Ang kainaman naman sa jeepney ay mura lang naman syempre ang bayad. Binibiro mo kung walang mga jeepney , Ay,e di lalong hirap na magiging buhay . Paano namang makakapunta sa kanilang mga trabaho ang mga pangkaraniwang mamamayan o trabahador? Syempre, malaking bagay sa buhay ng pangkaraniwang mga tao sa Pinas. Nasasabi ko lang na bwisit ako sa sobra-sobrang mga dekorasyon lalo na sa harap sa windshield ng driver. Ewan ko paanong nakikita nung driver ang mga daan at ang traffic sa dami ng mga dekorasyon, hahahaha! Yung mga nasa ibang bansa ay ikumkumpara itong mga jeepney sa mga sasakyan ng mga Mexicano kasi , maarte din kasi sila lalo na ang mga lalakeng Mexicano kasi sobra din ang dekorasyon nila sa kanilang mga sasakyan lalo na sa mga kotse! Seguro kasi namana natin yun sa mga Kastila, hehehehe!
Ang mas grabe syempre ay yung mga nasa probinsya na taksan-taksan talaga ang mga pasahero kasi di gaanong maraming mga byahe ng mga jeepney sa kanilang mga rota kasi nga ay ang mahal na gasolina sa Pinas. Ang kahirapan nga lang ay ganun din ang bayad o pasahe mo, kahit nasa tuktok ka ng jeepney! Bilib nga ako at mahusay mag-balansya ang mga pasahero kasi lalo na kung lilikong bigla ang jeep ay baka mag-bagsakan lahat ang mga pasahero. Eh tiyak na bago ka dalhin sa ospital ay sisingilin ka muna nung driver, hehehehe! Lintek naman sistema yun ano? Hhahahaha! Ang kainaman nga lang ay walang ganung maarteng mga pasaherong babae dun sa ituktok ng jeep, bwisit din kasi ako sa mga maarteng mga tao...hehehe, kahit na ituktok ng jeep eh di maiwasan yung kaartehan...hahahaha! Sana yun ang mabagsak sa kalye, hahahaha! Hey, biro lang yun...hehehehe.
Ang kaso lang eh walang simpleng jeepney na namamasada sa Pinas. Oblisgasyon yata ng lahat ng may-ari ng mga jeepney na lagyan ng patong-patong ng mga dekorasyon at iba-ibang mga kulay ang kanilang mga jeepney. Kasi sa kanilang palagay ay mas maganda kung mas maraming mga dekorasyon...ay naku, kaya pala ako walang jeepney kasi wala akong hilig sa kaartehan...hahahahahaha! Ok, ito ang aking topic sa aking Blog, sa susunod na uli..mag-iisip ako na makaka-asarang bwisit...BABAY!!!!! Ok, eto na pala ang jeepney ko...maka-punta nga sa palengke at makakain sa karenderia ni Aling Maria...sarap ng goto nya!
Punong-Puno at may baboy pa sa loob!!! |
Hila-hila express...pawis Steering din yan... |
Halos walang makita sa harap ng Jeepney ,puno ng mga dekorasyon! |
No comments:
Post a Comment