Ah hindi ko talaga malilimutan nuong bata pa ako kapag linggo na sa halip na sa simbahan ay sinasamahan ko ang aking Tatang sa kanyang dibersyon na sabungan. Wala siyang katyaw na alaga. Mahilig lang siyang pumunta at pumusta sa sabungan paminsan-minsan pag linggo. Syempre, mas gusto ko ang pumunta sa sabungan sa halip na maidlip lang at sobrang mainip lang sa simbahan, Unang-una nuon ay Latin pa ang gamit sa mga sermon eh wala namang marunong magsalita o makaintindi sa Latin, di ba? Ang kainaman sa bata na kagaya ko nuon ay pag-nasa sabungan na kami ay ibinibili ako ng aking Tatang ng mga kakanin sa sabungan..hehehe. Dalawa ang bisyo ni Tatang nuon. Mag-sugal na Monte ang tawag at pumusta sa Sabungan. Ang kainaman naman ng sistema ni Tatang ay kapag nanalo na siya, kasi di siya gahaman, uuwi na sya kaagad. Pero bago umuwi ay bibili sya ng kakanin para minanda namin. Syempre lalo na at medyo malaki ang napanalunan nya. Ang malimit kasi sa atin nuon ay kapag-nanalo ang isa sa sabungan ay nahihirapan silang huminto. Si Tatang nga ay mga disiplina, kapag nanalo na ng kunti ay tapos na ang kanyang pamumusta. Kasi iyun ang kanyang sideline sa trabaho nya. Ang tunay na trabaho niya ay gurnasyon. Yun ay mga gamit sa mga kabayo na humihila ng karitela. Ako ay katulong din ni Tatang sa paggawa ng mga gamit sa gurnasyon. Mananahi din niya ako at natatandaan ko na mga .35 na barya ang bayad nya sa akin. Noon ay .singko o 5 centavos lang ang mga baon ng mga bata sa eskwelahan. Nakakabili na ako ng ice-drop, sorbetes at iba pang mga murang kakanin sa mga sari-sari store.
|
Sar-Sari Store |
|
|
Taho Vendor |
|
Kaya kapag nabayaran na ako ni Tatang ng .35 centavos ay parang mayaman na ang pakiramdam ko nuon. Syempre, tinuruan kami na mag-ipon kaya mga singko o dyes lang ang karaniwan kong ginagastos sa pagbili ng sitserya. Ang isang botelya ng Coke, Pepsi at iba pang soft drinks nuon ay .10 dyes ang bili nuon kaya bihira din akong bumili ng de bote. Ang malimit kong bilhin ay hopya, sorbetes, taho at bakya mo Neneng na tinapay na may palaman iyun na matamis..hahaha! Marami kasing mga sari-sari store sa halos lahat ng lupalop sa Pilipinas nuon. Halos lahat ng kanto ay may sari-sari store. Ang paborito ko namang candy nuon ay coconut candy , nalimutan ko lang kung ano ang talagang tawag pero nuon ay nakakabili ako ng tingi o isang candy mura lang nuon...isang centavo o sentimo lang. Kaya pag bumili ako ng dyes Ay, marami na yun..hahaha! Kapag sabado naman at mga alas dyes ng umaga ay inaantay namin ang pagdating ng magtataho. Eh hindi ko lang alam ang pangalan nung itsik na suki namin pero palagi kaming nag-aantay sa kanya. Ang isang maliit na baso na pupunuin ng taho at arnibal nuon ay .5 o 5 centavos lang nuon.Ah, si Mang Carding ang suki naming sorbetero. Nakakatawa sya kasi marunong siyang mag-wari-wariang Intsik , masiste at mahilig pa nga kaming mag-laro ng mabilis na chess bago sya umalis ..blitzkrieg chess ang tawag duon kasi mahilig akong maglaro...hahaha! Si Mang Carding syempre, sa aking palagay ay napakasarap ng sorbetes nya lalo na pag may mamahalin na APA, yung malutong at matamis na special apa. Ang malimit kong bilhin ay isang basong sorbetes..marami na yun...5 centavos din nuon busog ka na sa sorbetes...Hindi ko natatandaan na nagkasakit ako dahil sa sorbetes kasi ngayon ay " dirty ice cream" na ang tawag sa sorbetes na nilalako ng mga sorbetero. Ewan ko pero nasasarapan pa rin ako sa dating mga sorbetes ng mga sorbetero.
Ice-Cream Vendor ( Sorbetero)
Ang isa pang sideline ko nuong bata pa ako ay ang mang-huli at magbenta ng gagamba. Kasi mahilig sa San Jose o Baliaug ang mga lalaki kahit sa elementary grades land nuon na pumusta sa mga gagamba. Marunong akong mamili ng matapang na gagamba nuong panahon na yun. Sa mga balag namin lang ang maraming mga gagamba. Ang tawag namin sa matatapang na gagamba ay Gagambang ToToo at ang susunod na matatapang ay WATOG ang tawag. Kung minsan ay sa tabing tumana kami ni Amang pumupunta para manghuli ng gagamba. May mag kasa-pwego kami na gamit para duon ilagay ang aming mga nahuhuling gagamba. ang pangkaraniwang presyo nuon sa mga .35 o .50 sa malalaking gagambang Totoo at ang mura ay ang Watog. Kasi mas matapang nga ang Gagambang Totoo kesa sa Watog kasa nga mas mahal. Kaya kung minsan ay mahigit na PISO ang aking nagiging pera kapag marami akong nahuling gagamba. Ang gusto ko lang ay magbenta nuon hindi ako mahilig sa sugal ..hahaha. Negosyante lang ang aking ginagawa para marami akong maipon at baon sa eskwelahan.
|
Gagambang Totoo |
|
Propesyunal sa Gagamba |
|
Gagamba Apisyunado ...bata pa! LOL
Ang kainaman nga lang ay lumaki ako na hindi naging sugarol at lasenggo..hahahha! Isipin mo na lang na bata pa ako sa lumaki sa sabungan at gagamba. Ni hindi ako marunong uminom, manigarilyo o magsugal kahit ngayon. Hindi ko syempre malilimutan yung kabataan ko kasi ay nag-enjoy naman ako...kahit ngayon ay paminsan minsan nga ay nanghuhuli pa rin ako ng gagamba para aliwan...hahahaha! Shhhhhtttt, bawal yata dini yun....hahahahahha! O sige at baka may mag-sumbong na sa SPCA at sumakit lang ang ulo ko...babay!!!