Thursday, May 21, 2020

NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA

Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko nang matepok ay matetepok ako gusto ko man o hindi. Kahit na nuong mag-asawa ako 44 na taon na ang nakakaraan at nagkaanak kami ng dalawang lalake, pinalaki ko sila na huwag maging duwag, lol! Syempre, mahirap tuparin yun ng mga bata, kasi iiyak sila pag nadapa, nahulog o nasaktan! Ay ibig kong sabihin ay ayaw kong maging iyakin ang mga anak ko. Kasi maraming mga bata ngayon na konting untog lang ay tatakbo na sa mommy nila at iiyak ng sobrang lakas! Ang mga nanay naman ay awang-awa sa bata at bine-baby! LOL! Old school kasi ako na di gaya ngayon na over-protective ang mga magulang. Konting sipon lang, takbo na sa doctor. Nauntog lang ay panic kaagad. Kaya seguro maraming mga nakasuso pa sa mga magulang ang maraming kumag na kabataan ngayon, hahaha! Konting biro lang pero sa maraming pagkakataon ay totoo naman. Kasi nuong bata pa ako, hindi ako problema ng mga magulang ako. Naiiba daw ako kasi palagi akong nasa bahay at mahilig makipaglaro sa apat kong kapatid na babae. Ang kuya ko naman ay malake ang katandaan sa akin kaya di nakikipaglaro sa akin. Ang akala nga daw ng Nanay ko ay parang babae daw ako sa tingin nya. Kasi nga mahilig akong maglinis ng bahay at malinis sa katawan. Pag tag-araw nga ay umiigib ako ng tubig sa poso naman at malimit ay naliligo ako sa tabo ng hanggang 3 beses araw-araw. LOL! Naiiba nga syempre ako. Pero, di naman ako bading. Ganun lang talaga ang hilig ko na maging malinis at masipag. At kadalasan nga ay kasing bango pa  ako ng aking mga kapatid na babae, hehehe! Ewan ko kung ninanakaw ko yata yung pabango nila o ano! LOL! Mahilig din akong magtanim ng mga halaman at mga bulaklak. Ang pangkaraniwang bulaklak ay Alembong ang tawag. Madali kasing buhayin yun kaya marami akong naitanim sa aming harapan. At saka kahit bata pa ako, mahilig kasi akong magbasa ng mga English story books at adventure, kaya sinabi ko sa aking sarili na kapag lumaki ako ay aalis ako sa Pilipinas at mag-aasawa ako ng medyo matangkad para di dwende ang aking mga anak, lol! Yun talaga ang pangarap ko sa buhay mula nuong bata pa ako.Sa darating na July 17,2020 ay 44th Wedding Anniversary na kami ng aking naging Mrs. dito sa Canada. Dalawa lang lalaki ang aming mga anak. Ang panganay ko ay 6'3 at 5'9 ang partner nya. Ang nag-iisa kong apong babae ay matangkad din kahit 8 years pa lang sya. Ang bunso ko naman ay 6' at ang partner nya ay 5'8.Wala silang anak pero may aso na turing nila ay parang anak din. Sa madalit sabi ay natupad ang aking pangarap sa buhay patungkol sa mga matatangkad na mga anak.Salamat naman ay hangga ngayon ay healthy pa rin kaming mag-asawa kahit na mga Senior Citizens na. Ang bilis nga ng panahon! O, sige na at next time uli! Salamat po uli sa lahat!


KABATAAN KO, ANG TAGAL NA NUON!

Ikukuwento ko sa inyo ang ilang mga bagay na naaalala ko pa nung ako'y bata pa sa aming lugar sa Baliuag. Ang aming mga baon nuon ay tig-sisingko sentimos lang kada araw pag nag-aaral. Malapit lang ang school namin kaya ,kaya lang maglakad nuon. Ang traffic nuon ay di gaanong grabe kasi wala pang tricycle nuon. Ang karaniwang sasakyang papuntang palengke ay jeepney o kaya kalesa. Ang Tatang ko ay sa gurnasyon ang trabaho. Yun ay mga gamit sa kabayo na humihila ng kalesa. Tumutulong ako sa Tatang ko sa pagtahi ng mga parte na gamit sa gurnasyon. Yun ay pag Sabado lang naman. Ang kainaman ay binabayaran naman ako ni Tatang ng mga 25 sentimos  o 30 sentimos kumporme sa dami ng trabaho sa buong araw. Kaya pang dagdag yun sa pang-araw araw kong baon. Duon sa mga di nakakaalam, ang exchange rate nuon sa US DOLLARS ay 2 pesos kada DOLLAR. Kaya nuon ang singko sentimos ay malaki ang value. Natatandaan ko pa na ang isang malamig na PEPSI o COCA COLA ay 10 sentimos lang. Pero pang dalawang araw na baon yun. Kaya lang kami nakakabili ng sitserya nuon ay matipid kasi kaming magkakapatid. Ang pangkaraniwang tinapay na nabibili sa tabing sari-sari store ay monay, Tahada, biscuit at iba pa. Nalimutan ko na ang mga tawag, kasi ang tagal na nun!LOL! Ang mga sikat na pangalan ng soft drinks nuon ay PEPSI, COKE, SARSI, GOODY ROOT BEER at iba pa. Diyes sentimos lang nuon ang isang botelya ng soft drinks.Pero ice-cold yun. Sarap talaga pag tag-araw!
Sino ang nakakatanda ng monay? Ewan ko kung may nabibili pang monay sa mga sari-sari store sa Baliuag. O kaya tahada at pilipit? Meron pa ba nun sa Baliuag? Singko sentimos lang ang isang piraso nun at pambusog na sa isang batang kagaya ko nuon. Natatandaan ko pa yung kapatid kong si Doris na mahilig gumawa ng wari-wariang sandwich na monay. Hihiwain niya sa gitna ang monay at kukuhanan ng konting piraso ng monay din at yun ang ipapalaman. Kung minsan ay dadagdagan ng matamis o asukal na pula para me kulay at maging masarap sa tingin. Tapos , pagtitiklupin ang dalawang pirasong monay at yun ang sandwich niya! LOL! Aba eh matsalap nga nuon ang lasa! LOL!
Isa pa ring nabibili nuon ay yung pilipit ang tawag. Pero di ako gaanong mahilig sa pilipit, kasi parang TAE ang itsura kaya sa tingin ko ay di masarap!!!!
Di ba, parang TAE itsura?? Penge ba, ay, sayo na lang! Hahaha!
Anyway, sa susunod ay baka maalala ko pa ang ibang mga sitserya na binibili namin nung mga bata pa kami. O, sige, until next time na lang! Babay!!!

Wednesday, May 20, 2020

BALIK ULI TAYO!

Ay, ang bilis talaga ng panahon! Naging masyadong busy ang buhay ko mula ng maging retirado. Akala ko'y marami akong oras na magiging libre kaso, sandamukal na trabaho dini, trabaho dito ang nangyayari. Aba eh pagkagising ko syempre, ligo, magdadamit at mag-aalmusal. Mahilig ako sa gardening kaya ito ang aking naging hobby. Ang kainaman ay mahusay itong exercise sa isip at katawan. Wala naman kasi akong masamang bisyo tulad ng inom ng beer, mag-yosi at maggala sa mga shopping centers. Sa loob-loob ko lang ay nakakasawa naman kung puro gala lang ng gala ang magagawa ko. Lalaki lang ang tiyan ko sa kakain ng mga pagkain sa Food Court. Wala naman akong hilig sa mga panggarang mga shirts o pantalon. Me edad na ako kaya di ko na kailangan yung mga items na yun. Ang kainaman ng may garden ay mga sariwa at mas masarap ang lasa ng mga tinatanim ko. Putris, parang gusto ko nang kumanta ng classic na " BAHAY KUBO"!" Ang halaman duon ay sari-sari, sibuyas, kamatis, bawang at luya", hehehe! Ang kaso lang kasi sa Vancouver Island ako nakatira kaya mahirap magtanim ng pangkaraniwang gulay sa Pinas dito sa amin. Kasi nga mas malamig ang klima dine. Sabagay, parang Baguio City din pero walang kangkong, luya at iba pang mga gulay at halaman na madaling itanim sa Pilipinas. Pero puedeng magtanim sa loob ng bahay o sa basement kung may greenhouse ka. Gumawa ako ng maliit na greenhouse duon sa tabing pinto sa basement ko. May konting insulation at palagi kong naka-ON ang mga  ilaw para uminit ng konti at tumaas ang temperature para sa mga halaman ko. Nagtanim nga ako ng saging para lang sa mga dahon na gamit ko sa paggawa ng kakanin. Halimbawa ay pambalot sa iba't ibang mga kakanin tulad ng mga iba't ibang klase ng suman. OO nga pala, puede din nga pala akong magkaron ng Boodle Fight pag natapos na ang pisteng COVID-19! Grabe talaga ano? Sobrang perwisyo ang ginawa sa mga tao sa buong mundo. Sana nga ay may madiskubre na very effective Covid vaccine para maging normal uli ang pamumuhay ng mga tao. Balita ko nga ay marami ng naghihirap at nagugutom sa Pilipinas. Buti naman ay di gaanong kaperwisyo dito di katulad sa Pilipinas. Pero marami ding nawalan ng trabaho dito sa Canada. Okey, balik tayo sa gardening! Kaya nga ayos na ayos ang gardening ko. Kasi, marami akong tanim na gulay. Mahal na din ang presyo dini at iba talaga ang lasa ng sariwang gulay na kapipitas lang. OO nga pala, marami akong tanim na strawberries, raspberries , blueberries, etc. Ang kainaman nito ay nagkakaron ako ng extra pocket money kasi nagbebenta ako ng mga halaman. Malaking tulong din syempre ito sa pension ko. Ang kainaman nga ay palagi akong busy kaya mainam sa katawan ko at sa kaisipan. Yung walang gaanong may ginagawa ay magkakasakit lang kasi tataba lang sila. Eh alam naman natin ang problema ng High blood pressure, diabetes, etc. Anyway, kailangan talaga ay maging masipag at busy tayo. Sa halip na maghimutok sa buhay ay magtrabaho tayo ng kahit ano para lang maging active ang ating mga pag-iisip at mahusay nga ito sa ating well-being. Sorry, parang naging PARI yata dating ko, hahaha! O sige, asan ang mga abuloy ninyo? Para kunwari ay nasa simbahan kayo at oras na collection, hehehe! Ay, oras ng tumakas at mag-merienda ng konti. Nagutom ako ng konti sa kasesermon, ah! Until next time! Bye!

Thursday, April 27, 2017

YEHEY! TALAGANG RETIRO NA BA AKO? ANO NGAYON GAGAWIN KO?

Sa totoo lang, kapag nag-retiro na ang isang  pangkaraniwang tao, ang ating nasa-isip na mangyayari ay easy-easy na lang ang magiging buhay, di ba? Ay maraming salamat at sa wakas ay makakapagpahinga na ako! Sa umpisa syempre ay maninibago ang pakiraramdam , ang isip at ang katawan mo. Ang unang-una segurong kapansin-pansin ay ang kasarapan ng damdamin na wala ka nang iintidihin kahit na matagalan ang tulog mo at magigising ng alas 10 ng umaga, hahaha! Wala ka ng takot na mahuli sa trabaho o maiwan ng bus o tren at iba pang sasakyan papuntang trabaho. O kung nagmamaneho ng sasakyan ay di kana nenerbyusin sa traffic at delikadong daan lalo na kung winter sa lugar mo kung ikaw ay nasa ibang bansa na malamig ang klima! Ay, talaga, ang hirap kapag mag snow sa daan at malalim pa! Blowing Snow at mas grabe kung ICY pa ang mga kalsada! Nakakatakot na pakiramdam yun  kasi pag-pababa na at ICY ang daan, nakakatakot talaga! Ang dami kasing aksidente sa winter time! Mabalik tayo sa pakiramdam ng bagong nag-retiro! ANG SARAP ng pakiramdam lalo na syempre kung maganda pa ang iyong kalusugan at di sakitin. Anong  sarap nga ba kung hingalin ka, may mga rayuma, masakit ang katawan at walang gana! Sa madalit sabi ay basta ang kalusugan ay mahusay pa, eh sarap ng pakiramdam kung retirado ka na! Basta dapat ay maging busy ka palagi at maraming magagawa sa bahay, sa garden, maraming hobbies, maraming magagawa! Ako ay saksakan ng daming nagagawa sa buhay. Mahilig akong magtanim ng halaman, bulaklak , prutas gaya ng ibat-ibang klase ng mga berries. Gaya halimbawa ng strawberries, rapsberries, cherries, plums, mansanas, ubas, blueberries at marami pang iba! Aba, ang kasarapan niyan ay talagang sariwa, organic at walang mga chemicals ang mga tanim ko! Masarap ang lasa at nakakatipid talaga sa budget. Ang problema kasi pag retirado ka na ay mas maliit syempre ang kinikita mo kasi wala ng sueldo at pension na lang. Basta naman di gaanong maluho ka ay ok naman ang natitirang pension at pera. Syempre, basta nakaipon ka na nuong medyo bata pa para sa pag-retiro ay makakaraos ka naman. Yun iba syempre ay sobrang maluho sa buhay at sobrang gastos kaliwa't kanan, kaya naghihikahos sa buhay. Marami akong paboritong hobbies. Photography at sumulat ng blog at Product Reviews sa Amazon. Magaling na hobby yung product review kasi linggo-linggo ay nakakapamili ako ng ibat'-9bang mga produkto sa Amazon. Ipinadadala sa akin at yun ay akin na. Basta lang syempre sumulat ako ng tunay sa loob na at totoo talaga ang Product Reviews para mabasa ng masa bago sila bumili ng mga produkto. Ang kainaman nito ay natututo talaga ako nga mga makapabagong kasangkapan lalo na syempre ang mga nauusong electronic gadgets! Sobra naman kasing kabilis ma-improve ng mga kagamitan natin. Sa Cell Phones, TV, gadget sa mga sasakyan at sa gamit bahay. Nuong dating kapanahunan pa ng mga magulang ko sa Pilipinas, ang may mga hobbies lang sa atin nuon ay iyong may KAYA sa buhay. Ang mayayaman ay marunong maglaro ng GOLF! Aba, pang-mayaman lang sa atin yun! Mga professional na tao lang ang puede at ang may kayang maglaro ng golf. Sabagay dito man sa Canada ay ang karaniwang nakakapglaro ng GOLF ay mga may kaya din pero di naman ganung kamahalan din ang bayad kaya ang regular na tao ay medyo kaya ding makapagyan ng Green Fees. Sa Pinas naman ay unti-unti na yatang nagbabago na din ang nagiging kultura lalo na ang mga kabataan na nasa kanilang  ika -30- or 40 edad. Kasi nga, na-aapektuhan din ng Social Media at ng mga nababasa nila mula sa North Amerika at sa Europa. Mahilig din kaming mag-asawa ng maglaro ng badminton linggo-linggo. Mahusay na exercise at mura na din ang bayad sa 2 oras na mga laro. Kabilang kami sa aming Badminton Club na ang mga miyembro ay ordinaryong mga tao din na kagaya naming mahilig sa laro para maging aktibo at panatilihin ang kalusugan sa pamamagitan ng larong Badminton. Palabiro kasi ako kaya habang naglalaro kami ay nagbibihan di kami. Di gaanong competitive ang mga laro , talagang katuwaan lang. Syempre naman, gusto ko ding nananalo, hehehe! Mahilig din akong mamaril o target shooting sa likod ng bakuran ko. May dalawa akong d--hangin na riple at may mga paper or cardboard targets ako na may bullseye. Pero ang pinaka-paborito kong hobby ay linisin at panatilihing malinis ang aking pam-bakasyong Roadtrek na Van Conversion. Iyun ang aking BABY na palagi kong nililinis para manatiling parang bago at makintab! Ganun yata ang pangkaraniwang lalake, mahilig maglinis at mag-shine ng kanilang kotse o Van. O, sige, mga Kabayan, medyo hapon na pala, ang isa ko pang  HOBBY ay magluto! Hmmm, ano nga ba ang masarap na hapunan?? Okey, ano, medyo maghahanap ako ng rekado sa fridge at makapagluto na nga!! Nagugutom na ko!! BABAY na!!


Monday, April 24, 2017

WANTED: KAKANIN! NASAAN KAYO, PENGE NAMAN!

Sa palagay ko, ang isa sa pinaka-na-mimis na bagay ng isang isang Pilipino sa ibang bansa, ay ang kakaning Pilipino! Di ba? Syempre, ang pamilya ang nauuna at sa akin ang pangalawa ay ang mga pagkain at lalo na ang mga paboritong kakanin! Kasi nung bata pa ako, ang aking Lola ay mahusay gumawa ng mga kakanin. Siya ay nagtitinda ng kanyang nilutong kakanin na nilalako sa malapit na palengke! Natatandaan ko pag niluluto niya ito ay kaming magkakapatid ay di makatulog pag iidlip para sa aming siesta. Syempre, naamoy namin yung putong ginagawa at niluluto niya! Eh sino ba namang normal na bata ang hindi matatakam duon? Parang torture nga ang pakiramdam, hahaha! Pag naluto na ay may patikim sa amin bago ilako. Kahit konting piraso lang syempre para kami ay makatikim ng puto! Tapos, ay ilalako na niya ang iba! Kaya nga nang ako ay makarating sa Canada nuon pang 1971 ay nag-aral akong magluto ng mga kakanin. Natandaan ko pa nga ng itanong ko sa Mother ko ang recipe niya ng biko! Ang dali lang palang gawin at lutuin. Kasi naman, halos kahit sa anong panig na ng mundo ay meron ng Asian market. Kaya ang mga rekado at iba pang gamit sa pagluluto ng karamihan sa ating mga kakanin ay mabibili na. Ang kainaman sa ngayon ay may mga "YouTube" videos nga na nagpapalabas ng kung papaanong gawin or lutoin ang halos lahat na kakanin or recipe mula sa Pilipinas. Natutuwa ako kasi mahilig akong magluto, ulam , sabaw , kakanin at iba pang makakain. Marami akong paboritong kakanin. Palagay koy halos lahat naman ng mga Pilipino ay kagaya ko rin na mahilig sa kakanin..mapwera lang na may medical issues at bawal sa kanilang diet! Maswerte ako at even at my age of 68, ay ganado pa ako at walang food restrictions! Ang timbang ko lang ay mga 128 lbs. at 5'7. Di buntis ang tiyan kasi wala akong hilig sa beer o alak! Ayaw ko kasi ng bisyo lalo na ang sigarilyo! Ang bisyo ko lang ay tugisin ang Mrs. ko! Biro lang,,,hahaha! Ang kaso lang kasi taga-rito ang Mrs. ko, hindi siya mahilig kumain ng mga kakanin. Slim di siya at very conscious sa pagkain kaya hindi siya LOBOHIN. Kasi sa Pinas, halos epidemic na ang obesity. Kasi nga ang mga pagkain , street food stalls, malls, etc. ay taksan-taksan ang mga karinderya, Pizza stands, burger joints, restaurant, Grabe! Anyway, paminsan minsan nga, ay nagluluto at gumagawa ako ng aking paboritong kakanin. Very relaxing din  kasi para sa akin ang magluto! Kaya sa bahay namin, ako ang cook sa weekend at si Mrs. naman sa weekdays. Dati kasi ay baligtad. I did the weekdays cooking and she did sa weekends. Mahilig nga kasi akong magluto. Nuong mag-retire kami at nag-roll reversal kami para naman may break ako. Ok naman sa akin. Pero gusto ko nga at mahilig ako sa cooking! Ang problema ng maraming OFW ay loneliness syempre, kaya ang pagkain ng mga kakanin ay magandang substitute para makalimutan ang kalungkutan sa buhay. At saka syempre parang moral support din ang pagkain ng kakanin lalo na nga at yung paborito nila ang kakainin lalo na sa weekend or araw ng break. Kaya kahit na lang sa retrato ay makita ninyo at maalala ang ating KAKANING PINOY! Yaaay, kain na tayo , mga KABAYAN!!!!









                                                             Photos by Marketman
Mamili na kayo at ako ang sagot! Hahahaha! Pa-order na lang ninyo yan kung may mga kaibigan kayong marunong gumawa. Magbayad kayo sa mga rekado at hati seguro kayo, para PATAS ano? O, sige, ENJOY!!! Putris, tulo laway na yata!!! Easy easy lang kayo!!! LOL!

Sunday, April 23, 2017

NAG-IIBA NA TALAGA ANG 'PINAS!

Photo copyrighted by philstar.com
Regular din akong nagbabasa ng mga news mula sa 'Pinas. Mostly ay sa YouTube at iba pang online news centers at newspapers din. Kahit na ako syempre malayo at matagal ng umalis mula sa 'Pinas ay gusto ko paring malaman kung ano na ang nangyayari sa Pilipinas. Kaso lang, ibang-iba na nga ang buhay sa dati kong bansa pag ikinumpara ko nuong kapanahunan ko. Kasi ipinanganak ako nuon pang 1948! Wow, naging lolo nang talaga! Yun nga lang, iisa nga lang ang aking apong babae na malapit na ngang maging 5 taon sa isang buwan. Kaso nga lang ay ang layo ng bahay nila mula sa akin. Ay, sobrang layo, mga 4,400 na kilometro!!! Kaya syempre ang mabilis na paraan para magkita ay sa Skype na lang! Hehehe! Once a year lang kaming magkita sa tunay na buhay, eroplano nga para mabilis! Kung bakit pag tinawag na LoLo ay iba ang pakiramdam, ano? Well, duon sa mga kabataan syempre ay di ninyo pa alam ang damdamin ng nagiging LoLo o Lola! Kakaibang talaga! Nakakatuwa sa kalooban ! Yun nga lang, kapag tinawag akong Lolo ay sa umpisa syempre ay di pa sanay sa tawag! Hahaha! Kasi, parang MATANDANG MATANDA ka na pag natawagan kang LOLO  o LOLA! Ok, mabalik tayo sa sinasabi kong malaking pagbabago ng lipunan at mga kaugalian ngayon ng mga kabataan sa Pinas. Sa aking palagay kasi ay sobrang bilib at inggit sa mga Amerikano  at mga taga-ibang bayan ang pangkaraniwang mamayan sa atin. Natatawa ako sa sarili ko kasi Little Brown Americans nga ang dating tawag sa mga Pilipino nuong ako ay bata pa. Lahat ng Stateside na bagay ay gusto ng mga Pinoy! Pagkain, pagdadamit, pagsasalita, IDOL nga ang mga Kano ng mga Pinoy! Ang mga malls ngayon ay westernized syempre! Para na ding sa North America ang mga paninda at yun nga kahit yung ibang presyo ay halos mas mahal pa nga sa malls sa Pinas pag ikumpara sa Canada. Sa loob loob ko nga ay naitatanong ko? E sino ang nakaka-afford ng mga mahal na merchandise? Well, ang mga malls sa Pinas ay halos punong-puno ng mga tao, kaya kahit 5 % sa mga libo-libong shoppers ang bumibili ay ang dami nga parang perang kinikita ng mga tindahan sa malls! Kasi ang mga Pinoy ay ibang dumiskarte! Ang gaganda ng mga damit, mga suot! Sa unang tingin nga ay paano mong mahuhulaan ang tunay na may pera o " mayaman " sa atin!!! Hahaha! Ma pwera sundan mo kung saan sila nakatira. Yun pala sa ilalim ng Tulay Mansion! Biro lang syempre. Nasasabi ko lang naman, kasi nga maraming mga maluluho sa Pinas! Kahit maluob sa utang, basta maganda diskarte at ibig mapagkamalang mayaman at talagang COOL, ok lang! Sabagay, kung maganda sa kalooban nila at maganda ang nararamdaman ay sulit na seguro sa kanila ang magkungwari! Dito man kasi sa Canada ay maraming mga tao na mas malaki ang nagagastos kumpara sa kinikita. Yun nga lang, iba ang social safety net sa North America. Mas maraming mga sangay ng gubyerno na di ka pababayaang maguton! May maliit na sustento o tulong sa mga mamamayan . Yun ang malaking pagkakaiba ng Pinas at Canada! I bilib na din ako sa mga malalakas at matapang ng damdamin ng pangkaraniwang Pinoy. Kasi madaming mga kamag-anak na matatakbuhan sa Pinas! Kaya kahit isang kahig isang tuka sa atin ay nakakaraos kasi yung ang matatawag ng normal na kalagayan ng pamumuhay sa atin. Kasi ng matagal na akong wala sa atin. Pero sa mga nadidinig ko, nababasa at napapanuod sa social media, ay halos ganun pa din sa tulungan sa atin. Ang sinabi ko lang na malaking pagbabago ay ang modernization sa Pinas. Ang mga highrises, world class na restaurants, resorts, hotels, mga bagong kotse, condos, malalaking bahay, WOW! Ibang-iba na nga ang first impression ng mga bagong dating sa Pinas. Especially nga ang mga foreign tourists! Ang modern ng nga kasi ng Manila, Makati at suburbs! Kahit nga sa mga bayan ay may mga 7-11, Pizza Huts, etc. Nakakagulat talaga pag matagal ng hindi nakakapasyal sa atin! Pati mga kulay ng mga buhok sa atin ay may mga blonde na din, hahaha! Hmmmm, pagnakatalikod nga at maganda ang mga damit at blonde pa, eh akala ko nga ay ang sinusundan ko ay Amerikana o Canadian, yun pala ay isa lang na bading na nagpa-blonde ng buhok!!! Hehehe, sorry pero di ko mapigilang tumawa! Magalit na kayo sa akin, ok lang, kasi tutoo naman! Bakit ba pinipilit na magmukhang Blonde na Amerikana! Eh okay naman ang itsura ng mga Pinay. Ang karaniwan nga na mga Puti dito sa Canada ay naiinggit sa complexion ng mga Filipina tapos baligtad naman ang mga nararamdaman ng maraming mga tao sa atin lalo na yata ang mga kababaihan! Sorry ano!?? Di ko naman nilalahat syempre! AY, mahintuan ko nga ang blog ko bago ako murahin ng mga readers! LOL! Pasensya na po at ito ay pabiro lang na blog! Take it easy and don't be too serious naman! Ok? Mag-ingat kayo mga Kabayan! Goodbye for now!!!

Photo copyrighted by Philstar.com


AY LECHE! OKAY NANG MAGMURA !

Hmmmm, sino nga ba ang maniniwala na kumporme kung sino ang taong pagmumulaan ng anomalya, tungkol sa pagmumura sa harap ng publiko, ay mangyayari na may patnubay ng karamihan sa masa sa Pilipinas? Hahaha! Aba, basta may ibubuga pala ang isang tao, lalo na si Mayor Presidente Digong , ay OKAY NA OKAY na sa karamihang mamamayang Pilipino. Bakit? Kasi sawang -sawa na ang mga tao sa mga manloloko at mga DOROBONG magnanakaw at sinungaling mga Politiko sa PINAS! Totoo naman, di ba? Pagkatapos ng ilang dekadang kawalanghiyaan ng karamihan sa mga naupong opisyal sa Pinas, na magnanakaw at gusto lang magpayaman kapag nahalal na, ay sa wakas, nagsawa na si Juan De La Cruz at sipain na ang mga demonyong magnanakaw sa gubyerno! Hahaha! Ok lang, di naman ako, magmumura na kagaya ni Digong! Hahaha! Putris, magiging uso na yata ang mga-leleche sa PUBLIKO! @?<)#@@@, Hahaha! Kasi nga naman, punong-puno na sama ng loob at naubusan na ng pasensya ang publiko sa mga gagong opisyal ng pamahalaan ng Pinas! Di nga ako makapaniwala na TUNAY PALA si Mayor Presidente Digong sa mga pangako niya na gagawin para LINISIN ang katarantaduhan sa PILIPINAS! Eh siyempre, marami pa din mga hipokrito sa Pinas na galit sa pagmumura ni Digong pero esitlo lang naman niya iyon! Kasi nuong lumalaki pa ako at bata pa, marami din naman akong mga Tiyuhin na galing sa Batangas na mahilig magmura! Kasi nasanay sila duon at parang parte lang naman ng kanilang pang-araw na bukabularyo sa pagsasalita! Para bang estilo, kung baga! Eh syempre, kung nasanay na gamitin ang pagmumura ay magiging normal lang sa kanilang pang-araw araw na pakikipag-usap sa ibang tao. Di ba? Hahaha! Ok, ang malaking pagkakaiba nga lang ay PANGULO ng Pilipinas ay numero unong NAGMUMURA na tinatanggap na ng mga MASANG PILIPINO para nga lang maglinis na ang mga walanghiyang magnanakaw at mga sinungaling na POLITIKO sa PINAS! Gulat nga ako sa halos lahat na naupong opisyal ay magnanakaw at karamihan din ay mga BABAENG opisyal pa! Kung bakit kasi malaki pa din ang tiwala ko at respeto sa pangkaraniwang babae lalo na nga at mga opisya, e kaso nga ay marami ding palang MAGNANAKAW at SINUNGALING na BABAEN opisyal na nakaupo! Nakakawalang gana kasi na puro kurakot ang nasa isip pag nahalal na ang pangkaraniwang politiko sa Pinas! Para bang lisenya sa pagiging mayaman sa Pinas pag nag-iboto ang isang kandidato ! Yun naman ang totoo, walang makakatutol diyan! Ay naku! Natutuwa ako at sa wakas ay may malaking pag-asang maka-ahon na sa kahirapan ang mga Pinoy at Pinay! Wag lang sanang magiging eksperto sa pagmumura ang karamihang mamamayan sa Pinas! Hehehe! Very coloful kasi ang mga speeches ngayon ni Digong! Sabagay, ok pag sa bibig nya nanggagaling, kasi yun nga ang STYLE ni Mayor kaya, masanay na kayo diyan! AY PU-------NG INAHIN, hahaha! Ok, mag-aalmusal na nga ako, mga kabayan! Kain na kayo! Paki-greeting na lang para kay MAYOR DIGONG mula dito sa Vancouver Island, British Columbia! MABUHAY! YAAAY! Pasingit nga lang po,,taga-Baliuag po ako nuon at di Bisaya! Biro lang syempre ang picture ni Mayor dito!   Hehehe. Sige po ang PAALAM for now!!!


NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA

Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...