Monday, March 26, 2012

KWENTONG TOTOO


" Maestro, naririto na po tayo! ", sabi ng janitor sa akin. Matanda  na siya pero malakas pa ang katawan ng school janitor na sumama sa akin para ituro ang daan sa eskuwelahan sa Pinagtulayan. Ang kaso lang ay nasa kalooban at kalagitnaan ng kagubatan doon sa Norzagaray ang eskwelahan. Noon ay1969! Ang tagal na pala ang nakakaraan! Para na lang panaginip sa akin!  Doon ako na-destino.Kasi ay walang pangsuhol sa mga matataas na opisyal duon sa Baliuag. hehehe! Ganun kasi ang kalakaran sa atin, lalo na nuong mga panahon ni Marcos. Eto, ang problema ko ay kung papaano ko gagawing katatawanan o parang biro lang ang kahirapan sa katawan at sa isip na nangyari sa akin noon. Unang-una ay ako lang ang nag-iisang teacher sa sulok ng gubat doon ! Parang si Tarzan pa yata ang nangyari sa akin. Yun nga lang, maliit lang ang katawan ko at walang akong nakitang tsonggo o matsing . Ok sana kasi ay may alagang matsing si Tarzan, ano nga ba ang pangalan nuong tsonggo na yun, Imelda ba? Hehehe, si Chita nga pala, sorry . OO nga pala, apat ang klase ko pero kunti lang ang mga estudyante. Grade One hanggang Grade Four. Kasi ang karaniwang mga estudyante doon ay tumutulong syempre sa mga tatay nila na halos lahat ay magsasaka.
Putris pasensya nga pala at hindi naging " bulag" ang porma nitong "BLOG" ko ngayon, parang kwento ni Lola Basyang yata ang nangyari," Efren, huwag ka ng malikot!". Ay na-gago na yata ang nangyari, ok, ok, balik na tayo sa aking totoong kwento. Medyo naligaw na naman ako, hehehe, eh wala namang lambanog dini at hindi lasing. Hmmm, masarap sana kung may sitsaron habang nag-kukwento ako, isasawsaw sa toyo, bawang o sibuyas at konting suka, ayos! Ay putris at wala, sayang! Ang mga nakakatawa lang na mga pangyayari sa aking adventure doon sa bundok ang isusulat ko, seryoso na ako, PANGAKONG tunay na!!! Ang pangkaraniwang CR doon sa bundok ay sa likod lang ng mga dampa noong mga taga-roon. Sa madalit sabi ay walang formal na CR, sa lupa lang sila , halimbawa ay likod ng mga tanim na gumamela, hahaha. kunting hukay at tabon.." BORN FREE "...buti kamo at sa eskwelahan ko ay may maliit na parang barong-barong na nagsisilbing CR, at least ay may maliit na bubong at kunting privacy, hehehe...
Ang tubig nga pala ay isang maliit na bukal ( spring) seguro ay mga 100 yarda ang layo mula sa eskwelahan. Doon ako naliligo , syempre, malamig pag umuulan kaya mainam pa ay maligo sa ulan, hehehe! Wala syempreng koryente sa bundok kaya maagang natutulog ang mga tao doon, iyun ang dahilan kung bakit maraming mga bata doon, hahaha!!! Birong totoo yata iyon, pwede nang paniwalaan , di ba? Mahilig akong mamaril ng mga ibon pagkatapos ng " pagtuturo" para pang-ulam ko sa hapunan . Piniritong ibon, kanin, kamatis at kung ano man ang mga gulay na makukuha sa mga paligid-ligid. Pag-pagod kasi ay kahit ano na lang ay masarap kainin lalo na't GUTOM, di ba?
Naiiba syempre ang style ng pagtuturo ko kasi nga ay AKO lang ang teacher sa na-destinuhan ko. Basta syempre naman na tinuturuan ang mga estudyante ay iyon ang importante. Nuong isang araw na kainitan talaga, niyaya ko ang aking mga estudyante at nagpunta kami sa malapit na  burol na may malaking puno ng duhat. Marunong kasi akong umakyat kaya ayun, inutusan ko ang aking mga estudyante na umakyat sa puno ng duhat at doon ako nagturo. Para kaming mga tsonggo na kumakain ng matatamis na duhat habang nagtuturo ako. Tuwang-tuwa ang mga bata kasi ay parang lakwatsa lang kami pero  seryoso naman ang klase ko. Ang pagkakaiba nga lang ay nasa mga sanga kami ng puno ng duhat. Syempre, punong-puno na duhat ang aming mga bibig, matatamis kasi. Kami lang seguro sa buong Pilipinas ang nagkaroon ng pagkakataong mag-aral sa itutoktok ng puno ng duhat. Magagaling syempreng mag-akyatan ang mga bata doon sa bundok kasi ay sanay sila. Kaya hindi ako natatakot na baka mahulog sila kasi  nga ay parang mga matsing sila! Mabibilis umakyat sa mga puno kahit nga puno ng buko! Syempre, walang mga sanga ang mga puno ng buko, sayang nga, sarap kasi ng buko juice at buko!
Noong isang hapon nga lang habang nasa itataas kami ng puno ng duhat ay may nangyari na hindi ko akalain! Habang nagtuturo ako sa isang sanga ng puno, ay may narinig akong tawag. " Mr. Cruz, Mr. Cruz!", tawag sa akin  nagmumula sa ibaba ng puno. Tingin syempre ako, nabigla ako! " O, Mr. Cruz, putris ano ginagawa NINYO dyan sa itaas ng puno?", boses ni Mr. Andres Cruz pala, ang aking principal na pumasyal at dumalaw sa akin ng biglaan! " Eto, Mr. Cruz, mainit kasi sa eskwelahan kasi yero ang bubong kaya dini ako nagtuturo para di ganong mainit". " Mr. Cruz, gusto ninyo po ng DUHAT? " Hahahaha!! Eh ano pa nga ang magagawa ko kundi alukin ang aking principal ng matamis na duhat? Sabi niya, " Putris ka, buti't hindi nahuhulog ang mga estudyante mo!" Sagot ko naman, " Mr. Cruz, walang problema dyan, daig pa nila si Chita, ang gagaling nilang umakyat , bilib ako!" Walang nagawa si Mr. Cruz, kundi tumawa lang! Natatandaan ko pa nga ang mga ginto niyang mga ngipin  sa harap ng bibig, hahaha!!!
Ay nako, kahit ngayon nga ay pag-naalala ko ang anekdota na iyon ay kahit ako nag-iisa ay nangingiti at natatawa ako. Marami pa syempreng mga nangyari sa akin doon sa nadestinohan ko pero sa mga susunod na kabanata naman, ok? Sayang, walang duhat dini...hehehe!!!




2 comments:

Unknown said...

Nakakatawa naman.. =) Keep up the good work!

Resty Cruz said...

Salamat naman sa FEEDBACK mo, ok kasi retired na ko kaya maraming oras..hehehe!

NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA

Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...