Ang isang obsesyon ng mga tao lalo na sa Pilipinas ay ang maging " POGI, MAGANDA, TISOY, TISAY,etc." Malaki dangkasing pagkakataon sa isang bata na ipinanganak na eka nga e..." Pogi o Maganda". Ang kaso eh paano naman kung ipinanganak ka na kahawig ni Mrs. Obama o kaya kung kamukha ng ASUWANG eh kawawa naman ang pobreng ikaw. Kasi nga ay may espesyal na posisyun ang maging gwapito o gwapita! Kung bakit ganun ay ewan ko talaga kung saan at kelan nag-umpisa itong tradisyun na ito. Bakit nga ba naging ganoon ang tradisyun ? Ang problema ay magmula sa kabataan ay lumaki tayo na narinig yung paniwala na pag maganda ang ating porma at pagmumukha ay malaking bagay at tulong sa ating pag-asenso sa buhay, Grabe namang paniniwala yun. Ang problema ay mas maraming mga tao ang may pangkaraniwang porma o normal lang ang mga itsura. Hindi lahat syempre ay puedeng maging ARTISTA ma puera yung parte na kailangan eh sa " pangit" na pagmumukha. Halimbawa ay sa parte sa HORROR movies, di ba? Eh syempre, bihira ang may gusto ng parte na yun lalo na nga at kapag-pangit ang magiging ROLE o parte sa pelikula!
Ano kaya ang mangyayari kung tayong lahat ay ipinanganak na mukhang TSONGGO o kaya ORANGUTANG? Nakakatuwa syempre pag mga bata pa tayo ano? Ang magiging tuksuhan kasi ay halimbawa ay ito: " Inang, Inang, eto po si Efren at tinutukso ako! Tawag po sa kin ay kahawig ko daw po si BRAD PITT, yung artistang TAO po sya sa Hollywood! " Ang pangit -pangit po naman nun, Inang!" Syempre yung Inang mo ay pagagalitan yung kapatid mong si Efren. " Hoy, Efren, bakit ka naman mapakalupit sa bunso mong kapatid at tatawagin mong kahawig ni Brad Pitt, anong kagaguhan ba ang natutuhan mo sa eskwelahan mo? "...Malaki kasing insulto para sa atin yun kung tayong mga TSONGGO o ORANGUTANG ay ikukumpara pa mga TAO! Eh sino nga ba ang may gusto ng makinis na kutis at wala halos na balahibo sa mukha at buong katawan? Sobrang pangit naman nun, di ba? Ang mangyayari pala ay kung tayong lahat ay mga TSONGGO at ORANGUTANG ay halos pala ganun din ang mangyayari ano? May obsesyon din pala na maging maganda o POGI kahit sa mga MATSING. Bakit nga ba naging ganun? Sasakit talaga ang ulo natin kasi mahirap paniwalaan eh, di ba? Hahahaha...
"Oy, ang cute cute naman ng BABY mo, parang ORANGUTANG, very cute, super cute naman. Ako sana ang maging NINONG ni ORANGO, pwede ba, kumpare mo na ko...hehehehe! Baka maging susunod na SUPERSTAR ang batang ito, super POGI kasi, sarap halikan, SUPER POGI kahit BABY pa lang! Hehehehe, Ganun tiyak ang ating maririnig kung tayong lahat ay mukha ngang mga TSONGGO, MATSING o kaya ORANGUTANG, di ba? Syempre mainam ay ma-deseplina ang mga pogi o magagandang mga bata para paglaki nila ay hindi maging mayayabang at lalaki ang mga ulo. Sa madalit sabi ay huwag maging SPOILED yung bata. Ang kahirapan syempre ay marami din kasing mga klase ang mga MATSING at TSONGGO. Buti nga ang mga OGANGUTANG ay halos lahat sila ay magkakamukha, alam mo na, MUKHANG ORANGUTANG lahat, pare-pareho lahat at wala halos na pagkakaiba sa isa't isa.
Isa pang halimbawa ay ang mga ROCK STAR. Ang kainaman sa mga ROCK STAR ay kahit di ka ganung POGI ay magiging SIKAT karin basta syempre mahusay kang kumanta at mag-gitara. Yuon ang pagkakaiba ng maging artista sa ROCK STAR. Syempre sikat ka habang may mga bagong kanta ka na sumisikat. Talagang ganun , kasi negosyo din syempre yun. Kailangan ay ibenta ang nag-cli-click. O eh sige, kayo na mamili kung maging kamukha tayong lahat na TSONGGO o balik tayo sa pangkaraniwang TAO. TAO o TSONGGO...MAMILI NA KAYO..babay na uli at susunod na kabanatan uli...BABAY!!!
No comments:
Post a Comment