Ok, Ok, dapat ay BirongPinoy ang topic, naging sentimental si Lolo, hehehe, pasensya na kayo at kasi pagnagkakaedad na nga pala ay ganito ang nangyayari! Nagiging serious ang isipan! Aha, pero, hindi pa ako susuko sa edad ko! Hahaha, ay malakas pa ako at mahilig pa ding tumawa at magpatawa! Alam ninyo, pag summer na sa lugar namin ay para na din sa 'Pinas kasi sa Vancouver Island ako nakatira. Mainit din dito pag summer, kasi nga dahil din sa humidity kung minsan ay 30'C plus din ang temperature dito parang Manila din. Buti kamo at tabing dagat kami kaya may hanging dagat, ayos na din! Hindi alam ng marami na may mga lamok din dini. Kaya ang dapat ay linisin ang mga balde , plastic pail at iba pang puedeng maging itlugan ng mga lamok! Ay, para ding mga lamok sa atin, vampira din ang mga bwisit na yun! Ang lugar namin ay maraming ulan din pero mas gusto ko nga yun kesa sa snow! Yun nga eh, sa winter time ay tag-ulan ang kalimitang klima dito di kagaya ng ibang lugar sa Canada na may snowstorm. Paminsan-minsan din ay may konting snowfall sa lugar namin pero kalimitan ay ulan. Nabanggit ko na nga ang snowfall sa isa kong POSTING kaya di na ako ganung magkukuwento tukol duon. Ang mga pangkaraniwang mga tao dito ay talagang very polite! Magagalang din at maraming mababait na tao lalo na yung pangkaraniwang MAYAMAN ang tawag sa atin. Halimbawa, kapag may sinudundan kang isang mama o ale na nagbukas ng pinto halimbawa sa opisina, shopping mall o kesa nga saan, hahawakan nila ang pinto para di sumara sa pagpasok mo! Ang bait at very caring ano? Hehehe, sa Pinas ay di uso yun, palaging nagmamadali yata sa atin kasi naman ay ang daming tao! Dito ay kahit crowded ay di nalilimutan ang good manners! Magandang tingnan yun at masarap at mahusay na kaugalian, di ba? Marami din akong mga kakilala na may pera din at mayaman ang buhay nila pero hindi napupunta sa ulo. Bihira dito ang tinatawag na mayabang at pasikat kasi nga , halos lahat naman ay disente ang pamumuhay.
Marami pang mga ugali at kalakaran din na naiiba sa 'Pinas. Halimbawa ay sa pagkain sa restaurant o kumbida wari sa isang bahay. Di ba sa 'Pinas ay kaugalian ang hindi uubusin ang pagkain sa plato for whatever reason, baka eka akalain na guton na gutom. Dito ay uubusin nila hanggat makakayanan ang natitirang pagkain sa plato kasi nga, ayaw din ng mga taga-rito na sayangin ang pagkain lalo na ang ulam. Kasi pinaghirapan din yung pera bago nakabili na lulutoing pagkain! Maganda ang turo dito kasi yung mga naunang mga imigrante dito ay mga naghirap din bago nakadaos pagkatapos ng ilang taon pagsisikap dito.Putris, nag-parang PARE yata ako, tunog SERMON paya ang ang laging labas ng posting!! Hehehe, Ok na po mga Kabayan, at magdidilig ng ako ng mga tanim ko...All together now..." Bahay Kubo, Kahit Munti...( di munting lupa ha?)..Babay!
Tunay na vegetable garden ko ito!
Miss ko minsan ang kubo sa Probinsya!
No comments:
Post a Comment