gusto mong mag-blend- in kaya after a day or two ay nag-decide kang mag-try ng jeepney ride for the first time. Mayron kang dalang Pinoy phrase book as your guide. Ang kaso eh wala sa phrase book itong maririnig mo sa loob ng jeepney. O, eto, isang pasahero ang gustong bumaba kaya sabi niya, "BABA!", kasi maingay sa loob ng jeep kaya ang jeepney driver ay tumingin sa pasahero at nagsabi: " BABABA BA?", yung pasahero ay kumindat , tumaas ang kilay , taas ulo at baba, at sumagot sa jeepney driver: "" BABABA ", ikaw naman ay at this moment is totally confused, " What in the LORD are they talking about?". OO nga ano, mahirap talaga kung minsan maintindihan kung papaano mag-communicate ang mga Pinoy. Kasi sanay tayo sa custom na yun, pakindat, turo ang lips up and down. Kaya halimbawang humingi ka ng direction, kung saan yung address, sa halip na ituro ng kamay ay gagamitin ang labi,duon po, turo ng labi sa direction o lugar! May kaibigan kasi akong ang asawa ay Pinay, Puti siya kaya maraming kuwento na pag-inisip mo nga ay kakaiba at pag-ikaw ay ibang Nasyon nga ay kung minsan ay sakit ulo o puedeng pag-umpisahan ng away! Ang karaniwang scenario lalo na ngayon ay sa internet dating service. Syempre, malimit at majority ng mga kaso ay mas me edad yung Puti at gusto syempre ay "mas batang asawa". Yung mga Pinay kasi ay balitang mainam na asawa for many reasons daw. Some are true, some are not so true, hehehe and some are just plain myth. Anyway, eto ang sabi niya sa akin. Resty eka akala ko'y may sunog sa kitchen niya isang hapon, kasi bagong kasal lang sila nun at "nagluluto" daw si bagong Mrs. niya eh biglang- biglang nag-alarm yung fire-alarm...ay sus, nag-iihaw pala ng daing sa stove at gusto nung Mrs. ay medyo sunog kaya ayun, ang daming aso...kaya syempre it set off the fire alarm...kaya yung kapit-bahay ay tumawag kaagad ng bumbero..malapit kasi sila sa Fire Department...And he continued telling his story, mahirap ekang espelengin yung bagong asawa kasi mahilig sumagot sa pamamagitan ng eyebrows at pointed lips at saka mga grunts at pssst. Eh ganun nga pala ang mga karaniwang mannerism ng mga Pilipino, ano? Tapos syempre, sanay sa regular na North American meals yung Puting asawa kaya he has to acquire his taste buds duon sa gusto nung bagong asawa niya ( his 3rd wife by the way). Bakit eka palaging sticky ang desserts at saka ang snacks ay palaging very salty?? Mahilig din yung bagong asawa niya ng prutas kaso lang ay sangkatutak na asin ang isinasabog duon sa ibabaw ng prutas lalo na kung mango fruit na hindi pa gaanong hinog! At syempre, bahong-baho siya sa amoy ng BAGOONG at PATIS, hehehe. Napapansin din niya na ang isa pang paborito nung asawa ay ketchup sa fried chicken eh iba ang LASA ng ketsup na galing sa atin kasi syempre gusto nung babae e sa Oriental Store bumili ng imported na ketsup from the Philippines. Ay naku nga naman! Saka hindi siya sanay sa asawa niya na mahilig mambarat sa Department store at palaging humihingi ng discount lalo na kung ang store clerk ay nakilalang Pinoy! Talaga nga namang totoo yun. Pag summer na, ay kasi kung minsan ay talagang mainit din dini sa aming lugar kaya gusto daw pumunta sa movies nung Mrs. niya e syempre, payag naman si lalaki eh kaso pala ay gusto lang pala ni babae yung air-con sa loob ng sine at hindi talaga yung palabas ang gusto! Hehehe, sa madali't sabi ay spoiled kaagad yung babae, hahaha! Okey, okey, hindi ako pumapanig sa kaibigan ko, I am just the messenger, so don't shoot me, ok? Ang talagang naiinis siya ay pag magpapasko na, ayun, iyung isang kapatid nung bagong asawa ay nagpapadala na isang mahabang listahan ng gift " suggestions" or pabilin o habilin ba tawag duon? Ang kaso eh mga dalawampu yata yung haba nung listahan, hehehe! OO nga pala ang favorite na hobby nung babae ay shopping, shopping , eating, mahilig sa fast food at syempre, siesta...ano nangyari dun sa internet description na mahilig sa cooking, house-cleaning .etc...hehehe...Syempre sooner or later ay dumalaw sa atin yung bagong mag-asawa, duon sa bandang Cebu somewhere, di pa dangkasi ako nakakapunta duon sa lupalop na yun kasi taga -Baliuag ako originally. Anyway, ayun, nalilito siya kasi taksan-taksan pala ang mga relatives nung asawa, alam na ninyo yun, ganun sa atin..libo-libo ang mga relasyon natin, walang magagawa at talagang ganuin eh! At halos magkaka-mukha ang mga babae, kung minsan nga ay hindi niya kaagad makilala kung sino ang talagang asawa niya kasi halos pareho ang mga hitsura nuong mga babae, pare-parehong mga maliit and the same heights kasi, hehe...lahat ay maiingay na magsalita, eh syempre GANUN sa atin! Syempre nga akala nila milyonaryo sila kasi nga ay PUTI siya at OO nga pala, kasi ang pangalan niya naging JOE! Lahat halos ng mga relatives dun ay JOE ang tawag sa kanya, hehehe. Eh Canadian naman at hindi KANO pero ganun ang term sa atin, JOE!!! Biglang naging Joe ang pobre! Ay pisteng utod nagka-bitog-bitog, hehehe! Ewan ko kung tama yun, sorry ano?? So ano, eto, mainam naman at sa huling balita ko ay magkasama pa rin yung dalawa, for how long ewan natin, isang kabanata uli iyon, ok lang sa aking BLOG, hehehe!!! Hmmm, nasaan ba yung MAFRAN sauce>> at saka yung PATIS, saan ko kaya naitago...???
                                                                      ********



Thursday, January 12, 2012

IBANG-IBA NA TALAGA

Nuong ako'y bata pa ay mahilig akong magbabasa ng mga American magazines and other English reading materials. Ang paborito ko noon ay Life Magazines and Reader's Digest. Natatandaan ko ang aking imagination sa mga description nuong mga kwento at adventures. Nasa isip ko lang iyun kasi mahirap lang kasi ang aming buhay noong mga panahon na yun. Ni wala kaming radio . Nagpupunta lang kami sa aming kapitbahay  sa labas ng bakuran nila at duon kami sa harap ng bahay nakikinig ng mga paboritong  radio programs. Syempre ang mga kabataan ngayon ay walang idea at matatawa lang tiyak sa aking kuwento. Unang -una, ngayon ay halos lahat ng mga tao sa Pilipinas , mahirap o mayaman ay may cell-phone! May mga TV , CD, Mp3, blu-ray, etc. kahit sa malayong sulok ng mga baryo o baranggay . Ang kainam lang nito ay naging Great Equalizer sa buong masa kasi ang cell phone ay affordable ng kahit sino sa Pilipinas. They can reach anyone at any given time, wow ang galing ano! Kahit basurero, balut-vendor, drug-dealer lalo, call-girls , (ewan ko kung ganun pa rin ang tawag sa "profession" na ito, hehe, ), tricycle drivers, jeepney operators, sa madalit sabi ay halos lahat nga ay may CELL-PHONES. Mapuera ako! I don't have one. Yung aking Mrs. ay mayron din pero pang-emergency lang namin iyun! Mabuti nga at ang aming cell plan ay $10.00/month lang pero naiipon ang mga hindi gamit na air-time! As a matter of fact, as of today, we have a balance of over $420.00 air-time kasi nga hindi mahilig si Mrs. na mag-text or magsayang ng oras sa cell-phone! That was the total accumulation for over 6 years...wala na syempre ganung cell-plan ngayon kaya  suerte ako at I negotiated 6 years ago fromTelus to have that "pay as you go" plan for as long as I want. Ibang-iba na nga ang naging buhay sa Pilipinas lalo na at bihira akong makadalaw sa dati kong bansa. Natatandaan ko nuong dumalaw kami sa aming mga relatives sa isang probinsya a few years ago. Ang youngest son ko ay very busy sa internet business nya kaya hindi sya nakasama kaya iyung panganay ko at ang aking Mrs. ang sumama. Duon kami nag-stay sa bahay nuong isang pinsan ko. Syempre, gusto namin sa bandang bukid, tahimik at medyo malinis ang hangin. Ang kunting problema lang ay ang katabi nuong bahay ay may babuyan pala kaya kahit may bakod na hollow blocks at medyo mataas ay syempre naamoy mo pa rin ang "dumi" nung baboy! Anyway, we didn't mind kasi talagang ganun ang situation ano magagawa mo? Magiging pihikan pa, sobra naman yun...hehehe. Be humble! Ang napansin naming tatlo ay walang naglalakad ng mga tao papunta sa palengke. Sa aming calculation ay mga 30 minutes or less lang na lakarin from where we were. Lahat halos ng mga tao duon ay tricyle ang gamit, nahihiyang maglakad! Anyway, kaming tatlo kahit na mainit ay naglakad papunta sa palengke. Mas na-enjoy namin ang mga tanawin, nakatipid pa ng pambayad sa tricycle pambili pa nga ng banana-cue at inihaw na mais , hehehe. Eh syempre, nagtataka yung mga tao , putris eka, ang kukunat naman eka naman ayaw mag-tricycle, hahaha! Ewan ko bakit nahihiyang maglakad ang karaniwang mga tao lalo na sa bukid e wala namang masyadong traffic na baka eka masagasaan ka kung naglalakad sa kalye, hehehe. Yung palaki ko sa aking mga anak even they though they were born in Canada ay tinuruan ko ang dalawa kong anak na to retain the Philippine tradition of paying respect to their elders. Nakakatawa nga kasi yung panganay ko ay 6'3 at tinuruan kong magmano sa mga long-lost relatives niya. E ang karaniwang height nung mga matatandang relatives ko sa probinsya ay mga 5'0-5'5, kaya tawanan sila at nabibigla kasi yung anak ko ay marunong magsalita ng " Mano po", hagikgikan sila pag nadinig nila sa matangkad na anak ko. Si Mrs. man ay kahit pano ay nasasabi ang " Mano Po", hahaha at syempre at 5'5 ay mas mataas sa mga minamanuhang mga tiyahin, tiyo at iba pang mga elderly relatives ko.
Tinuruan ko din silang kumain na gamit lang ang kamay...noong nasa Boracay kami ay duon sila nag-umpisang kumain ng kamay lang. Nagpunta kami kasi sa Kamayan Restaurant, hehehe, ang dami nga lang na mga kaning natapon muna kasi syempre, di nila alam kumain ng kamayan style. Ako man nga ay di naman sanay kasi lumaki din ako na ginamit ang kutsara sa pagkain. Pero, tawanan kami sa experience, mas masarap nga pala ang kamayan kasi I read that it was scientifically proven that food tastes better if you use your bare hands because the sensory perception from your brain through the fingers will trigger that yummy "taste" buds in your tongue...ay ayun, kaya pala yung ating mga forefathers ay masarap kumain kahit bagoong lang at sibuyas, kamatis.bawang at luya..putris, kakanta na yata ako ng BAHAY-KUBO...kareoke...hehehe...Speaking of Kareoke, hahaha..compulsory nga pala yung Kareoke sa atin ano? Kahit sintunado at hindi marunong kumanta ay obligado nga palang mag-kareoke ang mga bwisita sa atin, ano? Ang kaso nga ay sintunado si Mrs. kaya kahit magbangunan ang mga patay sa simenteryo ay kung bakit pinupwersa ang mga bwisita na kumanta, hahaha! Kaya syempre out of courtesy ay pumapayag na din siya!!! Hhehehe...ok lang naman sa akin kasi sanay naman akong dumali ng kunti, hahaha! Kahit nga pam-babae yung kanta ay dinadale ko na rin para lang makadaos, alam mo na, pakitang tao at iyon ang kalakaran eh, ano magagawa mo, kill-joy??? Hehehe...Anyway, O , sige at medyo gutom na ako,mag-pra-practice nga uli ng kamayan, hmmm, nasaan ba ang kamatis, sibuyas, bawang at luya....??????

Wednesday, January 11, 2012

AY, GANUN BA DIYAN?

So, ang ating topic ngayon ay ang magiging buhay ng bagong dating dito sa ibang bansa o abroad. Assuming na may mga relatives ka na o kaibigan at kakilala , iyan ang mas mainam at malaking tulong . If you're a contract worker or a hired help of some kind, ay mainam din kasi you will have an assured job and a place to stay. Ang medyo complicated ay sa independent landed immigrant na walang kakilala at no guaranteed job. Nasabi ko nga sa naunang posting ko, ay mangingiba syempre ang mga mata mo kasi nga ay puro iba ang mga tanawin, amoy, klima at itsura ng mga tao dito. I will choose Canada as an example because dito ako na-destino at nakatira since 1971! For the first 3 months ay nag-stay ako sa aking kapatid na nauna . Dalawa sila nuon, ang isa ay married and the oldest one was still single. After a couple of months ay lumipat na ako and lived on my own. Masarap syempre ang pakiramdam ng living on your own. Kasi naman ay na-experienced ko iyun nung nasa Pilipinas pa ako . Na-destino ako na mag-turo dun sa isang bundok at nagturo ako for one year in the jungle. Ako lang ang nag-iisang teacher. Anyway, I am going out of topic here, kaya bumalik tayo sa abroad. Eto, so adventure in a new land! One of the first things na syempre na mapapansin mo ay for the first few months ay automatically , you will convert your dollars into pesos! You will always think, naku po ang mahal naman ng isda dito samantalang sa Baliuag market ay ang mura! Tapos, makikita mo na mas mura ang mga karne dito, baboy, baka at manok? Ay bakit kaya kamo ganuon? Hmmm, kaya ang mangyayari ay bibili ka ng kung ilang kilong baboy, baka, manok, corned beef, isang dosenang itlog, bacon, etc. etc..at pupunuin mo ang maliit na freezer sa apartment fridge mo. Wow, kamo ang YAMAN ko dito, ang daming pagkain! Iyan ang gagawin mong tiyak for the first few WEEKS! You will stuff yourself with those rich, formerly unaffordable imported foods na sa SM mo lang nakikita nuong nasa Pilipinas ka pa! The funny thing though eh, at the same time ay everytime na bibili ka ng mga pagkain especially yung mga napapanaginip lang natin nuon sa ating bayan sa Pilipinas ay palagi mong maaalala yung mga naiwan mo sa atin. Talaga naman na totoo , you will feel guilty or something close to that feeling , kasi hindi masarap mag-enjoy sa buhay on your own.                                                                                                                      Nandito sana si  Inang,Tatang,Mama,Papa,Tito,Tita,Diko,Diche,etc...Ganun ang magiging pakiramdam mo almost always,everyday or everytime na nasa labas ka na bumibili o kumakain ng kung ano man yun. Tapos, after a few weeks of indulging yourself, kasi kain dini, kain dito ng mga iba't ibang kakanin, ay all of a sudden, ay ma-mimiss mo ang dati nating pagkain na kung tawagin natin sa atin ay PANG-MAHIRAP lang, hahaha! Alam na ninyo iyun, hindi mo aakalain na yung tuyo at kamatis , o daing na ni hindi mo o ayaw pansinin nuong nasa sa Baliuag o San Rafael ka pa , ay all of a sudden, ay para kang naglilihi at I WANT TO have some tuyo at daing for supper or breakfast!!! Ayun, nagmamadali ka ngang nagpunta sa Oriental Market o T & T o kaya kung saan man nabibili yung mga daing at tuyo. Kung malaki ang city na you're happened to be living in, ay ok pero kung nasa malayo ka ay problema kasi more than likely walang Oriental Store duon. Ang kaso ay wala namang mabibiling tuyo at daing sa regular na supermarket sa maliliit na town sa Canada lalo't bihira ang mga nakatirang Asians or Oriental. Ang mangyayari ay magiging baligtad ang taste buds mo after a few months of eating the North American diet of meat, potatoes and local vegetables. Ang mainam naman ay you can buy all kinds of rice anywhere. Huwag mo lang ico-convert all the time kung magkano in PESOS, ay sus naman kamo, ang mahal-mahal! OO nga pala, kung palarin ka at nakakita ka ng Oriental Grocery Store, ayun, excited ka..DILIS, TUYO, DAING, BANGUS, BALIUAG/BAGUIO LONGGANISA, wow, salamat po, DIYOS KO, sa wakas...hahaha! Tapos, mapapansin mong bigla kung magkano...Inang ko po, kamo ang MAHAL NAMAN pag-naconvert ka naman  sa PESOS!!! At ayun ,nakita ko mo pa, WOW, may BALUT din pala dito!!! Tapos nasa-price tag....$2.00/ea...isang BALUT!!! Sa San Jose kamo ay P10.00 lang , samantalang dito ay P90.00 o P100.00 ang ISA!!!! Hmmm, ok, bibili ka na seguro ng DALAWA ...para lang matikman uli! Ang mangyayari nga ay titingnan mo syempre ang wallet mo at you will compute uli, hmmm, ok bibili ako ng ilang daing, tuyo at isang bangus, 2 balut, a tama na yun kasi baka maubusan ka ng pambayad sa rent...e malapit na nga ang katapusan! Ayun, nagmamadali ka sa bus stop. Very careful kasi yung makakatabi mong PUTI ay very sensitive ang mga pang-amoy nila, hahaha, kala seguro ay may patay na daga sa ilalim ng seat mo sa bus, di niya alam na yung TUYO na binili mo ang NAAMOY niya! Syemrpe, you play it cool at nakatingin ka lang sa bintana nung bus and you try to pretend na EVERYTHING is ok!!! LA,la,la,la...hehehe...Ayun, after 45 minutes or so, sa wakas, nasa apartment ka na...takbo sa pinto....tanggal yung malaking winter coat mo, takbo sa kitchen, tago yung ilang tuyo,daing, 2 balut, longganisa sa fridge. Sa wakas kamo, makakatikim ka uli ng pagkaing PINOY, yuhooooo! Mainam at may tira ka pang kanin sa mangkok..hehehe. Kuha kaagad nung frying pan, kunting mantika, syempre garlic, palaging may garlic ka sa kitchen mo , parang rosaryo mo yun, palaging mayron ka nun sa kitchen! Kuha ka ng dalawang tuyo at dalawang Longganisang BALIUAG, WOW, ganun nga pala kamo kasarap ang AMOY , kahit sa AMOY pa lang ang SARAP na ng TUYO......tapos, all of a sudden .....TOK...TOK...TOK....sa pinto mo.....TOK>TOK>>TOK>>,, putris kamo,,sino yun? Wala ka namang expected visitors!!! Takbo ka sa PINTO mo.......yung next door mo na matandang PUTI, retired na matandang lalaki...."Can I help you,SIR?"....tapos yung matanda with a puzzled, disgusted look on his  face asked you: " What the HELL IS THAT DISGUSTING SMELL? CAN YOU SMELL IT" tapos tingin siya from left to right, ikaw naman syempre is trying to play it dumb, so you say.." OH yeah, must be some GAS LEAK or something, I'll phone the GAS Company ,Sir and check it out for you, ok?""..hehehe, eh syempre, you don't want to admit that the wonderful, aroma of fried tuyo is coming from your kitchen...hehehe..tapos the moment na you close the door, takbo ka uli sa kitchen mo...kuha ka isang malaking plato, isang malaking dakot nung malamig na kanin na tira, you don't care at this point, kuha ng isang longganisang BALIUAG, dalawang pritong tuyo, naghiwa ka na isang malaking kamatis, ah munti ng makalimutan yung bawang at vinegar ( I forgot the Pinoy term for vinegar??) ...sa WAKAS, eto na po isang SUBONG gangga-ulong pusa yata sa laki, hahahahaha...WOW, ang SARAP talaga nga naman ng TUYO at LONGGANISA!!!!!
                                                                ********

Monday, January 9, 2012

ADVICE NI TITO

Seguro ay talagang nagkakaedad na ako kasi ay may-nag-email sa akin na dahil matagal na 'ko dito sa Canada ay pwede daw ba akong mahingan ng advice o payo?. ( Tama ba yun? ) Kasi nga ay ang aking Mrs. ay hindi marunong ng Tagalog and we've been married for almost 36 years now, e hindi ko syempre nagagamit ang Tagalog very regularly. Anyway, mainam na practice uli sa akin kaya pagbibigyan natin ng panahon yung Mrs. "Sekreta" from San Miguel,Bulacan...she got my email address from somewhere, thank you very much! Seguro eh sa isang Pinoy na nakakulong sa munisipyo sa Taysan,Batangas, anyway, basahin natin ang email ni Mrs. "Sekreta": Obviously, she wants to remain annonymous.
"Deer" Tito Resty ,
     Ay beri suri pu, ay kasi pu ay itong aking Mister ay parang ayaw na sa akin ...masakit pu sa aking kaluuban pag hindi niya ako napapansin lately pu. Lalu na pu kung  ako'y katatapos lang maglako ng ilang dusenang tuyo at daing sa palengke at dahil pu sa malayo kami sa ilog ay bihira pu akong nakakaligo. Ay talaga pu namang ibig na ibig ku pa siya, kahit pu tamad at walang trabahu ay, ang pogi talaga niya, ay parang artista!! Anu pu kaya ang dapat kung gawin, Tito?
                                                    Misis "Sekreta"
Ah, Misis " Sekreta", I'm very sorry  sa iyong "problema", kawawa ka namang talaga, ano...parang na-iyak na halos ako sa iyong kalagayan. Unang-una ay napakasipag mo at ikalawa ay para kang "Santa", hindi Santa Claus, but Santo parang Santo. Mahirap kasing sabihin sa iyo na "gaga" ka kasi hindi naman, ang totoo ay ikaw ay isang dakilang asawa at babae, e hindi ba puedeng itapon mo na lang yung tarantado mong asawa? Bakit ka nagtitiis dyan, e ano kung gwapunggo yung lalaki mo e wala naman palang trabaho yung gago na yun? Nakakabwisit nga eh, ikaw pa ang may kasalanan? Ay bakit hindi mo iwanan yang gagong asawa mo? Ikaw naman ang bumubuhay sa kanya, di ba? Ok, ganito ang gagawin ko...mag-email ka sa isang kaibigan ko dito na byudong Canadian at dini na kana tumira pagkuwan, ok? Take care!!! Tutulungan ka namin makapunta dini...
                                                                     ******
E mainam sa kalooban ko ang makatulong naman, ano,readers? Ok, I have another reader na nag-email sa akin , this time ay isang teenager  who wants to be called Mr. " Pinoy Dude" from Baliuag,Bulacan:
Hoy Tito 'musta?,
      Eto problema ko Tito. Kasi marami kong bisyo, chicks, beer, pool, SM shopping, ti-par, barkada, etc...ay bakit kaya ang aking grade sa High skul ay  below 75% at saka ang aking mga parents eh galit sa akin, yun nga ang bigay lang sa aking pambaon sa school ay 150 pesos lang, panung magkakasya yun ay pangtricyle lang ay 24 pesos na! E pano naman ang aking cell phone pa, Tito? Puede bang payuhan mo ko..
                                                        " Pinoy Dude"

(This is GOOD, hehehe). First, " Pinoy Dude", ang bastos mo naman, bakit mo ako tinatawag na Hoy Tito? Who gave you the right to address me in that manner? Ay hirap sa iyo ay wala kang galang sa nakakatanda sa iyo! Ang dapat ay tulungan mo 'yung sarili mo, iwasan ang sobrang good time sa buhay, e bata ka pa ! Anong kagaguhan ang binabatakan mo ngayon? Teenager ka pa lang e kailangang mag-aral ka at tulungan ang sarili mo at lalo na yung mga parents mo,OKEY??? Eto gagawin ko sa iyo, I'll send you an email address sa isa kong contact at tutulungan ka para ka tumino , take care!
                                                         ***********

I fully understand na totoo na nangyayari sa buhay ngayon sa today's article. Syempre, in a joking manner at least ay na-discussed ko ang typical problems na nangyayari sa present time lalo na sa Pilipinas. Ang sana namang mangyari ay magsikap ang present generation na baguhin for the better ang ating pamumuhay, SALAMAT SA INYO, READERS!!! BABAY for now.....


Sunday, January 8, 2012

BAGONG DATING

Sa mga bagong arrival sa ibang bansa, syempre mixed emotions ang nasasaloob at nararamdaman  ninyo, the first thing na mapapansin ninyo ay ang klima at saka scenery. I happen to immigrate to Canada way back in 1971, kaya that was a long time ago. Most of my readers, I assume ay mga dwende pa at mga hubo pa seguro noon o kaya may mga sipon pang tumutulo sa mga ilong seguro o kaya hindi pa naipapanganak, hahaha! Anyway, I would advice sa mga mag-aabroad na huwag syempreng mag-schedule na dumating sa ibang bansa during wintertime for obvious reasons: unang-una ay sa lamig nga at ikalawa ay mahirap maghanap ng trabaho during wintertime. Unless, of course, na may guarantee na work waiting for you! So what to do upon your arrival??? What to expect??? ..Hmmm, assuming that you arrived during the spring or summertime in North America, for example, ang anticipation syempre ay EXCITEMENT, kasi bagong dating ka sa new environment, new culture, etc.,etc...so among the crowd of greeters at the airport, I'm assuming na airport, unless of course, na TNT arrival ka , naka-managed na magtago sa isang barko, hehehe..pero, that's another topic again...Pssst, tahimik tayo,ok....mahirap na, baka may mag-report, eh...hehehe! Ok, nasaan naba tayo, ah, ok, balik uli sa topic.Di, syempre, ang sarap ng pakiramdam pag nakita mo na ang sasalubong sa iyo, mostly syempre na mga relatives o kaibigan ng relatives mo ...tapos magugulat ka kasi, wow,kamo ang gaganda ng mga tao sa airport, mga PUTI, hahaha, halos gusto mo ng sila ang yakapin instead yung mga relatives mo, hahahaha!!! Gulat ka talaga, iisipin, wow, kahawig nuong isa si Angelina Jolie, tapos, oy, si Tom Cruise ba yun?? Hhhahahaha, halos nalimutan mo kagad yung sumasalubong sa iyo, hahahaha! Kasi hindi pa sanay yung mata mo sa mga taksan-taksang magagandang mukha eh...hahaha...Anyway, magugulat ka sa sumalubong sa iyo kasi iba na ang itsura nuong Tiya, Tiyo, Kuya,Diko (Biko?), etc..etc...more than likely eh LUMOBO na sila, ano nangyari TITA BABY,  TITO JJ, Ninang POTPOT, LOLA BENGBENG, LOLO BONGBONG, DIKO PENGPENG, 'MARENG DENGDENG, e bakit ba't mahilig ang mga Pinoy na mag-nickname ng mga ganuong pangalan, eh ewan ko kung sino ang gagong nag-umpisa nung tradition na yun, hahaha! OOps, ok, ok, pasensya na kayo, kasi nakakatawa lang talaga kung bakit mahilig ang mga Pinoy sa mag-uulit ng mga letters or initials as NICKNAMES, hehehehehehe! Ay talaga naman...baka may bumuntal na akin eh, I better stop now...BIRO lang PO!!! OO nga pala, syempre, hindi mo nalimutan yung mga habilin sa iyo bago ka umalis dun sa Tondo o kung saan mang lugar ka nanggaling sa 'Pinas...halos kalahati nung dala mo ay mga PASALUBONG dun nga sa mga SASALUBONG sa iyo sa airport...hehehe! Di syempre hindi mo kilala o di na makilala yung mga mukha nung sumalubong sa iyo kasi nga ay mga nag-silobo na sila, hehehe...WOW, ang kikintab ng mga kotse nila, too much excitement talaga!!! Para bang panaginip talaga ang mararamdaman mo!!! So while you're on your way to your TITA BINGBING's house, syempre tingin ka sa  mga tanawin from the airport to your destination, 'di mo syempre halos marinig ang mga kwento, sabay -sabay kasi ang mga tanong sa iyo , " O, BONGBONG, nasa labas na ba ng Mandaluyong yung gf, mo??" o kaya, " Oy BONGBONG, na-opera na ba si TITA TINGTING?", " BONGBONG, nakabili ka ba ng pabilin ko sa iyo?" ...syempre, sabay sabay ang mga tanong e, malilito ka talaga, lalo't pagod na pagod ka sa biyahe mo...binibiro mo namang, first time mo sa airplane, 16 hours na lipad, hilo ka pa nga , eh...hehehe! Ganon pala kamo ang pakiramdam sa loob ng eroplano after 16 hours!! Sawang-sawa ka non sa repeated movies pero nasasarapan ka sa mga in-flight meals, kasi masarap nga ang lasa  nung meals sa international flight, lalo na ang Asian airlines kasi syempre, you like the Asian menu! Anyway, kasi pagod na pagod ka kaya pagdating mo sa bahay nung TITA TINGTING mo ay plastado ang katawan mo at gusto mo na lang na humiga at matulog for 2 days, hahahaha! Ok, magpahinga ka na at UNTIL NEXT time, uli, BABAY !!!!!








Saturday, January 7, 2012

GINAW NAMAN...

O, ano akala ninyo kasi ay masarap ang winter abroad, haha, the real truth ay napakalamig talaga kung  bagong dating kayo sa isang bansang maraming mga snow at ang hangin ay napakalamig talaga. It's hard to describe syempre kung ano ang tunay na pakiramdam sa unang winter. Paano nating ibabase or compare, hmmm. Umpisahan sa ito, imagine na nakapasok ka sa isang malaki at higanteng warehouse na puno ng yelo, at ikaw ay naka-underwear lang, hehehehe, ay naku po, ganun ang lamig na mabibigla ang iyong katawan, from head to toes, ay parang instant na ilado kaagad! Para kang nakakain ng isang baldeng halo-halo kung baga...hahahaha...sa madali't sabi ay uurong ang kung ano-anong parte ng katawan mo, lalo na dun sa mga lalake, hehehe, you know what I mean, GUYS!!! Hhahahaha....kaya kalimutan muna si Mrs..hehehe...mahirap kasing mag-urongan ang mga parte ng katawan eh dahil sa lamig..hehehe.  
So how long would it take to get used to the cold?? Kung porme kasi sa mga tao, but generally, maniwala kayo, it's easier to adopt to the cold than the other way around. Kasi pag mainit ay 'di kanaman syempreng puedeng maghubo't hubad , lalo kung nasa trabaho, ma-pwera gusto mo nang promotion, but that's a different topic, huwag muna ngayon yun,ok??Hhehehehe..
Ok, balik tayo sa topic, sabi nga sa Inglis e, let's STAY FOCUSED, kaya balik sa ginaw uli. How many of you have been to Baguio City sa 'Pinas. Natatandaan ninyo nuong una kayong mapunta duon?? 'Hindi ba ang LAMIG ano?? Hhehehehe, putris, bali wala pala yung lamig na yun compared sa winter lalo na sa Northern CANADA..brrrrrrr...Inang, ang lamig, lamig po naman talaga. Eh tiyak na mauubusan ka ng mga Santong mahhihingan ng tulong sa ginaw, ewan ko lang kung talagang ang dasal ay makakatulong e bahala na kayo duon...Ang magiging hitsura mo sa unang winter ay parang higanteng mummy duon sa Pyramid sa Egypt na balot na balot ang buong katawan dahil sa GINAW. O kaya para kang isang higanteng SUMAN sa lihiya or sa IBOS, hahaha...pero, wala kang paki, kasi ibig mo syempreng makaramdam ng init sa katawan...kaya ang mangyayari ay sisihin mo ang iyong sarili kung bakit ka nagpunta dini in the first place> Eh , syempre, iisipin mo yung mga naiwan mo sa 'Pinas na aasa sa iyo, kasi't nasa ABROAD ka na, hehehe...kaya kahit parang iced-water ang pakiramdam mo sa buong katawan ay magtitiis ka talaga...hehehe. Kaya duon sa mga kababayan ko na nangangarap na makapunta sa ABROAD, ay ihanda ang sarili ninyo na maiilado talaga ang buong katawan ninyo at manginginig talaga kayo sa GINAW pag-winter time. Maganda ngang tingnan sa picture at lalo na pag-Christmas time, duon sa postcard, ano, pero..NAPAKALAMIG PO. TALAGA!!! Maniwala kayo...hahaha..ok, sa susunod na kabanatan uli...paalam, goodbye...sa LAHAT..Salamat po!


NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA

Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...