Thursday, December 27, 2012

ANG JEEPNEY SA PINAS




Dapat ay ihinga ko ito kasi ay talagang bwisit ako sa JEEPNEY! Unang-una, sobra naman ang mga dekorasyon nito. Masakit sa mata, masakit tingnan at siksikan talaga sa loob. Lalo na kung medyo matangkad ang pasahero, masakit sa likod, leeg at iba pang parte ng katawan mo. Lalo na kung mapaka-init ang klema, punong-puno sa loob at baka me amoy pa ang katabi mo, Inang ko po! Hhehehehehehe...Hindi naman sa namimintas kasi sanay din naman  akong sumakay sa jeepney nuong araw nung nasa Pinas pa ako . Nasasabi ko lang  kasi e ito ang napag-uusapan natin ngayon. Kasi talaga namang sobra-sobra naman ang mga inilalagay sa labas at loob ng jeepney. Di ba?


 Ang kainaman naman sa jeepney ay mura  lang naman syempre  ang bayad. Binibiro mo kung walang mga jeepney , Ay,e di lalong hirap na magiging buhay . Paano namang makakapunta sa kanilang mga trabaho ang mga pangkaraniwang mamamayan o trabahador? Syempre, malaking bagay sa buhay ng pangkaraniwang mga tao sa Pinas. Nasasabi ko lang na bwisit ako sa sobra-sobrang mga dekorasyon lalo na sa harap sa windshield ng driver. Ewan ko paanong nakikita nung driver ang mga daan at ang traffic sa dami ng mga dekorasyon, hahahaha! Yung mga nasa ibang bansa ay ikumkumpara itong mga jeepney sa mga sasakyan ng mga Mexicano kasi , maarte din kasi sila lalo na ang mga lalakeng Mexicano kasi sobra din ang dekorasyon nila sa kanilang mga sasakyan lalo na sa mga kotse! Seguro kasi namana natin yun sa mga Kastila, hehehehe!


Ang mas grabe syempre ay yung mga nasa probinsya na taksan-taksan talaga ang mga pasahero kasi di gaanong maraming mga byahe ng mga jeepney sa kanilang mga rota kasi nga ay ang mahal na gasolina sa Pinas. Ang kahirapan nga lang ay ganun din ang bayad o pasahe mo, kahit nasa tuktok ka ng jeepney! Bilib nga ako at mahusay mag-balansya ang mga pasahero kasi lalo na kung lilikong bigla ang jeep ay baka mag-bagsakan lahat ang mga pasahero. Eh tiyak na bago ka dalhin sa ospital ay sisingilin ka muna nung driver, hehehehe! Lintek naman sistema yun ano? Hhahahaha! Ang kainaman nga lang ay walang ganung maarteng mga pasaherong babae dun sa ituktok ng jeep, bwisit din kasi ako sa mga maarteng mga tao...hehehe, kahit na ituktok ng jeep eh di maiwasan yung kaartehan...hahahaha! Sana yun ang mabagsak sa kalye, hahahaha! Hey, biro lang yun...hehehehe.


Eto nga pala ang isa pang kinabubuwisitan ko: Bakit ba ang hilig lagyan ng Mercedez Benz logo ng mga jeepney driver sa atin? Hhahahaha, akala ba nila talaga na may maniniwala dun? Tamo yung mga ka-artehan na yun, pag-inisip mo nga ay maiiling kalang sa mga luho at kayabangan sa Pinas...hahahahaha! Mas gusto ko pa ang talagang simpleng jeep, walang dekorasyon, mas malinis at maganda sa tingin....kasi may sasakay din naman sa jeep , may dekorasyon o wala, di ba? Kung gusto mong mamalengke at nagmamadali ka, e sira naman ang ulo mo kung mag-aantay ka pa ng maarteng jeepney. Kung may naunang simpleng jeepney na walang dekorasyon, eh alangan namang mag-intay ka ng kalahating oras para lang makasakay sa maarteng jeepney...hahahaha!

  

Ang kaso lang eh walang simpleng jeepney na namamasada sa Pinas. Oblisgasyon yata ng lahat ng may-ari ng mga jeepney na lagyan ng patong-patong ng mga dekorasyon at iba-ibang mga kulay ang kanilang mga jeepney. Kasi sa kanilang palagay ay mas maganda kung mas maraming mga dekorasyon...ay naku, kaya pala ako walang jeepney kasi wala akong hilig sa kaartehan...hahahahahaha! Ok, ito ang aking topic sa aking Blog, sa susunod na uli..mag-iisip ako na makaka-asarang bwisit...BABAY!!!!! Ok, eto na pala ang jeepney ko...maka-punta nga sa palengke at makakain sa karenderia ni Aling Maria...sarap ng goto nya!

Punong-Puno at may baboy pa sa loob!!!

Hila-hila express...pawis Steering din yan...
Halos walang makita sa harap ng Jeepney ,puno ng mga dekorasyon!

Sunday, December 23, 2012

AY LOLO NA AKO

"Magandang Pasko po sa inyong lahat!" Ay naku, ang bilis talaga na takbo ng
 panahon. Nuong isang taon ay pangkaraniwan lang ang takbo at pakiramdam ng buhay ko, ngayon ay naging LOLO na, hehehehe! Naging myembro na rin ako ng mga LOLO't LOLA Tropa. Totoo nga ang ating naririnig , iba ang pakiramdam ng naging bagong LOLO...MATANDA NA KO! Hhehehehe...ano nga ba ang nangyari at biglang-bigla naiba ang tawag sa akin...LOLO. Parang bang ang nasa isip kapag narinig ko ang salita na yun ay letrato na isang hikaing, matandang lalaki na may tungkod at paengkang-engkang na lang ang lakad. At saka masasakit ang mga braso, likod, paa, hita, kamay, malake tiyan, hindi na halos makakilos...at iba't-iba pang mga problemang sakit...hahahaha! Mainam naman at porke may disiplina ako sa buhay ay medyo malakas pa ang aking katawan. E bakit nga e wala namang mga ka-inuman linggo-linggo..toma dini-toma dun at walang yosi...hehehe! Pero balik tayo sa pagiging Lolo. Ang pakiramdam pala ay parang nagmamalaki ka ,kasi ay ang anak mo ay naging Ama din kaya kung walang LOLO ay hindi siya 
 magiging DADDY! Ah, tama nga! Ang problema lang ay walang kahawig sa akin ang aking APO, kaya wari-warian lang yata ang pakiramdam ng pagiging LOLO sa
 BATA..!Di ba ganun ang maririnig natin ano? Sino ba ang kahawig nung bata? Eto syempre ang sinanryo, hehehe, kapag napaka-panget nung apo eh syempre, ayaw mong masabing kahawig mo, hahahahahahaha! Ngayon, eh sino naman ang gustong umamen na panget ang kanilang mga apo?  Kasi nga ang tingin ng lahat sa mga bata ay KYUT, hahaha, kahit halimaw ang itsura . Lintek na biro ito ano? Hahahaha...Kasi sa tingin ng  mga bagong  magulang sa kanilang bagong silang na anak ay ang pinaka-kyut na bata sa buong lupalop sa kapaligiran nila! Pinaka-magandang bata. Ok, nasisiste ko lang ito kaya huwag kayong magagalit sa akin. Sabi ko nga ay mga BIRO  lang ito...relax lang kayo. Kaya madaling makita kung bakit maraming mga kabataan na lumalaki ang mga ulo maski bata pa kasi nga ay nasasanay sa mga tawag na " POGI"  at " GWAPO", o " MAGANDA.."..kaya paglaki ay maluluho at mga nasanay sa basta hingi at bigay naman ang mga magulang at mga Lolo at Lola nila sa mga hinihingi kasi ay ' KYUT' sila. Eh ang nangyayari nga lang ay 45 anyos na pala sila ay maarte pa rin at nakasuso pa sa mga magulang o mas grabe ay sa mga matatandang Lolo o Lola nila..hahahaha! Ay naku, mahirap maging LOLO ano? Iba kasi ang takbo ng isipan ko kaya wala akong takot na ang aking APO ay magiging SPOILED dahilan sa akin....pangako yan...hehehe! 

Ay mainam at sa isang buwan ay dadalaw sa amin ang aking APO. Halos mahigit na 9 na buwan na yung APO pag nagkita uli kami, syempre sabik-sabik na kaming LOLO at LOLA na makita yung bata. Huwag kayong mag-alala, di namin tatawagin na pinakamagandang BATA o APO sya...hahahahahaha! Alam naman namin kung sino kahawig eh...sino nga ba? Hhahahahaha!!! O, sige, Magandang PASKO uli sa lahat lalo na sa mga bagong LOLO AT LOLA sa buong mundo! BABAY!!!

Saturday, December 8, 2012

MANGITI NAMAN KAYO

                               Konting Ngiti naman diyan!














Medyo matagal na rin ang nakakaraan bago uli ako nagawa ng karugtong ng blog ko. Kasi nagkakaedad na rin kaya makakalimutin na rin. Pagkasi tumatanda na eh nagiging malilimutin! Sabagay normal naman yata  ito ! Medyo lumalamig na dini mabuti at wala pang snow sa aming lugar kasi medyo mas maganda ang klima dini , di kagaya sa ibang parte ng Canada. Ang lalalim na ng snow duon sa kanila. Mga ilado na seguro ang mga puwit ng pobreng taga-ruon...hehehe. Kasi di naman nga na basta puedeng umalis at lumipat sa ibang probinsya ng biglaan. Mahirap din syempreng humanap ng mga trabaho dini. Ano ba ang pag-uusapan natin ngayon? Hmmm, sa halip na maghirap pa ko sa kakaisip ng topic eh gumawa na lang ako ng mga letrato ng mga hayop at nilagyan ko ng captions. Kasi wala akong makitang translation book ng mga salita ng mga hayop. Dapat ay may nabibiling dictionary or translation book para maintindihan natin ang kanilang sinasabi, ano? Hehehe...Isipin na lang na mas maraming hayop kesa sa mga tao, di ba? Sabagay may mga taong mahusay makipag-usap sa mga hayop. Si Ceasar Millan na sikat na " Dog Whisperer"...yung iba ay naiintindahan ang mga wika ng matsing at kabayo. Di ba lalo na ang may mga alagang aso, naiintindihan noong mga aso mga utos sa kanila at halos parang tao ang trato sa kanila nuong may alaga.Ok, tingnan natin ang mga halimbawa ng aking mga piniling mga hayop at sana naman ay mangiti kayo, sabihin naman ninyo kung nakakatawa o hindi..hehehe!

Saturday, September 22, 2012

POGI O TSONGGO


Ang isang obsesyon ng mga tao lalo na sa Pilipinas ay ang maging " POGI, MAGANDA, TISOY, TISAY,etc." Malaki dangkasing pagkakataon sa isang bata na ipinanganak na eka nga e..." Pogi o Maganda". Ang kaso eh paano naman kung ipinanganak ka na kahawig ni Mrs. Obama o kaya kung kamukha ng ASUWANG  eh kawawa naman ang pobreng ikaw. Kasi nga ay may espesyal na posisyun ang maging gwapito o gwapita! Kung bakit ganun ay ewan ko talaga kung saan at kelan nag-umpisa itong tradisyun na ito. Bakit nga ba naging ganoon ang tradisyun ? Ang problema ay magmula sa kabataan ay lumaki tayo na narinig yung paniwala na pag maganda ang ating porma at pagmumukha ay malaking bagay at tulong sa ating pag-asenso sa buhay, Grabe namang paniniwala yun. Ang problema ay mas maraming mga tao ang may pangkaraniwang porma o normal lang ang mga itsura. Hindi lahat syempre ay puedeng maging ARTISTA ma puera yung parte na kailangan eh sa " pangit" na pagmumukha. Halimbawa ay sa parte sa HORROR movies, di ba? Eh syempre, bihira ang may gusto ng parte na yun lalo na nga at kapag-pangit ang magiging ROLE o parte sa pelikula!
Ano kaya ang mangyayari kung tayong lahat ay ipinanganak na mukhang TSONGGO o kaya ORANGUTANG? Nakakatuwa syempre pag mga bata pa tayo ano? Ang magiging tuksuhan kasi ay halimbawa ay ito: " Inang, Inang, eto po si Efren at tinutukso ako! Tawag po sa kin ay kahawig ko daw po si BRAD PITT, yung  artistang TAO po sya sa Hollywood! " Ang pangit -pangit po naman nun, Inang!" Syempre yung Inang mo ay pagagalitan yung kapatid mong si Efren. " Hoy, Efren, bakit ka naman mapakalupit sa bunso mong kapatid at tatawagin mong kahawig ni Brad Pitt, anong kagaguhan ba ang natutuhan mo sa eskwelahan mo? "...Malaki kasing insulto para sa atin yun kung tayong mga TSONGGO o ORANGUTANG ay ikukumpara pa mga TAO! Eh sino nga ba ang may  gusto ng makinis na kutis at wala halos na balahibo sa mukha at buong katawan? Sobrang pangit naman nun, di ba? Ang mangyayari pala ay kung tayong lahat ay mga TSONGGO at ORANGUTANG ay halos pala ganun din ang mangyayari ano? May obsesyon din pala na maging maganda o POGI kahit sa mga MATSING. Bakit nga ba naging ganun? Sasakit talaga ang ulo natin kasi mahirap paniwalaan eh, di ba? Hahahaha...
"Oy, ang cute cute naman ng BABY mo, parang ORANGUTANG, very cute, super cute naman. Ako sana ang maging NINONG ni ORANGO, pwede ba, kumpare mo na ko...hehehehe! Baka maging susunod na SUPERSTAR ang batang ito, super POGI kasi, sarap halikan, SUPER POGI kahit BABY pa lang! Hehehehe, Ganun tiyak ang ating maririnig kung tayong lahat ay mukha ngang mga TSONGGO, MATSING o kaya ORANGUTANG, di ba? Syempre mainam ay ma-deseplina ang mga pogi o magagandang mga bata para paglaki nila ay hindi maging mayayabang at lalaki ang mga ulo. Sa madalit sabi ay huwag maging SPOILED yung bata. Ang kahirapan syempre ay marami din kasing mga klase ang mga MATSING at TSONGGO. Buti nga ang mga OGANGUTANG ay halos lahat sila ay magkakamukha, alam mo na, MUKHANG ORANGUTANG lahat, pare-pareho lahat at wala halos na pagkakaiba sa isa't isa.

Isa pang halimbawa ay ang mga ROCK STAR. Ang kainaman sa mga ROCK STAR ay kahit di ka ganung POGI ay magiging SIKAT karin basta syempre mahusay kang kumanta at mag-gitara. Yuon ang  pagkakaiba ng maging artista sa ROCK STAR. Syempre sikat ka habang may mga bagong kanta ka na sumisikat. Talagang ganun , kasi negosyo din syempre yun. Kailangan ay ibenta ang nag-cli-click. O eh sige, kayo na mamili kung maging kamukha tayong lahat na TSONGGO o balik tayo sa pangkaraniwang TAO. TAO o TSONGGO...MAMILI NA KAYO..babay na uli at susunod na kabanatan uli...BABAY!!!

Monday, April 16, 2012

TUMAMA SA LOTTO

Ay talaga bang totoo ito? Wow!

Ano kaya at isang araw nga ay biglang-biglang natupad ang iyong pangarap sa buhay: Sa wakas ay tumama ka sa LOTTO ng katumbas ng 50 Bilyong PESOS! P50,000,000,000...kasi ay may kamag-anak ka na bumili para sa iyo ng ticket sa ibang bansa at parang biro sa iyo ay nasa pangalan mo ang nanalong ticket! Wow, ok, syempre kung ano-ano na lang bigla ang mararamdaman mo! Inang, Tatang kamo, NANALO ako sa LOTTO, MAYAMAN na tayong BIGLA!!! AALIS na tayo sa ating barong-barong at wala nang tuyo at murang bigas para sa atin, hehehehe! Eh sabi nga ng mga experto dito eh mag-relax lang muna, dahan-dahan lang muna, huminga ka ng malalim, mahirap syempreng gawin yun kasi EXCITED ka talaga! Ay putris, seguro kating-kati ka na ibalita sa FACEBOOK biglang-bigla na nanalo ka , BILYONARYO na nang BIGLA, WOW!!! Maiisip mo, BIBILI ka agad ng bagong bahay sa isang magandang subdivision , ah hindi, bibili ka ng isang isla sa PALAWAN, para malayo sa mga kamag-anak na biglang-biglang lilitaw sa buhay mo, hahaha! Ang talagang mangyayari eh magbabago ang iyong buhay sa gusto mo o sa hindi. Binibiro mo, tiyak na FRONT PAGE news ka sa mga dyaryo sa buong MUNDO lalo na sa baryo mo! Halos imposible na magtago ka kasi ang mga reporter at mga kapitbahay, mga abogado, politiko, pulis, NPA, mga kriminal, mga pare, madre, hospital, simbahan, mga dating classmates mo, teachers, lahat halos ng mga tao sasalakayin ka, kasi BIDANG_BIDA ka agad!!! WOW, ang hirap pala kamo ng biglang naging MAYAMAN!!! Lahat tayo syempre ay may pangarap na manalo ng marami sa LOTTO. Ang problema nga lang ay hindi naman talaga natin inaasahan ng matutupad ito kaya nga tinawag na pangarap, di ba? Dito sa lugar namin ay may kilala akong isang simpleng Indian ( First Nation ang tawag dini) na nanalo ng malaking pera din sa LOTTO. Sa madali't sabi ay $25,000 /week for 25 years o kaya $650,000 na cash sa halip na hulugan kaya malaki rin ang awas. Ang kaso lang ay bumili ka-agad siya ng mamahaling 4 x 4 truck na mahigit na $ 85,000. Bumili din ng bahay na $350,000. Ibinili nya ang mga anak nya ng mamahaling mga kotse . Ang mga kaibigan at ibang kamag-anak ay syempre nabigyan din. Ang nangyari ay madaling naubos ang napanalo nyang pera pagkatapos lang ng 2 taon. Kasi pag hindi kasi sanay humawak ng pera ay ganun ang talagang mangyayari . Kailangang pag-isipang mabuti ang gagawin. Mayron ding akong nabasa na isang Pinoy na dating mahirap din na biglang nanalo ng ilang milyong piso. Ang kaso lang ay pagkatapos lang ng isang taon ay balik uli syang pulubi kasi mahilig sa sugal , akala nya ay magtatagal ang pera nya kaya ayun, balik uli sya sa dati nyang buhay. Ano nga ba ang nararamdaman ng nanalo sa LOTTO? Ako ay nakaramdam ng kaunti lang naman mga 25 na taon na ang nakalilipas. Nanalo din akong nga bread-maker, binocular,cruise, LAS VEGAS trip, camera, libreng pagkain sa restaurant at ibat-iba pang mga contest. Ang pakiramdam syempre ay isang masarap sa kalooban pero iba syempre ang pakiramdam ng mapakalaking panalo, lalo ng kung $25 million dollars , Hahaha! Ito ang aking gagawin kung ako ay mananalo ng ganung kalaki. Unang-una ay aalisin ko ang aking telepono, ang aking FACEBOOK account, ang aking address, lilipat ako sa isang sekretong address, hahahaha!!! Biro lang pero baka nga gawin ko yun ano malay ninyo. Kaya kapag nawalang bigla ang aking pangalan sa FACEBOOK ay tiyak na iyon ang dahilan!!! Hhehehehe...mag TTNT AKO SA FACEBOOK...ayun ang mangyayari. Symepre may mga balato ang aking mga paboritong kaibigan at ibang mga kamag-anak, hehehe, eh ang problema lang ay lima lang yata ang mga kandidato..sorry ano??? Okey, kaya mainam ay bumili na kyo ng LOTTO kasi ano malay ninyo baka sa isang lingo ay mawawala na kayong bigla sa FACEBOOK!! Ok lang yun, kasi alam naman namin kung ano ang mararamdaman ninyo,,hehehe very understanding naman kami..talaga? Basta huwag lang kalimutan ang aking BALATO ano?? Hhehehehehe....o sige at mag-iihaw na uli ako ng tuyo at dilis dini, wala pa kasi akong napapanalunan sa huling LOTTO na nabili ko..BABAY!!! Balik uli tayo sa ating normal na buhay, ay kailan nga kaya matutupad ang ating pangarap...???


Monday, March 26, 2012

KWENTONG TOTOO


" Maestro, naririto na po tayo! ", sabi ng janitor sa akin. Matanda  na siya pero malakas pa ang katawan ng school janitor na sumama sa akin para ituro ang daan sa eskuwelahan sa Pinagtulayan. Ang kaso lang ay nasa kalooban at kalagitnaan ng kagubatan doon sa Norzagaray ang eskwelahan. Noon ay1969! Ang tagal na pala ang nakakaraan! Para na lang panaginip sa akin!  Doon ako na-destino.Kasi ay walang pangsuhol sa mga matataas na opisyal duon sa Baliuag. hehehe! Ganun kasi ang kalakaran sa atin, lalo na nuong mga panahon ni Marcos. Eto, ang problema ko ay kung papaano ko gagawing katatawanan o parang biro lang ang kahirapan sa katawan at sa isip na nangyari sa akin noon. Unang-una ay ako lang ang nag-iisang teacher sa sulok ng gubat doon ! Parang si Tarzan pa yata ang nangyari sa akin. Yun nga lang, maliit lang ang katawan ko at walang akong nakitang tsonggo o matsing . Ok sana kasi ay may alagang matsing si Tarzan, ano nga ba ang pangalan nuong tsonggo na yun, Imelda ba? Hehehe, si Chita nga pala, sorry . OO nga pala, apat ang klase ko pero kunti lang ang mga estudyante. Grade One hanggang Grade Four. Kasi ang karaniwang mga estudyante doon ay tumutulong syempre sa mga tatay nila na halos lahat ay magsasaka.
Putris pasensya nga pala at hindi naging " bulag" ang porma nitong "BLOG" ko ngayon, parang kwento ni Lola Basyang yata ang nangyari," Efren, huwag ka ng malikot!". Ay na-gago na yata ang nangyari, ok, ok, balik na tayo sa aking totoong kwento. Medyo naligaw na naman ako, hehehe, eh wala namang lambanog dini at hindi lasing. Hmmm, masarap sana kung may sitsaron habang nag-kukwento ako, isasawsaw sa toyo, bawang o sibuyas at konting suka, ayos! Ay putris at wala, sayang! Ang mga nakakatawa lang na mga pangyayari sa aking adventure doon sa bundok ang isusulat ko, seryoso na ako, PANGAKONG tunay na!!! Ang pangkaraniwang CR doon sa bundok ay sa likod lang ng mga dampa noong mga taga-roon. Sa madalit sabi ay walang formal na CR, sa lupa lang sila , halimbawa ay likod ng mga tanim na gumamela, hahaha. kunting hukay at tabon.." BORN FREE "...buti kamo at sa eskwelahan ko ay may maliit na parang barong-barong na nagsisilbing CR, at least ay may maliit na bubong at kunting privacy, hehehe...
Ang tubig nga pala ay isang maliit na bukal ( spring) seguro ay mga 100 yarda ang layo mula sa eskwelahan. Doon ako naliligo , syempre, malamig pag umuulan kaya mainam pa ay maligo sa ulan, hehehe! Wala syempreng koryente sa bundok kaya maagang natutulog ang mga tao doon, iyun ang dahilan kung bakit maraming mga bata doon, hahaha!!! Birong totoo yata iyon, pwede nang paniwalaan , di ba? Mahilig akong mamaril ng mga ibon pagkatapos ng " pagtuturo" para pang-ulam ko sa hapunan . Piniritong ibon, kanin, kamatis at kung ano man ang mga gulay na makukuha sa mga paligid-ligid. Pag-pagod kasi ay kahit ano na lang ay masarap kainin lalo na't GUTOM, di ba?
Naiiba syempre ang style ng pagtuturo ko kasi nga ay AKO lang ang teacher sa na-destinuhan ko. Basta syempre naman na tinuturuan ang mga estudyante ay iyon ang importante. Nuong isang araw na kainitan talaga, niyaya ko ang aking mga estudyante at nagpunta kami sa malapit na  burol na may malaking puno ng duhat. Marunong kasi akong umakyat kaya ayun, inutusan ko ang aking mga estudyante na umakyat sa puno ng duhat at doon ako nagturo. Para kaming mga tsonggo na kumakain ng matatamis na duhat habang nagtuturo ako. Tuwang-tuwa ang mga bata kasi ay parang lakwatsa lang kami pero  seryoso naman ang klase ko. Ang pagkakaiba nga lang ay nasa mga sanga kami ng puno ng duhat. Syempre, punong-puno na duhat ang aming mga bibig, matatamis kasi. Kami lang seguro sa buong Pilipinas ang nagkaroon ng pagkakataong mag-aral sa itutoktok ng puno ng duhat. Magagaling syempreng mag-akyatan ang mga bata doon sa bundok kasi ay sanay sila. Kaya hindi ako natatakot na baka mahulog sila kasi  nga ay parang mga matsing sila! Mabibilis umakyat sa mga puno kahit nga puno ng buko! Syempre, walang mga sanga ang mga puno ng buko, sayang nga, sarap kasi ng buko juice at buko!
Noong isang hapon nga lang habang nasa itataas kami ng puno ng duhat ay may nangyari na hindi ko akalain! Habang nagtuturo ako sa isang sanga ng puno, ay may narinig akong tawag. " Mr. Cruz, Mr. Cruz!", tawag sa akin  nagmumula sa ibaba ng puno. Tingin syempre ako, nabigla ako! " O, Mr. Cruz, putris ano ginagawa NINYO dyan sa itaas ng puno?", boses ni Mr. Andres Cruz pala, ang aking principal na pumasyal at dumalaw sa akin ng biglaan! " Eto, Mr. Cruz, mainit kasi sa eskwelahan kasi yero ang bubong kaya dini ako nagtuturo para di ganong mainit". " Mr. Cruz, gusto ninyo po ng DUHAT? " Hahahaha!! Eh ano pa nga ang magagawa ko kundi alukin ang aking principal ng matamis na duhat? Sabi niya, " Putris ka, buti't hindi nahuhulog ang mga estudyante mo!" Sagot ko naman, " Mr. Cruz, walang problema dyan, daig pa nila si Chita, ang gagaling nilang umakyat , bilib ako!" Walang nagawa si Mr. Cruz, kundi tumawa lang! Natatandaan ko pa nga ang mga ginto niyang mga ngipin  sa harap ng bibig, hahaha!!!
Ay nako, kahit ngayon nga ay pag-naalala ko ang anekdota na iyon ay kahit ako nag-iisa ay nangingiti at natatawa ako. Marami pa syempreng mga nangyari sa akin doon sa nadestinohan ko pero sa mga susunod na kabanata naman, ok? Sayang, walang duhat dini...hehehe!!!




Wednesday, February 29, 2012

PAMAHIIN AT PANINIWALA


Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay naniniwala sa maraming mga pamahiin , kasabihan at iba pang mga  mga paniniwala. Ewan ko lang kung ang mga kabataan sa ngayon ay naniniwala parin sa mga popular na mga pamahiin. Matagal na akong umalis sa Pilipinas kaya ang aking hula at hindi na segurong naniniwala ang mga kabataan sa ngayon. Ang natatandaan ko ay sa mga probinsya ay marami pang mga matatandang mga tao na naniniwala sa mga mapakaraming pamahiin. Halos sa buong mundo naman yata ay may mga paniniwala ang mga pangkaraniwang mamamayan sa pang-araw araw na buhay. Ang isa sa pinaka-popular ay ang maitim na pusa sa daan o lansangan. Masama daw na makita ang isang maitim na pusa na lumakad o tumatakbo sa gitna ng lansangan kasi ay masama daw ang mangyayari at baka maging delikado at malasin ang sino mang makakita nito. Kaya ang dapat daw gawin ay bumalik sa bahay at duon muna magpalipas ng oras. Ewan ko lang kung ilang oras , hehehe. Kaya kapag nahuli ka sa trabaho ay iyun ang iyong excuse! Ok pala kung PUTI yung pusa...
OO nga pala, ang isang kasabihan pa na nabasa ko ay suwerte daw kung may mga maitim na langgam sa loob ng bahay. Ito ang kabaligtaran ng maitim na pusa! Ano kaya ang mangyayari kung may maitim na langgam sa likod ng maitim na pusa?
Kapag nasugatan ka daw sa Biyernes Santo, ito daw ay hindi gagaling!
Hindi daw dapat maligo kung Biyernes Santo at baka ka daw malasin! ( Wala ka dapat na katabi! )
Ang paggugupit o pagpuputol ng kuko kung Biyernes o sa gabi ay hindi daw dapat gawin dahil mag-aaway kayo ng isa't isa sa magulang mo.
Ang isang buntis na babae daw kapag kumain ng kambal na saging ay magkakaroon din ng kambal na anak.
Kapag nanaginip ng pambubunot ng ngipin, mayroon daw na kamag-anak na mamatay.
At kapag may namatay sa isa mong kamag-anak, hindi daw dapat na magwalis! Ito daw ay sa dahilang ang kaluluwa ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang. Hindi daw puedeng mawalis o maitaboy ang "kaluluwa" ng bagong namatay.
Kung ikaw daw ay maysakit, hindi dapat umupo sa unan kasi magtatagal daw bago ka gumaling!
Masama daw magsuklay ng buhok sa gabi kasi ang paniwala ay mamatay daw kagad ang iyong mga magulang ! Maraming mga matatandang tao na naniniwala dito.
Hindi daw mainam na maglagay ng perlas sa mga damit ng mga babae dahil masama at malungkot daw ang mangyayari sa buhay mo! Marami daw na " luha" ang papatak dahil sa iyak gawa ng kalungkutan!
Ang kaluluwa daw ng bagong kamamatay na tao ay bumabalik sa 3,5 at 7 na araw ng kamatayan.
Marami pang ibang mga pamahiin at paniniwala ang mga Pilipino. Ilan lamang ito na nabanggit ko. Sa susunod na kabanata naman seguro natin mababasa ...

Thursday, February 9, 2012

MGA PABORITONG KANTA NOONG 1960's

"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito ay original na kinanta at isinulat para kay Brigitte Bardot para sa isang pelikula ni Serge at Brigitte nung 1967.
Hindi ko malilimutan ang kanta na yan maganda talaga ..." The End of the World "...pansin natin yung Southern accent at twang nya sa " End" ang naging tunog ay " IND"..hehhe..cute naman...
Ang dami-dami nilang mga Hits, " My Prayer", " Smoke gets in your eyes"...
Wow, mga romantic talaga ang style ng " Lettermen"..." She Cried", " When I fall in Love"...
Palagay ko ay " Words" ang isa sa pinakamagaling na kanta nila, ang dami kasing hits!

E tiyak na kilala agad sila...." The BeachBoys"...clean-cut Americans.." Surfer Girl", " Wipeout"..etc.

Underrated sila pero magaling.." Bad To me", Trains and Boats and Planes, From a Window, I'll keep you Satisfied"

" Constantly", Summer Holiday, Bachelor Boy" , wow naman, lahat seguro ng mga kabataan nuong '60's ay gusto si Cliff!

Ok bonus na album kasi special si Cliff Richard!!!

" Runaway"...highschool days....

" You don't have to say you love me", how romantic naman..hehehe..

" Walk Away", " Born Free"...sayang at wala na si Matt, thanks for the wonderful songs, Matt...

" Do Wa Diddy" , kahit syempre nonsense ang title ay very memorable sa akin ...

Paaano kong malilimutan ang " Whiter Shade of Pale", si Mathew Fisher ang Hammond organist yan ang tinatawag na progressive at naging symphonic rock kasi na-inspired sila ni Johann Sebastian Bach...Ang pangalan nila ay galing sa pangalan ng alagang pusa ng isang kaibigan...Latin na ang pinakamalapit na translation ay " Itong malalayong mga bagay"

Palagay ko ay napakadaming na-inspired na mga teenagers sa kanta na ito...classic!

Napaka-simple ang style ni Roy, nakatayo lang sya, halos walang kilos habang kumakanta..trademark na sunglasses=success!

" Silence is Golden" sila yung grupo na kumanta

Magandang pang-grupong kanta , sikat na sikat nuong '60's...

Mas gusto ko ang slow sa halip na rock songs nila.." As tears go Bye, Angie"...

Medyo semi-heavy rock ang " Crimson and Clover" pero funky nga at naiiba...



" My Way", " Love and Marriage"..ay ang dami-daming hits naman..sobra...

Very cute kasi ang accent nila lalo na yung " Mrs. Brown you got a lovely daughter"..parang " do-tah"..hehehe..

" MoonRiver" lang ang patay na tayo, galing talaga ni Andy!

Mahusay din syempre di nila kayang talunin ang " Beatles" pero " Everybody Knows" ay very memorable na kanta!

Pag narininig ko ang " Telstar" ay parang mga spaceship at modern age ang aking naaalala...


"Wooden Heart", natatandaan natin yung accordion music at yung German lyrics? ..".Can't you see , I love you , Please don't break my heart in two, that's not hard to do, cause I don't have a wooden heart. And if you say goodbye, then I know that I would cry, maybe I would die, cause I don't have a wooden heart. There's  no string upon this love of mine, it was always you from the start. Treat me nice, treat me good, treat me like you really should, cause I'm not made of wood, and I don't have a wooden heart. Muss I den, muss I den, zum stadtele hinaus, stadtele hinaus und du, mein schat, bleibst hier? Muss I den, muss I den, zum stadtele hinaus, Stadtele hinaus und du, mein schat , bleibst hier? There's no strings upon this love of mine, it was always you from the start. Sei mir gut, Sei mir gut, Sei mir wie du wirklich sollst, wie du wirklich sollst, cause I don't have a wooden heart!!!



" The Last Waltz".." Release Me"...pang-kareoke na lang ngayon..hehehe..at least alam natin ang tono

Ok, tiyak na si Clint Eastwood ang ating maalala ...

Ang daming Spaghetti Western hits nuon...numero uno si Ennio Morricone...

" Young Girl"

Halos lahat ng radio stations nuon ay palaging pinatutugtog ito...

" What a wonderful World" . ang husay , ang galing!

Ibang-iba talaga ang boses ni Mary Hopkin...


Aba ay si Nancy Sinatra, kahit ngayon ay maganga pa ang boses

" Love is Blue" putris malungkot pero ang ganda-ganda naman ng melody...

" A Summer Place", wow, lumaki tayong na-inspired nito,,,very peaceful....

Pag lumuluwas sa Maynila nuon ay ito ang naaalala kaagad..Baliuag Transit..hehehe



" I wanna be Free"...kahit talaga di sila tunay na rock singers ay recognizable syempre ang mga boses...

Mainam pakinngan sila kung tag-ulan, hehehe, kasi very lively...

Ito lang ang paborito ko sa kanila pero special din yan sa akin..

" Dream", " Devoted To  You"," Cathy's Clown" ...alam ko parin ang lyrics ..hehehe..

" Yesterday"...palagay ko ang isa sa paborito kong hits ng " Beatles"..

" Have I the Right", British uli pero si Honey Lantree ay isa sa pinaka-unang babaeng drummer! Ang buhok nuon.." Teased and tawag natin..hehehe

" All and All of the Night", paulit-ulit na bass guitar ...trademark style nila. ok..great!

Maraming parang nabaliw na mga teenager na babae kay Tom Jones..hehehe...

Ok, ok, " Mony, Mony"...akala natin ay money pero Mony , Mony..hehehe..
Ay hindi na puedeng ibalik yung panahon sa '60's. Suerte tayo kasi hindi na gumagawa ng ganung mga melodya at mga kanta ang mga kapanahunan ngayon. Marami din syempreng " magagandang" mga hits ngayon pero iba yung mga hits sa 1960's. Natatandaan ko syempre na habang gumagawa ako ng homework ay sabay na nakikinig ako sa mga kanta nuon. Sa totoo ay mahigit na 1,000 na ang aking mga paboritong kanta kasi ay may mahabang listahan ako at sympre nasa Hardrive nakatago. Ang dami-dami kasing mga magaganda at mahuhusay na singers at mga grupo. Iyon ang mainam na inspirasyon kung tayo ay nalulungkot at ibig sumaya at lumigaya ang kalooban. Sa aking palagay ay ang isa sa pinakamahusay na invention ng mga tao ay ang paggawa ng mga kanta at tugtugin. Kahit na saang lugar sa anong panig ng mundo, mapapakinggan natin ang iba-ibang mga kanta at porma ng musika. Mahirap isipin na puede tayong mabuhay na walang musika, ay nako ang lungkot sa buhay , di puede sa akin...talagang mahilig ako sa musika.Tamo kahit di tayo marunong kumanta ay mainam din na kumanta lalo na kung may apo na gustong patulugin, kasi nga lang ay baka lang mapilitan yung pobreng bata na matulog para lang di marinig yung sintunadong kanta...sa halip na Lullabye ay LULUBAY_YAn na..hahaha! Sabayan ng CD para di gaanong halata..hehehe! Palagay ko ang pangkaraniwang tao ay may 500 na paboritong mga kanta. Hindi nga lang symepre alam ang mga Titles o pangalan ng singers o composers pero alam ang tune o melody nuong mga kanta. Kaya ko nga inilagay ang German lyrics nung "Wooden Heart" e kasi ay hula-hula lang kasi ang ginagawa ko nuon sa lyrics...di ngayon ay alam natin, galing ano? Hehehehe...seguro sa susunod ay FRENCH, hirap kasing pag-pronounce ng FRENCH..sa ilong kasi dapat lumabas yata ang boses..hahaha!!! Merci BUKOL..sige, mag-umpisa na kayong gumawa ng mahabang listahan ng inyong mga paborito...magugulat kayo sa dami ninyong alam! Totoo talaga na ang musika ay malaki ang nagagawa sa isipan ng tao. Sabi ko nga ay nakapagbibigay sa atin ng lakas, inspirasyon at moral support. Di ba kapag naririnig natin ang National Anthem halimbawa ay iba ang ating nararamdaman . Kapag maganda ang ating naririnig na musika, orchestra yung mga classical halimbawa ay naiiba kaagad ang ating damdamin at pakiramdam. Nagiging magana at lumilinaw ang ating isipan kapag paboritong kanta o tugtugin ang naririnig. Kaya kapag may problemang kunti sa buhay at gusto ninyong mag-relax na kunti..makinig sa mga paboritong kanta..malaking tulong talaga. Okey, makinig na tayo ng GREATEST HITS OF THE '60's!!!



NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA

Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...