Hello, si Mang Resty Cruz po ako! This Blog is just another weird product of my imagination! But never fear, my friends! I am not here to offend, humiliate, harm or annoy anyone! Well, maybe just a little !!! Kasi may mga taong nakakabwisit sa kapwa tao pero talagang ganuon ang mga tao at buhay, iba- iba tayo, di ba? Kaya Enjoy this Bulag, oh, I mean BLOG! Ayan, Inglis yun..Hehehe! Babay!!! Enjoy and have fun!
Wednesday, February 29, 2012
PAMAHIIN AT PANINIWALA
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay naniniwala sa maraming mga pamahiin , kasabihan at iba pang mga mga paniniwala. Ewan ko lang kung ang mga kabataan sa ngayon ay naniniwala parin sa mga popular na mga pamahiin. Matagal na akong umalis sa Pilipinas kaya ang aking hula at hindi na segurong naniniwala ang mga kabataan sa ngayon. Ang natatandaan ko ay sa mga probinsya ay marami pang mga matatandang mga tao na naniniwala sa mga mapakaraming pamahiin. Halos sa buong mundo naman yata ay may mga paniniwala ang mga pangkaraniwang mamamayan sa pang-araw araw na buhay. Ang isa sa pinaka-popular ay ang maitim na pusa sa daan o lansangan. Masama daw na makita ang isang maitim na pusa na lumakad o tumatakbo sa gitna ng lansangan kasi ay masama daw ang mangyayari at baka maging delikado at malasin ang sino mang makakita nito. Kaya ang dapat daw gawin ay bumalik sa bahay at duon muna magpalipas ng oras. Ewan ko lang kung ilang oras , hehehe. Kaya kapag nahuli ka sa trabaho ay iyun ang iyong excuse! Ok pala kung PUTI yung pusa...
OO nga pala, ang isang kasabihan pa na nabasa ko ay suwerte daw kung may mga maitim na langgam sa loob ng bahay. Ito ang kabaligtaran ng maitim na pusa! Ano kaya ang mangyayari kung may maitim na langgam sa likod ng maitim na pusa?
Kapag nasugatan ka daw sa Biyernes Santo, ito daw ay hindi gagaling!
Hindi daw dapat maligo kung Biyernes Santo at baka ka daw malasin! ( Wala ka dapat na katabi! )
Ang paggugupit o pagpuputol ng kuko kung Biyernes o sa gabi ay hindi daw dapat gawin dahil mag-aaway kayo ng isa't isa sa magulang mo.
Ang isang buntis na babae daw kapag kumain ng kambal na saging ay magkakaroon din ng kambal na anak.
Kapag nanaginip ng pambubunot ng ngipin, mayroon daw na kamag-anak na mamatay.
At kapag may namatay sa isa mong kamag-anak, hindi daw dapat na magwalis! Ito daw ay sa dahilang ang kaluluwa ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang. Hindi daw puedeng mawalis o maitaboy ang "kaluluwa" ng bagong namatay.
Kung ikaw daw ay maysakit, hindi dapat umupo sa unan kasi magtatagal daw bago ka gumaling!
Masama daw magsuklay ng buhok sa gabi kasi ang paniwala ay mamatay daw kagad ang iyong mga magulang ! Maraming mga matatandang tao na naniniwala dito.
Hindi daw mainam na maglagay ng perlas sa mga damit ng mga babae dahil masama at malungkot daw ang mangyayari sa buhay mo! Marami daw na " luha" ang papatak dahil sa iyak gawa ng kalungkutan!
Ang kaluluwa daw ng bagong kamamatay na tao ay bumabalik sa 3,5 at 7 na araw ng kamatayan.
Marami pang ibang mga pamahiin at paniniwala ang mga Pilipino. Ilan lamang ito na nabanggit ko. Sa susunod na kabanata naman seguro natin mababasa ...
Thursday, February 9, 2012
MGA PABORITONG KANTA NOONG 1960's
Hindi ko malilimutan ang kanta na yan maganda talaga ..." The End of the World "...pansin natin yung Southern accent at twang nya sa " End" ang naging tunog ay " IND"..hehhe..cute naman... |
Ang dami-dami nilang mga Hits, " My Prayer", " Smoke gets in your eyes"... |
Wow, mga romantic talaga ang style ng " Lettermen"..." She Cried", " When I fall in Love"... |
Palagay ko ay " Words" ang isa sa pinakamagaling na kanta nila, ang dami kasing hits! |
E tiyak na kilala agad sila...." The BeachBoys"...clean-cut Americans.." Surfer Girl", " Wipeout"..etc. |
Underrated sila pero magaling.." Bad To me", Trains and Boats and Planes, From a Window, I'll keep you Satisfied" |
" Constantly", Summer Holiday, Bachelor Boy" , wow naman, lahat seguro ng mga kabataan nuong '60's ay gusto si Cliff! |
Ok bonus na album kasi special si Cliff Richard!!! |
" Runaway"...highschool days.... |
" You don't have to say you love me", how romantic naman..hehehe.. |
" Walk Away", " Born Free"...sayang at wala na si Matt, thanks for the wonderful songs, Matt... |
" Do Wa Diddy" , kahit syempre nonsense ang title ay very memorable sa akin ... |
Palagay ko ay napakadaming na-inspired na mga teenagers sa kanta na ito...classic! |
Napaka-simple ang style ni Roy, nakatayo lang sya, halos walang kilos habang kumakanta..trademark na sunglasses=success! |
" Silence is Golden" sila yung grupo na kumanta |
Magandang pang-grupong kanta , sikat na sikat nuong '60's... |
Mas gusto ko ang slow sa halip na rock songs nila.." As tears go Bye, Angie"... |
Medyo semi-heavy rock ang " Crimson and Clover" pero funky nga at naiiba... |
" My Way", " Love and Marriage"..ay ang dami-daming hits naman..sobra... |
Very cute kasi ang accent nila lalo na yung " Mrs. Brown you got a lovely daughter"..parang " do-tah"..hehehe.. |
" MoonRiver" lang ang patay na tayo, galing talaga ni Andy! |
Mahusay din syempre di nila kayang talunin ang " Beatles" pero " Everybody Knows" ay very memorable na kanta! |
Pag narininig ko ang " Telstar" ay parang mga spaceship at modern age ang aking naaalala... |
" The Last Waltz".." Release Me"...pang-kareoke na lang ngayon..hehehe..at least alam natin ang tono |
Ok, tiyak na si Clint Eastwood ang ating maalala ... |
Ang daming Spaghetti Western hits nuon...numero uno si Ennio Morricone... |
" Young Girl" |
Halos lahat ng radio stations nuon ay palaging pinatutugtog ito... |
" What a wonderful World" . ang husay , ang galing! |
Ibang-iba talaga ang boses ni Mary Hopkin... |
Aba ay si Nancy Sinatra, kahit ngayon ay maganga pa ang boses |
" Love is Blue" putris malungkot pero ang ganda-ganda naman ng melody... |
" A Summer Place", wow, lumaki tayong na-inspired nito,,,very peaceful.... |
Pag lumuluwas sa Maynila nuon ay ito ang naaalala kaagad..Baliuag Transit..hehehe |
" I wanna be Free"...kahit talaga di sila tunay na rock singers ay recognizable syempre ang mga boses... |
Mainam pakinngan sila kung tag-ulan, hehehe, kasi very lively... |
Ito lang ang paborito ko sa kanila pero special din yan sa akin.. |
" Dream", " Devoted To You"," Cathy's Clown" ...alam ko parin ang lyrics ..hehehe.. |
" Yesterday"...palagay ko ang isa sa paborito kong hits ng " Beatles".. |
" Have I the Right", British uli pero si Honey Lantree ay isa sa pinaka-unang babaeng drummer! Ang buhok nuon.." Teased and tawag natin..hehehe |
" All and All of the Night", paulit-ulit na bass guitar ...trademark style nila. ok..great! |
Maraming parang nabaliw na mga teenager na babae kay Tom Jones..hehehe... |
Ok, ok, " Mony, Mony"...akala natin ay money pero Mony , Mony..hehehe.. |
Friday, February 3, 2012
PABORITONG PAGKAIN
Sarap Naman!!! |
Palagay ko'y ang isa sa pinakapopular na hilig ng Pinoy ay ang kumain! Sabagay, seguro ay sa buong mundo ay malamang na ito din ay totoo. Ang pagkakaiba lang ay ang pangkaraniwang Pinoy ay kumakain ng halos 5 o 6 na beses araw-araw. Agahan, minandal, tanghalian, minandal, hapunan at minandal uli. Sabagay, ang mga kinakain ng pangkaraniwang tao ay maliliit na portion lang naman. Mahilig lang sa mga kakanin at sitserya. Ang problema nga lang ay ang pangkaraniwang mga nabibiling mga Street Food ay sobra ang tamis o alat. Masasarap kasi ang mga pagkain at kakanin ng mga Pinoy kaya mahirap ma-kontrol ang ordinaryong Pinoy/ Pinay sa pagkain ng mga " TUKSONG -KAKANIN", iyun ang itatawag ko para di gaanong " masakit" pakinggan,,hehehe! Halimbawa na lang, e sino ba naman ang hindi mangangasim sa LECHE FLAN?
Leche Flan |
Lechon Kawali |
Kasi nga kagaya nitong lechon kawali, masarap nga pero ang TABA naman nito at ang sodium ay grabe. Pero marami din namang masasarap na pagkain na lutong Pinoy na mga gulay at mga isda. Ang kahirapan din lang ay yung mga tuyo at daing din ay sobra naman ang asin. Ang mainam na lang ay isang piraso lang naman ang dapat na maging ulam, di ba? Syempre mas masarap kainin yung " MAY LASANG KARNE ", kasi iyon ang nasasaisip ng pangkaraniwang Pinoy/ Pinay, natural naman syempre yun. Sa madalit sabi ay kontrolin ang dami ng mga matataba at maalat na mga ulam. Para hindi gaanong ma-apektuhan ang ating katawan at di gaanong LOMOBO.
Tilapia |
Talong |
Masarap din at masustansya ang talong. Putris kahit na nilaga o inihaw ay OK na yan. Nuong bata pa ako ay natatandaan ko ang tortang talong. Kahit dalawang binateng itlog lang na ihalo ay marami ng tortang talong yun na puede ng maging ulam.
Sinigang na Baboy |
Chicken Adobo |
Pinakbet |
Bibingka |
Kare-Kare |
Lumpia |
Pancit Lomi, Misua, Pancit Luglug, Pancit Canton, Pancit Bihon Guisado, Pancit Malabon, Pancit Tuguegarao, Pancit Estacion ( Cavite ), Pancit Palabok, Filipino Spaghetti, Arroz caldo, Champorado, Paella, Longganisa, Siopao, Balut, Binalot, Chicharon, Isaw, Tokwa/ Baboy, Empanada, Palitaw, Pan de coco, pandesal, pastilyas, polvoron, Banana cue, Barquillos, Belekoy, Buko pie, Camote Cue, Coconut jam, tocino, Relleno, Tapa, Batchoy, Bicol Express, Mami, Menudo, Nilagang Baka, Pochero, Tinola, Afritada, Bistek Tagalog, Camaron rebosado, Carne Norte, Chicken Pastel, Crispy tadyang ng Baka, Embutido, Escabeche, Halabos na hipon, Inasal na manok, Inihaw na liempo, Kaldereta, Paksiw, Ginataan, Halo-Halo, Hopia, Kalamay, Maiz con Hielo, Maja Blanca, Maruya, Nata de Coco, Sapin-sapin, Taho, Ube Halaya.....
Masarap ma mapanaginip ito ngayong gabi, nasaan kaya ang salsa nito???????? |
Ok, muntik nang malimutan ang BUKO PIE!!!! |
Subscribe to:
Posts (Atom)
NAIIBA NGA PALA AKO! HAHAHA
Mulat sapul, hindi ako gaanong matatakutin sa disgrasya o sa mga gawain na peligroso sa buhay. Kasi ang aking paniniwala ay kapag oras ko n...
-
"Je Taime...Moi non Plus" ( I love You , Nor Do I ) sa aking palagay ay ang pinaka-romantikong kanta nung High School ako. Ito a...
-
1. Noong ako'y bata pa, ang aking Tatang ay nag-kwento sa akin ng isang naiibang kwentong-biro. Bihira lang syang mag-biro kasi pal...
-
Kailan ko lang uli naalala na ang mga Pinoy lalo na ang mga matatanda at yung sanay sa mga buhay noong unang araw at matagal na ay nanini...