Hmmm, di ba pag nakakakita tayo ng mga magagandang sceneries sa mga magazines at habang nanunuod ng video mula sa abroad, the first thing na masasabi natin ay, " WOW na WOW, ang GANDA!". At syempre, medyo tayo maiinggit kasi, someday din gusto nating maka-experience ng katulad ng ibang kabayan. Ang pangkaraniwan na nakakatuwang makita ay ang winter snow! Kasi lalo't malapit na ang Pasko, ina-asosociate natin ang snow sa Pasko lalo na't may mga Pine trees sa background at saka may patong na snow, MALIGAYANG PASKO na po!! Hehehe! Ay sa totoo, wala sa loob ng mga taga-'Pinas na mahirap linisin ang mga snow! Ok lang kung nasa apartment ka lang at umuupa pero pag meron kang bahay, ikaw na may-bahay ang bahala sa papag-clearance ng snowfall kasi batas sa Canada na linisin ang snowfall sa sidewalk sa tabi ng bahay mo. Pag hindi ay puede kang pagmultahin ng municipyo! Ang gagawin nila ay magpapadala sila ng mga city workers at saka sila ang maglilinis pero ang mahal ng singil, kasi City workers ang rate nila! Aha, ganun pala kamo! Kaya mapipilitan kang mag-shovel ng snow! Ang kaso nga lang kung minsan, lalo na sa Northern parts ng Canada, malimit mag-snow kung minsan nga over 7 months sa taon-taon yun! Ay!, Patay ang katawan mo sa paghuhukay ng snow! Yamot at kabwisitan pagkaraan ng maraming araw na paghuhukay! Hehehe, eh ano, gusto pa ba ninyo ng SNOW? Kaya nga after 19 years ako na tumira sa Edmonton, lumipat kami sa Vancouver Island, British Columbia para makalayo dun sa lugar na yun! Sobra tagal kasi ng winter duon! Ang downside naman sa Vancouver island ay sa halip na snow sa winter ay tag-ulan naman dito! Ay, mas gusto ko naman ang ulan kasi nasanay naman tayo sa ulan at bagyo sa 'Pinas! Yun nga lang, mas mahal tumira sa isang isla ( Vancouver Island) kasi sasakay ka ng ferry from the mainland para makarating dito sa amin. Ang mahal ng bayad sa Ferry! Kasi base yun sa taas at haba ng sasakyan mo. Kahit naman, halimbawa, ang ordinaryong tsekot at saka dalawang pasahero , mga $80.00 one way ang bayad! ANO? Ang mahal! Kaya yung mga may trailers o kaya mahahabang motorhomes, ay halos $400 plus ang bayad, one way lang yun! OO nga, magandang tingnan ang mga sceneries dito pero mahal din ang pamumuhay sa Vancouver Island. Pero retiro naman ako. Sulit na kasi, maganda ang klima dito, maigsi lang pa winter. At saka kahit mag-snow ay lusaw kaagad after 1-3 days at the most naman! Kaya,ok na sa akin ang extra bayad kasi maligaya naman ako ! Ay ayoko ng maghukay ng SNOW! Delikado pa yun kasi candidato pa ako ng heart attack kung maghuhukay pa uli ako ng SNOW, no thank you! Ayaw ko na! HEHEHE!
Ok po, sa susunod na kabanata uli! Matagal akong di nakagawa ng article kasi masyadong naging busy. Pero I'll try uli na makapag-publish uli sa Birong Pinoy, sorry sa very long delay!!! Bye for now!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment