Tiyak na hindi lang ako ang may kasong ganito: Dalawa ang anak ko, parehong lalake. Ang panganay ay may anak na batang babae, una at nag-iisang apo pa lang. Ang bunso kung anak ay walang balak mag-anak. Syempre, medyo lungkot kami ni Misis ko kasi mas maganda at masaya kung mag-kakaanak sila. Kaso nga mas gusto ang kanilang alagang aso. Malayo ang bahay at tinitirhan ng panganay ko! Halos mahigit na 4,000 kilometro ang layo nila mula sa amin. Dalawang lipad ng eroplano bago makarating sa kanila. Sa halaga ng pamasahe e bihira lang kaming magkita! Halos nga taon-taon lang. We take turns naman para di ganung magastos sa aming dalawang pamilya. Ngayon, yung bunso ko naman ay mga 8 minuto lang ang layo ng bahay nila mula sa amin. Busy silang pareho nung mahal niya kaya di gaanong madalas din ang pasyal at bisita nila sa amin.
Di ba sa fridge natin may mga retrato ng mga mahal natin sa buhay na naka-dikit sa tulong ng magnet? Sa aming fridge ay naka-display ang dalawa kong APO AT APSO! Hehehe, yung apong babae at ang APSO mula sa bunso! Tinawag ko na lang na APSO ( ASO AT APO) para di ako malito. Hehehe! Ngayon, parehong cute syempre yung dalawa! Kaya nakakatuwa pag nandito silang pareho. Kaso nga ay taunin lang kung magkita yung dalawa! Ang kainaman nga ay regular na Skype kami para kunwari ay TOTOONG nag-uusap na kaharap talaga! Nag-iiSKYPE naman yata yung dalawang magkapatid at yung mga alaga nila ay nagkikita din, hehehehe! Nuong isang taon ay nagkita yung APSO at APO ko sa aming lugar. Nakakatawa kasiyung unang pakikita nung dalawa!
APSO: LARO tayo!
APO: Walang kagatan ano?
Kakatuwang panuorin yung dalawang " bata ", kasi yung APSO ay mahigit lang isang taon at yung APO ay 3-taon na! Laro sila na parang parehong " TAO", lol!
Sa madalit sabi ay DALAWA nga ang naging APO at APSO ko! Hehehe, parehong nakakaligaya sa buhay naming mag-asawa at lahat naming pamilya! Basta maligaya ang buhay at tahimik na namumuhay, wala na akong mahihingi pa! OK na yun sa akin! O , sige at maglalaro na kami ng APSO ko! Hahaha! Babay!!!
Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Tuesday, August 25, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...
No comments:
Post a Comment