Ay talaga bang totoo ito? Wow! |
Ano kaya at isang araw nga ay biglang-biglang natupad ang iyong pangarap sa buhay: Sa wakas ay tumama ka sa LOTTO ng katumbas ng 50 Bilyong PESOS! P50,000,000,000...kasi ay may kamag-anak ka na bumili para sa iyo ng ticket sa ibang bansa at parang biro sa iyo ay nasa pangalan mo ang nanalong ticket! Wow, ok, syempre kung ano-ano na lang bigla ang mararamdaman mo! Inang, Tatang kamo, NANALO ako sa LOTTO, MAYAMAN na tayong BIGLA!!! AALIS na tayo sa ating barong-barong at wala nang tuyo at murang bigas para sa atin, hehehehe! Eh sabi nga ng mga experto dito eh mag-relax lang muna, dahan-dahan lang muna, huminga ka ng malalim, mahirap syempreng gawin yun kasi EXCITED ka talaga! Ay putris, seguro kating-kati ka na ibalita sa FACEBOOK biglang-bigla na nanalo ka , BILYONARYO na nang BIGLA, WOW!!! Maiisip mo, BIBILI ka agad ng bagong bahay sa isang magandang subdivision , ah hindi, bibili ka ng isang isla sa PALAWAN, para malayo sa mga kamag-anak na biglang-biglang lilitaw sa buhay mo, hahaha! Ang talagang mangyayari eh magbabago ang iyong buhay sa gusto mo o sa hindi. Binibiro mo, tiyak na FRONT PAGE news ka sa mga dyaryo sa buong MUNDO lalo na sa baryo mo! Halos imposible na magtago ka kasi ang mga reporter at mga kapitbahay, mga abogado, politiko, pulis, NPA, mga kriminal, mga pare, madre, hospital, simbahan, mga dating classmates mo, teachers, lahat halos ng mga tao sasalakayin ka, kasi BIDANG_BIDA ka agad!!! WOW, ang hirap pala kamo ng biglang naging MAYAMAN!!! Lahat tayo syempre ay may pangarap na manalo ng marami sa LOTTO. Ang problema nga lang ay hindi naman talaga natin inaasahan ng matutupad ito kaya nga tinawag na pangarap, di ba? Dito sa lugar namin ay may kilala akong isang simpleng Indian ( First Nation ang tawag dini) na nanalo ng malaking pera din sa LOTTO. Sa madali't sabi ay $25,000 /week for 25 years o kaya $650,000 na cash sa halip na hulugan kaya malaki rin ang awas. Ang kaso lang ay bumili ka-agad siya ng mamahaling 4 x 4 truck na mahigit na $ 85,000. Bumili din ng bahay na $350,000. Ibinili nya ang mga anak nya ng mamahaling mga kotse . Ang mga kaibigan at ibang kamag-anak ay syempre nabigyan din. Ang nangyari ay madaling naubos ang napanalo nyang pera pagkatapos lang ng 2 taon. Kasi pag hindi kasi sanay humawak ng pera ay ganun ang talagang mangyayari . Kailangang pag-isipang mabuti ang gagawin. Mayron ding akong nabasa na isang Pinoy na dating mahirap din na biglang nanalo ng ilang milyong piso. Ang kaso lang ay pagkatapos lang ng isang taon ay balik uli syang pulubi kasi mahilig sa sugal , akala nya ay magtatagal ang pera nya kaya ayun, balik uli sya sa dati nyang buhay. Ano nga ba ang nararamdaman ng nanalo sa LOTTO? Ako ay nakaramdam ng kaunti lang naman mga 25 na taon na ang nakalilipas. Nanalo din akong nga bread-maker, binocular,cruise, LAS VEGAS trip, camera, libreng pagkain sa restaurant at ibat-iba pang mga contest. Ang pakiramdam syempre ay isang masarap sa kalooban pero iba syempre ang pakiramdam ng mapakalaking panalo, lalo ng kung $25 million dollars , Hahaha! Ito ang aking gagawin kung ako ay mananalo ng ganung kalaki. Unang-una ay aalisin ko ang aking telepono, ang aking FACEBOOK account, ang aking address, lilipat ako sa isang sekretong address, hahahaha!!! Biro lang pero baka nga gawin ko yun ano malay ninyo. Kaya kapag nawalang bigla ang aking pangalan sa FACEBOOK ay tiyak na iyon ang dahilan!!! Hhehehehe...mag TTNT AKO SA FACEBOOK...ayun ang mangyayari. Symepre may mga balato ang aking mga paboritong kaibigan at ibang mga kamag-anak, hehehe, eh ang problema lang ay lima lang yata ang mga kandidato..sorry ano??? Okey, kaya mainam ay bumili na kyo ng LOTTO kasi ano malay ninyo baka sa isang lingo ay mawawala na kayong bigla sa FACEBOOK!! Ok lang yun, kasi alam naman namin kung ano ang mararamdaman ninyo,,hehehe very understanding naman kami..talaga? Basta huwag lang kalimutan ang aking BALATO ano?? Hhehehehehe....o sige at mag-iihaw na uli ako ng tuyo at dilis dini, wala pa kasi akong napapanalunan sa huling LOTTO na nabili ko..BABAY!!! Balik uli tayo sa ating normal na buhay, ay kailan nga kaya matutupad ang ating pangarap...???