Pages

Thursday, January 12, 2012

IBANG-IBA NA TALAGA

Nuong ako'y bata pa ay mahilig akong magbabasa ng mga American magazines and other English reading materials. Ang paborito ko noon ay Life Magazines and Reader's Digest. Natatandaan ko ang aking imagination sa mga description nuong mga kwento at adventures. Nasa isip ko lang iyun kasi mahirap lang kasi ang aming buhay noong mga panahon na yun. Ni wala kaming radio . Nagpupunta lang kami sa aming kapitbahay  sa labas ng bakuran nila at duon kami sa harap ng bahay nakikinig ng mga paboritong  radio programs. Syempre ang mga kabataan ngayon ay walang idea at matatawa lang tiyak sa aking kuwento. Unang -una, ngayon ay halos lahat ng mga tao sa Pilipinas , mahirap o mayaman ay may cell-phone! May mga TV , CD, Mp3, blu-ray, etc. kahit sa malayong sulok ng mga baryo o baranggay . Ang kainam lang nito ay naging Great Equalizer sa buong masa kasi ang cell phone ay affordable ng kahit sino sa Pilipinas. They can reach anyone at any given time, wow ang galing ano! Kahit basurero, balut-vendor, drug-dealer lalo, call-girls , (ewan ko kung ganun pa rin ang tawag sa "profession" na ito, hehe, ), tricycle drivers, jeepney operators, sa madalit sabi ay halos lahat nga ay may CELL-PHONES. Mapuera ako! I don't have one. Yung aking Mrs. ay mayron din pero pang-emergency lang namin iyun! Mabuti nga at ang aming cell plan ay $10.00/month lang pero naiipon ang mga hindi gamit na air-time! As a matter of fact, as of today, we have a balance of over $420.00 air-time kasi nga hindi mahilig si Mrs. na mag-text or magsayang ng oras sa cell-phone! That was the total accumulation for over 6 years...wala na syempre ganung cell-plan ngayon kaya  suerte ako at I negotiated 6 years ago fromTelus to have that "pay as you go" plan for as long as I want. Ibang-iba na nga ang naging buhay sa Pilipinas lalo na at bihira akong makadalaw sa dati kong bansa. Natatandaan ko nuong dumalaw kami sa aming mga relatives sa isang probinsya a few years ago. Ang youngest son ko ay very busy sa internet business nya kaya hindi sya nakasama kaya iyung panganay ko at ang aking Mrs. ang sumama. Duon kami nag-stay sa bahay nuong isang pinsan ko. Syempre, gusto namin sa bandang bukid, tahimik at medyo malinis ang hangin. Ang kunting problema lang ay ang katabi nuong bahay ay may babuyan pala kaya kahit may bakod na hollow blocks at medyo mataas ay syempre naamoy mo pa rin ang "dumi" nung baboy! Anyway, we didn't mind kasi talagang ganun ang situation ano magagawa mo? Magiging pihikan pa, sobra naman yun...hehehe. Be humble! Ang napansin naming tatlo ay walang naglalakad ng mga tao papunta sa palengke. Sa aming calculation ay mga 30 minutes or less lang na lakarin from where we were. Lahat halos ng mga tao duon ay tricyle ang gamit, nahihiyang maglakad! Anyway, kaming tatlo kahit na mainit ay naglakad papunta sa palengke. Mas na-enjoy namin ang mga tanawin, nakatipid pa ng pambayad sa tricycle pambili pa nga ng banana-cue at inihaw na mais , hehehe. Eh syempre, nagtataka yung mga tao , putris eka, ang kukunat naman eka naman ayaw mag-tricycle, hahaha! Ewan ko bakit nahihiyang maglakad ang karaniwang mga tao lalo na sa bukid e wala namang masyadong traffic na baka eka masagasaan ka kung naglalakad sa kalye, hehehe. Yung palaki ko sa aking mga anak even they though they were born in Canada ay tinuruan ko ang dalawa kong anak na to retain the Philippine tradition of paying respect to their elders. Nakakatawa nga kasi yung panganay ko ay 6'3 at tinuruan kong magmano sa mga long-lost relatives niya. E ang karaniwang height nung mga matatandang relatives ko sa probinsya ay mga 5'0-5'5, kaya tawanan sila at nabibigla kasi yung anak ko ay marunong magsalita ng " Mano po", hagikgikan sila pag nadinig nila sa matangkad na anak ko. Si Mrs. man ay kahit pano ay nasasabi ang " Mano Po", hahaha at syempre at 5'5 ay mas mataas sa mga minamanuhang mga tiyahin, tiyo at iba pang mga elderly relatives ko.
Tinuruan ko din silang kumain na gamit lang ang kamay...noong nasa Boracay kami ay duon sila nag-umpisang kumain ng kamay lang. Nagpunta kami kasi sa Kamayan Restaurant, hehehe, ang dami nga lang na mga kaning natapon muna kasi syempre, di nila alam kumain ng kamayan style. Ako man nga ay di naman sanay kasi lumaki din ako na ginamit ang kutsara sa pagkain. Pero, tawanan kami sa experience, mas masarap nga pala ang kamayan kasi I read that it was scientifically proven that food tastes better if you use your bare hands because the sensory perception from your brain through the fingers will trigger that yummy "taste" buds in your tongue...ay ayun, kaya pala yung ating mga forefathers ay masarap kumain kahit bagoong lang at sibuyas, kamatis.bawang at luya..putris, kakanta na yata ako ng BAHAY-KUBO...kareoke...hehehe...Speaking of Kareoke, hahaha..compulsory nga pala yung Kareoke sa atin ano? Kahit sintunado at hindi marunong kumanta ay obligado nga palang mag-kareoke ang mga bwisita sa atin, ano? Ang kaso nga ay sintunado si Mrs. kaya kahit magbangunan ang mga patay sa simenteryo ay kung bakit pinupwersa ang mga bwisita na kumanta, hahaha! Kaya syempre out of courtesy ay pumapayag na din siya!!! Hhehehe...ok lang naman sa akin kasi sanay naman akong dumali ng kunti, hahaha! Kahit nga pam-babae yung kanta ay dinadale ko na rin para lang makadaos, alam mo na, pakitang tao at iyon ang kalakaran eh, ano magagawa mo, kill-joy??? Hehehe...Anyway, O , sige at medyo gutom na ako,mag-pra-practice nga uli ng kamayan, hmmm, nasaan ba ang kamatis, sibuyas, bawang at luya....??????

3 comments:

Rosario PS said...

I add mo ba sa Blogs mo ung sulat ke Tia Dely?

Resty Cruz said...

Hehehehe, thnx at pinaalala mo sa akin yun, puede nga ano?

anitie said...

masarap gunitain ang mga nakaraan, one even tends to romanticize some sad ones (at that time). oh, esor, you know about resty's tia dely episode?